Damsel in distress

100 1 1
                                    

hihi..Hello sa nakakabasa nito kung meron may. Same day na ginawa ko ang isa ko pang account dito sa wattpad eh sabay din ng pag-upload ko sa story ko. Hihi. Meron akong zero followers, zero reads, zero comments, at zero likes. Maganda tong story basahin nyo lang. Kung may nakakabasa may nito ngayun. T_T.

________________________________________________________________________________

It was passed 6 o'clock ng maisipan kong dumaan sa inner circle ng village.

Kabwiset. Bakit ba kasi kelangan pa akong isama ni Oliveros sa bar na yan? Hindi naman ako katulad nya na dinadaan sa

inom ang problema. Tsaka sinabi ko nang wala akong problema eh. Dyahe.

"Miss wag ka nang tumanggi. Alam naming may pera ka."

"P-pa-pasensya n-na. W-wala t-talaga."

O, kelan pa nagkaroon ng dukha sa village na to? Tss.

"Ano ba? Napupuno na kame sayo ah. Ilabas mo na pera mo! Bilis!"

Tutulungan ko ba? Ala yae sya. Tinatamad ako eh. Pero na-curious ako dun sa babae. Di ko mabosesan eh. Mukhang di taga dito.

Sumilip ako ng konti kaso di ko makita nahaharangan eh. Tss…yae na nga paki ko ba? Aalis na sana ako ng makita nya ako. So nakita ko din sya.

Yung mga mata nya..ok mukhang humihingi ng tulong.

Aish. Bakit ba ang mga babae ang hilig magpaawa? Puro pagpapacute ang alam. Bat ba hindi sila mag-aral ng self-defense?

Dahil nadala ako sa mga mata nya. Tinulungan ko na.

*poke* *poke*

Lumingon sakin yung isang lalaki. Mukhang boss ata kaya naki tingin na din yung iba. Ini-scan nya ako mula ulo hanggang paa. Di pala taga dito eh kaya di ako nakilala. Pascan scan pang nalalaman.

"Sinu-"

Di ko na sya pinatapos at isinampal ko na sa mukha nya yung hawak ko.

"o, ayan sampunlibo. Lumayas na kayo. Bawal ang mahirap dito sa lugar na to."

At ayun nagsilayas na ang mga mahihirap.

Ano? Kala nyo makikipagsapakan ako sa mga cheap na yun. Buti sa kanila walang mawawala. Eh ako? Konting gasgas lang dito sa mukha ko malaking issue na. Tsaka pera lang naman kelangan nila eh. Babaw. Marami ako nun.

Tiningnan ko yun babae at tumingin din sya sakin. Aba walang 'thank you'? Paki ko nga ba? Maka-uwi na nga. Napagod tong kamay ko sa pagsampal.

Ako nga pala si Daniel Janairo. 17 y/o. Si Oliver Fortiz ang best dude ko. Oliveros lang tawag ko sa kanya. Ayos no. Mas mahaba pa yung pet name sa true name. Sa lahat ng bagay magkaiba kami. Sya maingay at friendly, ako, loner. Mas trip ko'ng mag-isa kasi mas nakakapag-isip ako at relaxing. Sya mahilig sa puyatan ako naman 80% ng buhay ko tulog ako. Syempre pag mag-isa nakakarelax, nakakatulog ako. Pero mahilig kami pareho sa music, magkaiba lang ng taste. Rakista yun eh. Isa pa yun sira ulo ako hindi. Incoming 5th year na kami next SY.

Anyways, kanina pa akong naglalakad at kanina pa rin sumusunod yung babae sakin kaya hinarap ko na sya

"Bakit mo ba ako sinusundan? San ka ba pupunta?"

I'm I blunt? Well that's natural.

"Sasama ako sayo"

"Ha, bakit ka sasama? Wala ka bang bahay?"

"hmhm"

Sinungaling…

"Leave me alone. It's getting dark umuwi ka na. Kung ayaw mong ma-rape ng mga nakatira dito."

And with that I left her.

Pag-uwi ko ng bahay agad akong nagluto. Wala naman kasing gagawa nun para sakin. Mag-isa lang ako sa bahay na to. Family? Business trips. I don't get in touch with them recently. Si Oliver na ang tinuturing kong pamilya. Wala akong maids. Wag nyo nang itanong kung bakit.

Pagkatapos kong kumain dumating si Oliveros. Feeling bahay nya lang eh.

"Brudah..bakit kumain ka na may binili pa naman ako"

"so?"

"geh.. lagay ko nalang to sa ref bukas nalang natin kainin"

"Dito ka na naman matutulog."

"yep"

"it's not a question. It's a statement."

"Paki mo? Gusto kong sumagot eh. Gusto mong matadyakan?"

"Gusto mong lumutang sa ilog pasig?"

"De, juk lang naman. Di ka na mabiro. Sige lagay ko na to sa ref ha. Stay put."

"stay put mo mukha mo."

Siguro nag-aaway na naman yung mga babae neto. Baka nagkabistuhan. ganun lagi ang reason eh pag dito to natutulog.

"parts..alam mo ba may nakita akong babae dun sa may inner circle"

parts tawag nya saken. Bro, brudah, brother, tol, pare, parts, parang pare na pinaarte at ang pinakaayokong tawag nya saken- ebs. Wag nyo nang itanong kung baket.

"paki ko sa babae mo"

"tol hindi ko babae. di ko nga nakilala eh madilim na kasi. Hinaharang ata ng holdapers"

"you helped?"

"ha? syempre hindi. Bakit ko naman tutulungan yung mga holdapers? Tsaka may allowance ako no. Tsaka nalang pag ubos na."

"No. the girl your talking about"

"ha?"

"forget it"

Bobo.

"pero parts sino yun? Kilala mo ba? diba wala nang babae dito sa Bedrock."

Dahil sa sinabi nya napa-isip ako. Tama sya. Wala nang babae dito sa Village namin. Lahat kasi ng nakatira dito ay mga thugs, gangsters, at iba pang delinquent teens na well, mayayaman. Isa ang Village na to sa mga kinatatakutang puntahan ng mga tao dahil sa mga bad reputations ng mga nakatira dito. Naging lungga na to ng mga kabataan napapabayaan ng magulang dahil pagbibisi-bisihan sa pagpapayaman at iba namang mga brat at sunod sa layaw. Naku lagot na yun babaeng yun.

Sa tingin ko dapat…

"parts san ka pupunta!? HUY!!"

San na kaya napadpad yun. Sa tingin ko hindi sya pamilyar sa lugar na to dahil kung oo malalaman nyang mali sya ng lugar na tinatapakan.

Naikot ko na ang inner cicle pero di ko sya nakita. Pagod na ko.

"tss..na-rape na  ata yun.Ano pa nga ba? Malalaswa mga tao dito.yae na nga"

Naglalakad na ko pauwi ng nakita yung babae sa ilalim ng puno. Agad ko syang nilapitang pero wala syang malay.Kaya dinala ko nalang sya sa bahay.

"uy parts, Kaanu-ano mu yan? bat mo dinala dito?"

"di ko din alam. Hintayin nalang natin yang magising. Wag mo munang gagalawin. Baka kung sino pala yan."

"anung galawin? Virgin pa ko.  Grabe to."

"whatever"

"ang ganda parts. tingnan mo oh"

Maganda nga yung babae. Maputi, makinis, mahaba ang buhok, matangkad. Pero ang paborito ko ay ang lips nyang sobrang pink. Baby pink. Anong paboritong pinagsasasabi ko? Yun lang yung pinakamagandang part. Ano ba? Maramimg babaeng ganto din ang mga katangian pero iba yung pagka maganda nya. Mukha syang uhmm..

...inosente?

"parts, buti inabutan mong buhay" biglang singit ni oliveros. Epal to.

BRAVE (d boy's lady)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon