Dumating ang Thursday. Alas-dose ng tanghali. Abala akong tumutulong sa pagseserve ng customers nang magring ang cellphone ko. Tumatawag sa messenger.
Dahil busy kami, hinayaan ko na muna ito magring nang magring hanggang sa tumigil na.Nang matapos ay saka ko tinignan ang cellphone ko kung sino. Galing pala kay Cedric. Clinick ko ang convo namin at doon ko nakita na may chats din pala siya.
Cedric Gabriel
Hi, June!
Sorry for the late notice. 😅
Sobrang nabusy kasi ako sa work and meetings.
But, tonight na yung celeb nina Mom and Mamita.
Same time and place pa rin.
Hope you’re still free. 😊You missed a call.
[Call Back]Minika June Talavera
Hi, Ced!
Sorry ‘di ko nasagot agad tawag mo
Busy kasi e
But sure! No problem! 😊Cedric Gabriel
Sorry talaga
I’ll pick you by 4:30pm?Minika June Talavera
Okay lang ano ka ba
Sure ka ba? Hindi ba hassle sa‘yo?
Kung gano’n, sige.
Pero kahit sa gate na lang tayo magkita
Para rin hindi ka na mahirapan papasok at palabas ng subdivision namin 😊Cedric Gabriel
Yes, I’m fine with it 😊
Saka pipickupin ko rin yung inorder kong cake, e.
Noted 😊
See you later, June 😊Minika June Talavera
Okay!
See you rin, Ced 😊
Sige na, back to work na ulit ako
👋🏻Nagsend na lang siya ng like sign at nagseen sa chat namin.
Matapos no’n ay bumalik ulit ako sa pagtatrabaho.
Mabilis na lumipas ang oras. Alas-tres na ng hapon.
“Maey, sure ka ba na kaya mo na rito mag-isa?” paniniguro ko.
“Yes, ate! No problem,” sabi niya.
Biglang dumating si Franklin at dumiretso sa loob ng tindahan. “Tara, merienda tayo!” Alok niya ng hawak na plastic na may laman na crinkles.
Natatawa akong napatingin sa kaniya. “Ang lakas ng radar mo, ano? Nafeel mo ba na aalis ako ngayon at bigla kang dumating?”
“Ano ba ‘yan si ate. Alis nang alis. Sa’n ka na naman ba pupunta?” sunod-sunod na pagkakasabi niya.
“Na-invite sa birthday. D’yan lang sa kabilang bayan,”
“Go, ate! Basta alam mo na ha? Mag-Sharon ka,” sabi niya sabay abot-tenga na ngumiti.
“Hahahaha subukan ko? Sosyalin do’n ih. O s’ya, mauna na muna ako ha?”
“Sige, ate, babye!” kaway nilang dalawa sa akin.
“Don’t worry ha? Kaya ko ‘to!” sabi ni Maey. “Saka nandito naman si Franklin para mag-assist sa akin.”
Nagsalute at tumango naman si Franklin.
BINABASA MO ANG
Mint Chocolate
Romance"If you could compare yourself to something, what would it be?" Hindi gustuhin, laging nasa hulihan, nakatago, at madalas, hindi pinapansin-parang flavor na mint chocolate. Ganoon kung ilarawan ni Minika June ang kaniyang sarili. Kaya naman, pagdati...