~Ember Siren~
Back to school na naman at heto ako antok na antok habang naghihintay makarating sa school. And just like the usual I'm with my driver and two body guards na pinasama sakin ni dad.
He's treating me like I'm a four years old kid who needs to be guarded. Mabuti na lang talaga at napaki usapan ko sila na wag naman masyadong sumama at lumapit sakin para makakilos ako ng normal.
"Hi Ember."
"Good morning Miss Model."
"Ang ganda talaga."
Iilan lang yan sa mga bati sakin ng mga kapwa ko students na nakakasalubong ko. Simula first year pa lang ako ay lagi na silang ganyan at hanggang ngayon hindi pa din ako sanay.
I really want my image to keep lowkey. Hindi pa naman ako masyadong sikat at hindi din naman ako ganun kaganda kasi may nakita na akong mas maganda sakin. Yung ganda niya ang tipong hindi binabalewala. Hindi ako insecure because she's my idol.
A pretty handsome woman like her is such a head turner. Adding her cold demeanor but protective and bully at the same time is so cool for a woman. Yep, I'm pertaining to Astra.
Sayang lang dahil hindi ko nakuha ang full name, number at social media accounts niya kaya hindi ko alam kung kailan ko siya ulit makikita.
"Bestfriend!" Masiglang bati sakin ni Brienna, my best friend and my classmate of course.
"What?" Kunwaring pagsusungit ko dito na ikinabusangot niya.
"Ay wow! Porke bidang bida ka dahil dun sa huling fashion show na pinuntahan mo ganyan mo na ako itrato ngayon?" Nakaarko ang kilay na sabi nito na malakas kong ikinatawa. Patola talaga.
"How's your vacation?" I asked. We're walking along the hallway. Maaga pa kaya pwede pa kaming magchitchat.
"Okay naman. But it's kinda boring because you're not there." Napatawa ako dahil dun, isinasama niya kasi ako para makapag boy hunting daw kami pero ako yung tumanggi kahit pa alam kong papayag naman si dad. Pinagkakatiwalaan din kasi siya ni dad kaya mabilis lang na pumayag yun kapag sinabi king sasama ako kay Brie.
"Edi sana hindi ako nakaattend dun sa fashion show kung sumama ako."
"Sabagay. At least now my best friend is so famous! Oh my god I'm so proud of you!" Napatigil ako at hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Brie dahil sa isang pamilyar na amoy na naamoy ko.
Hindi ako pwedeng magkamali. Bago pa tuluyang lumampas saakin ang taong nasa likod ko ay hinawakan ko na ang braso nito kahit pa hindi ko nakita ang mukha nito.
"Astra?" Tanong ko na ikinalingon nito sakin. Tama si Astra nga. Umangat ang kilay nito pagkatapos ay biglang kumunot. May kasama siya at parehas na sila ngayong nagtataka.
"Do I know you?" She asked coldly.
Ako naman ngayon ang nagtaka dahil panong hindi niya ako makikilala? Magkasama lang kami kahapon bago tuluyang umuwi.
"Hindi mo ko kilala?" I asked confusedly.
"No." Sagot nito at tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"Teka lang Pres. She's Ember the famous model." Sabi ng kasama niya at inakbayan pa ito para hindi tuluyang makaalis. Napatingin tuloy ako sa kamay ng lalaki na nakahawak sa balikat niya.
"Get your hands off with me Arch." Malamig na utos nito na mabilis na sinunod ng tinawag niyang Arch.
"Aria naman eh! By the way Ember pasensya ka na ha? Masungit at anti social lang tong kaibigan ko pero promise mabait yan. By the way I'm Archer as in yung namamana. But you can call me Arch." Pagpapakilala ng lalaking kasama ni Astra. Oo sure ako si Astra yun dahil sa pabango na gamit niya at sa paraan ng pagtingin niya sakin at sa pananamit syempre.
"Okay?" Sagot ko at itinuro dito ang papalayong pigura ni Astra.
"Hayst! Kahit kelan talaga!" Reklamo nito habang nakatingin sa papalayong kaibigan niya. "She's Astra Aria the student council president but she prefer to be called Aria not Astra. Pano mo siya nakilala?" Curious na tanong nito na ikinakibit balikat ko na lang.
Binalewala nga ako at parang hindi ako kilala eh. Bakit ko sasabihin?
"Aissh sige habulin ko na yun." Paalam nito na tinanguan ko lang. Pagkaalis na pagkaalis ni Arch ay lumapit naman agad sakin si Brie na may pagtataka sa mukha.
"Anong drama yun?" Tanong nito. "Kilala mo si Aria?"
"Nakasama ko siya nung isang araw sa celebration pero mukhang hindi naman niya ako naalala." Sagot ko dito. May part sakin na medyo nalulungkot kasi akala ko matatandaan niya ako at kakausapin niya ako tulad ng pagkausap niya sakin sa party.
"Ay naku ganun talaga ang taong yun. Nakasama ko nga yun sa isang art competition naalala mo ba? Nung nagdayo ako sa ibang univ? Siya ang kasama ko nun yung kwenekwento ko sayong masungit siya yun. Nasa iisang lugar kami ng dalawang araw pero tingnan mo hindi niya ako kilala ngayon." Pagkwento nito na ikinagulat ko. Ibig sabihin matagal ng nag eexist ang taong yun dito sa univ kasi yung competition last year pa yun.
"Sabagay hindi ko siya masisisi kasi subsob siya sa pag-aaral, full scholar kasi siya dito." Dagdag pa nito na mas ikinakunot ng noo ko.
"Scholar lang siya dito?"
"Wag mong i-lang ang pagiging scholar niya. Matalino kaya yun at maraming school ang nag-aagawan sa kanya para pumasok dun pero ito ang pinili niya." Sagot nito na ikinatango ko.
Minsan talaga ipinagpapasalamat ko na kaibigan ko ang isang to. Marami kasi siyang alam tungkol sa kahit ano especially when it comes to the students and school matters. Pamangkin kasi siya ng may-ari ng school.
"Kita mo classmate pa yata natin si Pres." Komento nito nang makarating kami sa classroom namin.
Tama siya andito nga ang babaeng yelo at nagbabasa ito ng libro. Ngayon naniniwala na ako na subsob nga siya sa pag-aaral. Nasa gitna siya at walang katabi at tanging sa pwesto na lang niya ang may bakante.
"Dun na tayo sa tabi ni Pres." Suggestion ni Brie kaya wala na akong nagawa kundi maglakad papunta sa dereksyon ni Astra at umupo sa tabi nito.
"Uhhmm hi?" Pagbati ko dito na ikinaangat ng tingin niya sakin at binigyan ako ng isang tango.
Sungit talaga. Tinititigan ko na lang ito habang nagbabasa at napangiti ako nang biglang magsalubong ang kilay niya. She's really cute.
"Stop staring, you're distracting me." Mahinang saway nito parang sinasadya niyang ako lang ang makarinig nun.
"Hindi mo kasi ako pinapansin." Ganting bulong ko dito.
"We're not closed Miss Ember." Dahil sa sinabi niyang mas inilapit ko pa sa kanya ang upuan ko at ngumiti nang masama siyang tumingin sakin.
"Are we closed enough Miss president?" Nakangiting tanong ko na ikinailing niya. Ginaya ko lang naman yung ginawa niya sa elevator eh.
"You're so naughty Ember." Komento nito na tinanguan ko bilang pagsang ayon.
"Alam mo naman pala pangalan ko may pa 'Do I know you' ka pang nalalaman kanina." Nang-aasar na sabi ko dito.
"Can't you see that I hate socializing and being closed to you is not a good idea. I might loose my privacy when you keep on bothering me Ember. So please keep your distance away from me?" Malamig at may halong pakiusap na sabi nito.
Napanganga na lang ako ng bahagya pa siyang lumayo sakin.
She know me but she chose to ignore me to protect her privacy? So it means my popularity is the reason why she doesn't want to be with me.
How I wish that I'm not popular. All I want in this lifetime is to have a true friend aside from Brie. And I also want to be close with Astra because she's really my idol. She has everything and I found her cool but yeah she doesn't want me in her life.
That's absurd!
To be continued...
A/n: Late update. Sorry😌
YOU ARE READING
Adoring The Brightest Star (FreenBecky)
RomanceLove or privacy? For normal people, they can choose both. But what if when you choose to love, the privacy you've long been protecting disappears? And what if the person you love loves you too, but you're afraid to take the risk? Because you know t...