Meeting the target

47 0 0
                                    

Daniel's POV

Matapos nang makapigil hiningang pangyayaring yun ay napagdesisyunan nalang naming kumain. Sigurado akong basag ang eardrums ni Grey sa ginawang yun ni Lucy. Sigurado rin akong napansin sya nun. Kahit naman siguro ako, pagakatapos akong sigawan at babaan sa telepono ay..siguradong  hahuntingin ko  ang gumawa nun.

Si Lucy ang nagluto. Hindi talaga sya marunong magluto at FIRST TIME nya daw. chicken stew ang niluto nya. Ang galing nya nga eh. Pinanood nya lang si Oliveros kahapon gets na agad nya. Takin'bout well trained.

"Ang galing mo naman August. Isang beses mo lang nakita gets mo na"

"syempre, 200 kaya ang IQ ko."

"parts, hapunan na hotdog ka parin!?"

"paki mo ba. Tsaka bat ba lagi ka nang nandito. Wala ka bang bahay?"

"parts, kulang pa ba yang hotdog, gusto mo ipagluto pa kita. Marami pa naman dyan eh."

Dati naman kasi isang gabi lang yang andito eh.

Nang natapos kaming kumain naghugas naman agad si Lucy. Si Oliveros naman ang inutusan kong maghugas, eh tinatamad daw. Hinayaan ko nalang muna si Lucy sa kusina habang nanonood naman kami ng TV sa sala.

"akina nga yang remote. Umuwi ka na sa inyo"

"parts, naman eh. Matatalo na ang Dallas eh. Ibalik mo"

"Hala. IInom lang ako... pag nilipat mo yan... Ipatatapon talaga kita."

"parts naman eh.."

Bago pa ko makapasok ng tuluyan sa kitchen may narinig akong naghahum. Pinakinggan ko kung anong kanta. Eh? Vulnerable? Hanga na talaga ako sa memorya nya. Eh isang beses nya palang narinig yun eh. Nung bandang Chorus na nung kanta eh kinanta nya na talaga. Galeennnggggg aahhhh...

"tell me tell me what makes you think that you are invisible..WHOAww. Ahaaha

"LSS?"

"Ha? Anu yun?"

"Last song syndrome"

"ganda eh. Favorite ko na yun. tapos naaaaa…"

tapos na syang maghugas. Ako naman kumukuha ng tubig sa ref.

"Panong di mo magiging favorite eh yun lang naman ang alam mong matinong kanta."

"Kantahin mo nga"

"ha?"

"Kantahin mo. Para feeling ko live."

"Ayoko nga."

Sabay labas sa kichen sumunod naman agad sya.

"Wuy, tek- ooooh"

Parang alam ko na ang ibig sabihin nun. Nilingon ko kung anong 'nadiscover' na naman nya na sigurado akong 'FIRST TIME' nya na naman. Nakita ko na hawak nya yung ipod ko. Good luck kung mapagana mo yan. Pagbalik ko sa sala tulog na si Oliveros sa sofa kaya walang gumulo sa tahimik kong panonood ng TV.

Natapos na yung pinapanood ko pagtingin ko sa oras 11:30 na. Uy, gabing gabi na pala. Asan na si Lucy? Sana naman di nya hinagis sa bintana yung ipod ko tulad nung ginawa nya sa telepono ng Activity room. Siguro tulog na yun.

Pumasok ako sa kwarto para matulog na. Pero gising pa pala si Lucy nakasaksak sa tenga nya yung headphones habang yung ipod nakapatong sa kama at sya naman ay naka upo sa sahig talikod sa kama. May binabasa ata.

Lumapit ako sa kama tapos tiningnan ko kung buhay yung ipod. Aba..buhay nga. vulnerable ang naka play at nakarepeat mode pa. Ha? Ilang oras na nyang pinapakinggan to?

"wuy, Dan liligo na ba tayo? antok na ko eh"

Manual pala yung binabasa nya. Anong ligo?

"A-ano. wag na bukas na, matulog na tayo."

Pumunta ako sa cabinet para kumuha ng comforter. Sa sahig nalang ako tutulog.

"Dan"

"hmm"

"masarap bang matulog dyan."

"oo. Matulog ka na"

Ayyehh..Antok na ko eh. Nangungulit pa.

"~so I lift my hands and pray~"

Ow? kumakanta sya? Only Hope yun eh..Naghintay ako ng sumunod pero di na nya tinuloy. Anu yun? Ganda na eh. Tulog na siguro. Maganda yung boses nya. Mala Avril o Taylor Swift. Pero feeling ko kaboses nya si Demi levatto. Well...

Hindi na ko makatulog mula nun. Kainis mambitin ba? Naisip ko na lang tong mga nangyayari sa ngayon. Nag-ampon ako ng isang di ko kilala sa bahay ko. Bakit ko nga ba nagawa yun? Well siguro dahil iba sya sa mga babaeng nasa paligid ko? Hindi sa pagyayabang pero sya palang ang babaeng hindi nagkaron ng intimate na pagtingin sakin. Iba sya. Mayaman sya pero di maarte, flirt o ano man. Nagawa ko sa kanya ang ibang first time sa buhay ko. Magshampoo ng iba, sumamang maligo, magsama ng babae dito sa Bedrock, at sya ang unang taong nakahawag sa *tut* ko. Teka.. Bat nga ba hindi pa sya pinupuntahan dito. Gumagana naman yung tracking Device sa hikaw nya ah. Pinakata nya samin. Hmmpf makapag ipod nalang.

BRAVE (d boy's lady)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon