A Brief History

55 2 2
                                    

Oliver's POV

Wuuuhhhhh. Una kong POV.

Kilala nyo na ang gwapong si ako tama?

Anyways, loko yun ah bigla na lang umalis. Di man lang makiparticipate sa boy hunting namin ni August. Pero uy, Moving on na ang lolo nyo. Sabay daw silang maligo ni August sabi ni August. Ahihihi…Ay, para naman akong bakla neto. Ano kayang ginagawa nila? Well, kilala ko naman yang taong yan kaya alam kong bitter pa rin yan dahil sa past nya.

Gusto nyo ikwento ko?

Sige, sige…Ganto yun…

Magtu-two year palang naman ang nakalipas mula nung mainlove tong si parts sa isang maganda, mabait at super sikat na babae. Model kasi yun eh. Sa totoo nyan first love sya ni parts. Danielle anne Baek ang pangalan nya. o diba,soul mate na soul mate. Daniel at Danielle.

Lumipas ang one year at going strong parinang relasionship ng naturang magjowa. Hanggang sa isang araw nagpaalam si Danielle upang umalis ng bansa. Tutol na tutol noon si Daniel. Kasi naman anong dahilan? Gusto nya daw maranasan ang buhay sa London. Wala na daw syang nakikitang dahilan para hindi umalis ng Pilipinas lalo na't nandun din ang pamilya nya.Gusto nya daw mas mahanap ang sarili nya peroang sabi ng loko:

"Bakit? Hindi pa ba ako sapat na dahilan para hindi ka umalis ha?! IPAGPAPALIT MO ANG NARARAMDAMAN NATIN DAHIL LANG GUSTO MONG MAHANAP ANG SARILI MO?! Hmm, sabagay. siguro wala ka naman talagang nararamdaman diba? Ako lang naman ang nagmamahal diba? sige umalis ka! Wala na kong pakialam sayo tutal wala ka rin namang pakialam sakin!!!"

O diba, pwede nang pangkoreanovela ang loko. Pero sa tingin ko hindi yun ang totoong dahilan. Like hellooo?? Ang ganda ganda kaya ng relationship nila. Lagi nga silang cloud 9 eh.

Yun.. Simula nun naging basagulero, lasingero, lakwatsero a iba pang -ero si Daniel. Nang nangyari yun lagi nya na lang pinagbubuntunan ang mga tao dito sa Village tapos laging sinasama yung mga gangsters dito. Eh dati kasi normal lang na Village to. Natakot na yung mga tao kaya unti unting silang nagsilayas at binili naman ng mga tropa nya yung mga nilayasan. Yun ang history kaya naging lungga ito ng mga psycho.

Pero makalipas ang tatlong buwan nagbalik na ulit sya sa dati. Nakamove-on na. Naging tahimik, mapag- isa at masungit na ulit sya. ever na rin nyang sinamahan yung mga gangsters dito. Napapaisip lang ako. Ganun nalang ba kabilis nyang nalimutan si Danieele at yung mga memories nila? talaga kayang nakamove-on na sya o tinatago nya lang? hayyyy…….

"ooooh, ganun pala yun."

"huh, ang alin?"

"Ibig sabihin dati nang ganyan ang ugali ni F.E.F."

Huh??? Diba sa isip ko lang kinuwento yun? Wuy, mind reader. Psychic. Bigtime.

"Asteeeg"

"Huh? Ano yung…Asteeeg"

"Nge. Astig yun. Ginaya mo naman ako. ibig sabihin nun cool"

"Whu, cool? Parang hot sabi ni boyfriend kanina?"

"Huy, makaboyfriend naman to naman to. Hindi pa no. Boyfriend mo na sya pagtinanong ka nya kung kayo na. Sasabihin nya ganto: Will you be my girl? Tsaka ano ka ba? Para ka namang taga bundok nyan eh. Ang hot ibig sabihin sexy ka. Malakas ang sex appeal. O, alam mo yun?"

"hmhm"

"Yung cool naman parang ano, magaling. Yung ano ba yan di ko maexplain. Basta pag kakaiba at napahanga ka yun na yun."

"ok"

"ayooos, apiiiiirrr"

Tinaas ko na yung kamay ko pero nakatingin lang sya dun. Nge, kumunot din yung noo nga. Ibig sabihin di nga gets.

"Itaas mo lang yang kamay mo-" tinaas ko yung kamay nya

"tapos pag-clapin natin na parang isang tao lang ang may-ari. High five!! Yeah"

tapos inapir ko yun kamay ko sa kanya.

"Hindi nyo ba ginagawa yan sa plane nyo?"

"ahaaha, ganto ba?" clap.Inulit nya ulit.

"yan tama yan, masasanay ka rin. Praktisin lang natin yan. Ayos ba?"

"Ahaaha, Asteeeg"

"nakakatawa ka, haha. Gusto mo ng ice cream?"

tumayo na kami sa pagkakaupo sa damuhan at nagsimula nang maglakad.

"Alam mo sa tingin ko pag bumalik na yung soul mate ni Dan na si elle sobrang saya nya no. Kasi siguro sobrang na-miss nila ang isa't isa. Isa pa sabi ni Dan pag mahal mo, parang ayaw mong mawala sa tabi mo tama?"

"Oo, sa tingin ko din. Hala hayaan mo na yun. Bat ba kasi nakikibasa ka ng iniisip?

"Eh? Anlakas mo ngang magkwento eh."

"Tara na maubusan pa tayo ng ice cream"

"OY, SANDALI INTAYIN MO KO!"

Hay…Pero seryoso.  Ang hirap parin ng lagay ko. Ilang araw na akong nagbabantay kay Daniel. Baka mamaya gawan sya ng masama ng mga hayup na yun. Worst pang dumating tong si August. Kailangan lagi akong nasa tabi ni Daniel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BRAVE (d boy's lady)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon