Antok na antok ako at gusto ko na lang matulog buong maghapon. Masakit din ang buong katawan ko gawa ng event kagabi. Para akong nagshooting ng action scene. Paano kasi, panay ang tayo ko dahil palagi akong niyayaya nina tita at mamita na makisayaw. Mabuti na lang din ay minsan, napipigilan sila ni Cedric at ng pinsan niyang si Katie.
Naging close ko rin siya dahil magka-age kami. Sobrang bubbly niya no’ng nakausap ko. Inis na inis siya kagabi sa makeup artist niya dahil hindi nasunod ang gusto niyang peg at napakadark ng naging outcome. Tuloy ay iniiwasan siya ng iba kasi akala ay mataray siya.
Bigla kong naalala na may lakad nga pala kami ni Carlo. Pinilit ko ang sarili ko na bumangon at nagsimulang kumilos.
Naghahanap ako ng damit na isusuot. Tirik ang araw pero hindi naman gano’n kainit, kaya naman napagpasiyahan kong magsuot ng white long sleeve cotton blouse at jumper pants. Nagsuot din ako ng white sneakers para match sa outfit. Hindi na ako naglagay ng accessories dahil alam kong saglit lang kami. Gamit ko naman ang white cloud bag na niregalo sa akin ni mama. Nagdala na rin ako ng payong para ready kung sakaling umulan.
Kinuha ko na ang cellphone ko at saka umalis ng bahay.
May kalahating oras pa pala bago kami magkita ng Carlo. Hindi pa rin siya nagtetext o chat. Hindi ako sigurado kung nandoon na siya. Nahihiya naman akong mauna, lalo pa’t sabit lang ako at hindi naman ako kilala ng owner ng café na ka-work daw niya dati. Napagkasunduan kasi namin na doon na lang magkita sa entrance ng café.
Hindi pa rin online si Carlo, kaya naman, nagchat na lang ako para iinform siya.
Minika June Talavera
Hi, Carlo!
Nakaalis na ako ng bahay
See you there! 😄Dahan-dahan akong naglakad papunta sa paradahan ng tricycle. Panay ang tingin ko sa cellphone ko para tignan kung nagmessage na siya. Hanggang sa nakarating na ako at sumakay sa loob ng tricycle. Inabot ko rin agad ang bayad sa driver para wala nang problema.
Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa kami nakakaalis. Naghihintay pa kasi ng dalawa pang pasahero para mapuno. Kinuha ko ang coin purse ko mula sa bag para magready ng bayad para sa kulang pa sana. Eksakto namang may dumating kaya umandar na rin ang tricycle.
Nasa biyahe na ako nang makareceive ng chat galing kay Carlo.
Carlo Alexander Iglesias
Hey, June!
Sorry late reply
Kararating lang din namin ng mga kawork ko.
Don’t worry, aabangan kita Hahaha
See you and ingat! 😄Kahit paano ay nakalma ako. Nagseen lang ako sa chat niya dahil hindi ako makatype ng reply. Siksikan kasi kami sa loob ng tricycle.
BINABASA MO ANG
Mint Chocolate
Romance"If you could compare yourself to something, what would it be?" Hindi gustuhin, laging nasa hulihan, nakatago, at madalas, hindi pinapansin-parang flavor na mint chocolate. Ganoon kung ilarawan ni Minika June ang kaniyang sarili. Kaya naman, pagdati...