Papansin plan ni Oliver

52 0 0
                                    

Daniel's POV

Bago dumating si Oliveros andami pang problema ang pinagdaan ko. Mula sa pag suklay ng buhok nya hanggang sa paglinis ng kinalat nya sa banyo.

"Antagal mo naman Oliveros"

"Pasensya na parts, na-flat ako eh. Di ko nga alam kung bakit eh.

Ow.. may hidden powers pala ako.

"tara muna sa Mall bumili muna tayo ng gamit ni Lucy"

"anlayu naman.."

"oo na ako na maggagasolina.. tss mahirap"

sumakay kami sa convertible car ni Oliveros. Syempre si oliveros sa driver seat katabi ko. Si Lucy naman sa backseat.

"oliver, pano ba maghanap ng boyfriend" Sabi ni lucy na nakaluhod sa upuan tapos nakasandal yung arms sa sandalan namin ni oliveros

"excited naman to. Maghanap ka muna ng love material"

"Ano yun"

"Ala basta maghanap ka lang ng lalaking gusto mo."

"Paano nga"

"Ala maghanap ka ng gwapo matangkad maputi mga ganun"

Maya-maya nanahimik si Lucy. Bago kami tuluyang lumabas ng Bedrock may lalaking sinundan ng tingin etong si Lucy. Kaya agad nyang kinalabit si oliveros. ayos ah. May nahanap agad.

"Oliver mahal ko na sya"

"HA! Sino? ang bilis naman. Grabe to."

"Kilala mo ba yung nakasalubong natin na may dalang guitar?"

"oo. Si Grey yun. Gusto mo ba?"

Sigurado ba tong si oliveros na ireto yun kay Lucy. Taga bedrock parin yun no. Well as if namang kakagat yun, eh wala naman ata dito sa Bedrock ang may girlfriend. Well maliban kay oliveros.

Pagdating namin sa Mall pinagtinginan agad kame. Una dahil sikat talaga ang mga taga Bedrock dahil lahat ng mga gwapong mayayaman dun nakatira. Pangalawa, nagtataka sila dahil may kasama kaming babae. Pangatlo, nakasuot kay Lucy ang Bedrock shirt ko na tanging mga taga Bedrock lang ang meron. Yun na kasi ang pinaka maliit kong shirt eh. At pang-apat, parehas kami ng amoy ni Lucy. Dudumi ng utak no?

"ooooh, andaming tao"

"First time mo?"

"hmhm"

"tara mamasyal tay-…parts, mauna na kayong umuwi ah. Dalhin nyo nalang yung kotse ko"

 Vrrrrrrrrooooooommmmmmmmm

 Ano na namang problema nun. Lagi nalang ha. Well atleast iniwan nya samin yung kotse nya. Una naming pinasok yung tindahan ng mga damit. Hindi nya alam ang pipiliin Kaya ako ang kumukuha ng mga fini-fit nya. Lahat naman bagay eh. Kaya binili ko nalang lahat. Hinintay ko nalang sya sa labas ng store habang pina-pack ung mga binili namin.

"San na tayo? Ahaah."

"Bakit yan pa rin ang suot mo! Kaya nga tayo bumili eh!"

"Ah. Eh alin dito ang susuotin ko.?" Sabay taas ng mga paper bags nya. Pano ko malalaman eh nakapack na.

"Eto eto. Bilisan mo na" Tinuro ko yung purple na bag

"okay, wag mo kong iiwan."

Maya-maya lumabas na din sya.

"ANO YANG SUOT MO!?"

"Pijeyyyyyyyyyys."

"Bakit pajamas yan"

"Sabi mo tong isuot ko. tara na bilissss"

pinagbubuksan ko yung paper bags. Bwiset na babae to. PJs nga eh. pantulog yun diba?. inabot ko sa kanya yung damit na.. ano ba yun. Di naman ako babae.. Basta one piece na may white tube so loob. Ala yung pansummer ng mga babae. Ayyy..

paglabas nya okay na kaso di bagay yung tsinelas kong islander sa japorms nya. kaya dun naman kami nagpunta sa footwear store. Pinatulungan ko nalang sya sa sales lady dun tas inintay sya sa labas.

"o, bat ikaw ang nagbitbit nyan? Di mo pinabitbit dun sa sales lady."

Naka-hills na sya. Mukha namang sanay. Kinuha ko yung mga dala nya. Hindi pala hati kami pero mas marami parin yung saken.

"o, suot mo. Hmm.yan bagay"

sinuot ko sa kanya yung summer hat. Binili ko kanina tas bumili din ako ng beanie lang. Pinicturan kasi ako ng mga babae eh.

Kumain lang kami tas nagpasyang umuwi na. Enjoy sya. Di nagsasalita. Nakangiti lang habang tumitingin sa paligid. Madami daw tao o anu man. Papalabas na kami ng mall ng may naalala daw sya.

"wuy Dan-"

may narinig daw syang Daniel din ang pangalan dun sa footwear store, parehas daw kaya Dan na lang.

"wuy, Dan tingnan mo gagawin ko"

tinaas nya yung hat nya tapos nag-smile ng sya pagka-sweet sweet dun sa nakasalubong naming lalaki na may kasamang babae. Couple ata. Paglampas namin bigla nalang nag-away yung couple tapos narinig ko nalang 'magbreak na tayo,hmpf!'.

"Alam mo Dan lahat ng magkasama dun sa footwear store sabe: 'magbreak na tayo! Hmpf'" with matching crossarms + irap.

Grabe. Napag-away nya yung mga magsyota dun. Tss... kaya ko yan.

"Tss.. wala yan... tingnan mo to"

inalis ko yung beanie ko tapos  tiningnan ko yung nakasalubong naming babae tapos bigla nalang nagblush yung babae.

"Hala, ang galing mo Dan. Ahaah.. nagkasakit yung babae dahil sa tingin mo. Wag mo kong titingnan ha."

"hindi sakit yun nagblush sya."

"oo nga kita ko. Ay sabing wag mo kong tingnan eh."

"Tange. Magbablush lang ang babae kung nagustuhan nya yung ginawa ng crush nya. Kung may sakit pati yun, dapat nasa bahay lang sya"

"Dan, may sumusunod saten"

"ha?"

"wuy, wag mong tingnan"

"tss.."

"ahh! tingnan mo tong gagawin ko."

Bumagal ang lakad namin nung paliko na kami. Tapos nung malapit na talaga kaming lumiko bigla kaming tumakbo. Ramdam ko lumapit na nga yung sumusunod samin. Tinipatan ni Lucy yung kasalubong naming lalaki. Nung malapit na malapit na biglang humakbang pakaliwa si Lucy tapos nagkahalikan yung sumusunod saming lalaki at yung kasalubong namin. Hindi nakita ni Lucy ang nangyari pero ako kitang kita ko.wahahaha.

"PARE, BAKLA KA BA HA!!? BAT MO KO HINALIKAN?!!"

"LOKO KA PALA EH IKAW TONG HUMALIK SAKEN!! IKAW ANG BAKLA"

Booooggggsssshhhh

"AAAHHHHHHH"

Nagsigawan ang mga tao dahil nagsapakan na yung dalawang lalaki. Grabe hndi ko kinakaya ang mga pangayari. Ang galing mo Lucy, The best ka.wahaha

"Hala anung nangyare?"

"yaan mo na tara bili kitang ice cream. Wahahah"

BRAVE (d boy's lady)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon