Chapter 2

2 0 0
                                    

Nabalot ng katahimikan ang hapon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nabalot ng katahimikan ang hapon. Lunes na naman kaya wala masyadong tao. Baka mga nasa eskwelahan o trabaho pa sila.

Sinamantala ko na ang pagkakataon. Hinarangan ko ng kurtina at sinara ko nang kaunti ang pinto ng tindahan. Kinuha ko ang phone ko para i-set sa thirty minutes ang timer, para umidlip saglit. Yumuko ako sa mesa. Ipinikit ang mga mata at sinubukang matulog.

Mabilis na lumipas ang oras. Nararamdaman ko na lang na niyuyugyog ako ni Maey para gumising. “Ate, gising ka na. Ilang beses na nag-alarm phone mo.” Tumigil siya panandali. “Gising na, ate. Ayan na customers natin. Saka marami ka pang bibilhin na kailangan natin dito,” pagpapatuloy niya.

Nag-angat ako ng tingin. Nakapikit pa ang isa kong mata dahil nag-aadjust pa sa liwanag. Nag-inat ako bago kunin ang phone ko para tingnan ang oras. Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng isang oras.

Pagkatapos naming magmerienda ay muli na kaming nagbukas. Mayamaya lang ay nagsimula nang magdatingan ang mga customer. Kaliwa’t kanan. Come and go. Maayos kaming nakapagserve dahil willing to wait din naman sila.

Mabilis na lumipas ang oras. Nang makahanap ako ng tiyempo ay umalis ako para bumili ng mga kailangan namin. 

Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Franklin. “Sa’n ka punta, ate?”

“May bibilhin lang,” sabi ko sabay pakita ng hawak kong listahan.

“Nako ate, iniiwan mo lang talaga kapatid mo, e.”

“Huy hindi! Grabe siya!”

“Charot lang! Sige na, ate, bumili ka na doon. Samahan ko muna siya,”

“Sige. ‘Di naman din ako magtatagal. Mabilis lang ‘to.” Kumaway ako at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya. Tumalikod na ako at nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Pagkalabas ko ng subdivision ay sumakay agad ako sa nakaabang na tricycle papuntang shopping mall. Pagdating ay agad akong kumuha ng cart na paglalagyan ng mga bibilhin.

Para akong nasa game show sa bilis kong kumilos. Nasaktuhan ko rin na naabutan ko silang nagrerestock kaya lahat ng kailangan ko ay nabili ko.

Naghihintay ako sa pila nang maramdaman kong may tumapik sa braso ko.

“June?” tawag niya sa akin. Lumingon ako para makita kung sino. Kasunod ko pala siya sa pila. “Hala si June nga! Namiss kita, girl!” Agad niya akong niyakap.

“I missed you, too.” Yumakap din ako sa kaniya. “Kumusta ka na, Caela? Tagal din nating ‘di nagkita,” 

“Kaya nga, e. Ito, currently unemployed. Actually, kakasubmit ko lang ng resignation letter. ‘Di ko na kinaya yung stress doon.” Malalim siyang bumuntong-hininga. “Ikaw ba?”

“Ayos lang naman. Small business owner. Food business. Sa family namin ‘yon,”

“Wow. That’s nice! Destined rin talaga. D’yan ka nakalinya, e, ‘di ba? Sumasali ka sa contest noon sa school,”

Mint ChocolateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon