Chapter 10

2 0 0
                                    

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Cholo para makipagkita sa kakilala niya sa isang money lending company

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinabukasan ay sinamahan ako ni Cholo para makipagkita sa kakilala niya sa isang money lending company.

“Kumpleto na ba documents mo with photocopy?” tanong niya habang nasa byahe.

“Oo, dala ko na lahat,” sagot ko sa kaniya nang pumara ang sakay naming jeep. “Personal ID, business permit, barangay clearance, at proof of billing lang naman ‘yon, ‘di ba?”

“Yup. Tapos kapag napasa mo na yung docs, iinterviewhin ka lang nila. Based lang din naman ‘yon sa binigay mo sa kanila. Saka yung figure ng kinikita mo sa business niyo.”

Tumango lang ako bilang sagot. Tumingin siya sa paligid sabay sabi, “Nandito na pala tayo. Para po!” Tumigil ang jeep at saka bumaba na kami.

Alas-diyes pa lang ng umaga pero tirik na tirik ang araw. Kaya naman, binuksan niya ang dala niyang payong habang naglalakad kami papunta sa main office.

Umakyat kami sa second floor ng building. “Mauna ka, dito ako sa likod mo. Pagliko sa kanan, diretsuhin mo lang hanggang marating mo yung dulo. Tapos, ayon na yung office nila. May logo at pangalan din ‘yon sa may pinto.”

Nagtataka akong lumingon sa gawi niya. “Huy bakit ka nag-iinstruct. Sabayan mo ako papunta doon. Sige na,”

“Oo, h’wag ka mag-alala. ‘Di naman kita iiwan dito.”

“Sabay ba ‘yan? Dali na.”

“Hahaha oo na, kalma. H’wag ka kabahan.”

“Sorry na. First time ko lang kasi sa ganito, e.”

“I see. Basta relax ka lang. Mababait naman sila,” sabi niya nang bigla kaming tumigil. “Malapit na tayo. Inhale exhale ka muna.”

Sinunod ko ang sinabi niya.

“Okay ka na? Bubuksan ko na ‘tong pinto ha?”
Tumango ako sabay pinagbuksan niya ako ng glass door. Pagpasok ko ay agad din siyang sumunod.

“Good morning po, ano pong sa kanila?” nakangiting bati ng babae sa front desk. Napansin kong kami lang ang tao sa loob. Mabuti na lang.

“Good morning po, mag-aapply po for loan?”

“Sige po, paki-fill up-an na lang po itong form. Pakilagay po lahat ng information sa mga may check. Pakihanda na lang din po ng I.D. at documents na may address niyo. Paki-double check na lang din po lahat, bago ibigay sa akin.” Sunod-sunod niyang sabi.

Nilabas ko muna ang mga hawak kong papeles bago sinagutan ang form. Ilang beses akong huminga nang malalim sa sobrang kaba ko. Feeling ko, magpapalpitate ako kahit hindi naman ako nag-kape kanina pagkagising ko.

Nang matapos ay binigay ko na sa kaniya lahat. Tinanggap niya ito. “Upo na lang po muna kayo. Tawagin ko na lang po pangalan niyo pagtapos.”

“Sige po, thank you.” Tumalikod ako at umupo sa tabi ni Cholo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mint ChocolateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon