Chapter 8

3 0 0
                                    

Lumipas ang dalawang linggo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lumipas ang dalawang linggo. Ganoon din katagal naging payapa ang buhay ko. Walang nangungulit. Walang nagch-chat. Walang random invite. At sobrang okay ako roon dahil naka-pahinga at nakapag-charge ako ng social battery ko na naubos nang magkasunod na araw na na-invite sa events.

Habang dito naman sa loob ng subdivision namin ay balik ako sa dating gawi.
Gigising, papasok, magbubukas ng tindahan, magluluto, magse-serve sa customers, hanggang abutin ng gabi, maglilinis, magsasara, matutulog, at kinabukasan, ganoon ulit. Kapag breaktime ay makikipag-chismisan kina Maey at Franklin, o kung madalas, lalo na’t antok na antok ako gawa ng panahon ay umiidlip ako.

Sabado ng hapon. Abala si Maey sa pag-aasikaso ng huling order ng customer. Pinipilit kong pigilan ang pagbagsak ng mata ko.

“Ate, h’wag mo nang pigilan sarili mo kung inaantok ka. Kaya ko naman mag-serve dito. Mahiga ka na ro’n sa cleopatra. Sige na, habang wala pa masyadong customer,” nakapamewang niyang sabi.

Nang hindi ako sumagot ay tinulungan niya akong tumayo. “Ano ka ba, kaya ko naman tumayo, ‘no. Ito na nga, e.” Bigla akong tumayo at naglakad papunta sa cleopatra.

Humiga ako at pinikit ang mata. “Gising mo ako after an hour ha? O ‘di kaya, pa-alarm ka para mas maganda,” bilin ko sa kaniya.

“Sige lang, ate. Ako bahala sa‘yo. Basta matulog ka lang d’yan,”

Hinayaan ko na ang sarili kong balutin ng antok. Bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman kong tinapatan niya ako ng electric fan at saka hinarangan gamit ang foldable table para hindi ako makita ng mga tao.

Mayamaya pa ay bigla akong nagising. Naningkit ang mata ko dahil sa liwanag. Ramdam na ramdam ko rin ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Para bang tumakbo ako nang mabilis dahil may humahabol sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa plastic chair para tingnan ang oras. Halos magdadalawang oras din pala akong nakatulog.
Bumangon na ako at nag-stretching para lalong magising ang diwa at sistema ko.

“Sarap ng tulog ni ate ha?” Napatingin ako sa nagsalita.

“Uy Franklin, ikaw pala ‘yan,” bati ko sa kaniya.

“Hindi, ate. Nananaginip ka lang. Ilusyon mo lang ako,” pang-aasar niya na inilingan ko lang.

Tumayo na ako para maghilamos at magmumog sa cr.

Pagbalik ko ay nagpakulo ako ng tubig. “Tara, kape tayo,” yaya ko kina Maey at Franklin.

“E sino maiiwan na bantay kung aalis tayo rito?” tanong ni Franklin.

”Ay ibang kape naman ‘yang tinutukoy mo. Yung offer ko ay 3-in-1 lang,” sabi ko. “Ayon lang kaya ng budget ko, e,” dagdag ko pa.

”Ahhh, okay. Sige lang, ate. May chocolate drink ka ba dyan or chocolate flavor? Kahit ‘yon na lang sa akin,”

Mint ChocolateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon