Part 138 - Bipolar

518 22 3
                                    

CHARLOTTE'S POV

Andito ako ngayon sa kwarto ni Float dahil inaayos ko ang mga gamit nya habang ang asawa ko ay nasa kwarto namin nagbabantay kay baby dahil natutulog padin ito at busy din siya sa kakatutok sa laptop nya dahil sa work nya din sa negosyo, matagal nadin kasi ang asawa ko na hindi pumunta sa mga negosyo nya dahil siguro natakot na sa mga nangyari samin na nag cause sa matinding away namin

Maya-maya ay natapos naman ako sa pag aayos sa mga gamit ni Float kaya pumunta na ako sa kwarto namin pero yung anak namin ag mahimbing padin talaga ang tulog habang si Engfa naman ay focus na focus sa trabaho nya kaya hindi na nya ako napapansin kaya hinayaan ko na din ito mag trabaho.

Kalahating oras ang nakalipas ay nagising na si baby float dahil tumae ito kaya nilinisan ko naman ito habang si Engfa ay patuloy padin sa focus nya sa trabaho nya ni hindi man lang nag break kahit sana magpahinga saglit, at nag sabi na din ako sakanya kanina na mag break muna siya saglit eh tumango lang siya pero hindi naman pala nag break ng tuluyan.

Binabasahan ko nalang si baby float ng mga story habang andito kaming dalawa sa may living area kasi dati din naman nung nasa tyan pa siya pag wala akong nagagawa dito samin ay binabasahan ko ng mga story si baby float habang nasa tyan pa siya at sabi nga kasi ng mga na research ko dati as a 1st timer mommy maganda daw pag ganun gawin.

Habang nagbabasa ako ng story para kay baby float ay napansin ko naman na parang tapos na ang asawa ko sa ginagawa nya kasi lumabas nadin ito ng kwarto at pumunta ng kusina tapos nag templa ng kape pero hindi naman ito namamansin sakin kaya dun na ako nakaramdam na parang may galit o tampo ba ito sakin.

C: Mahal.. dito ka nga sa tabi ko, pwede mo ba emassage paa ko?
tinawag ko sya ng palambing naman habang nasa kusina siya at para tumabi siya sakin dito sa sofa since nasa crib naman si baby float na nasa harap ko lang din

C: Mahal... Liii kana pls...
pag uulit ko sa pagtawag ko sakanya habang dahan dahan nadin siya naglakad papalapit sakin at bibit ang kanyang kape

Pagkalapit nya ay pinatabi ko siya dito sakin sa sofa at hindi padin ito umiimik habang nag iinom ito ng kape nya

C: Mahal.. massage mo nga po saglit paa ko... parang sumasakit po kasi unti...
paglalambing kung utos sakanya sabay sa pagpatong ko sa paa ko sa lap nya at agad naman nya ito minasahe masahe ng padahan dahan

E: Naka dede na ba si baby?
pag cold treatment nya naman sakin habang tinatanong nya ako pero pinilit ko lang na hindi pansinin ang mood nya kasi gusto ko lang lambingin sya

C: Opo, busog yan mahal..
sagot ko naman sakanya habang tumango lang ito sakin pero medyo nainis na ako sa pagiging cold nya sakin kaya tumayo lang ako bigla at napatingin naman siya sakin pero ang ginawa ko ay kumandung ako paharap sa kanya habang pinatong ko din ang dalawang kamay ko sa balikat nya sabay kiss kiss ko din sakanya sa cheeks

C: bakit ang arte mo ngayon ah? dinaig mo pa ata postpartum ko ah? mahaaaal.. bakit ba? kanina ka pa ganyan.. may problema ba?
yumakap lang din naman ito sakin at tumingin sakin na naka kunot noo

C: ayaw mo magsabi? hhhmm sige na nga... hindi nalang tayo bati..
aalis na sana ako sa pag kandung ko sakanya pero pinigilan nya ang bewang ko para hindi ako makatayo at bigla nya akong hinalikan ng laplapan kaya bumigay naman ako at kaya nilaplap ko din naman siya ng malala habang naka kandung ako sakanya paharap pero nag stop naman ako saglit para tanungin ulit siya

C: mahal.. ano magsalita kana ba kung bakit ka nag gaganyan ha?
pagtatanong ko sakanya habang kumunot lalo ang noo nya dahil sa ini stop ko ang kissing namin

E: Kasi eh... nainis lang ako dahil gusto mo pa talaga mag trabaho kahit napag usapan na natin yan before nung buntis ka pa na hindi ako papayag na mag trabaho ka.. hays..
mahinang boses naman na pag sagot ni E sakin habang lumingon lang ito at nakatingin sa ibang bagay habang sinasabi nya ito sakin habang ako ay tinititigan ko lang siya habang nagsasalita

Ang OA Kung Baby MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon