August Lucy Avdeitch

76 0 0
                                    

Daniel's point of View

Maka ilang oras din at nagising din yung babae. Di naman nagsasalita. Kaya inusisa ni oliveros.

"Ah. Hi. May I know your name?"

Babaero nga. Bat nya naman dinidamoves. Tatanung lang eh.

Napatingin yung babae sa mukha ni oliveros pero nagulat lang kami sa mata nya. Hindi na yun katulad nung una kong nakita. Mula sa pagiging itim ay naging grey na ito. Pero bakit ganun? Parang walang emosyon. Parang walang sinasabi yung mga mata nya.

Napabalikwas mula sa pagkakaupo sa sahig si oliveros dahil sa gulat. Kakaiba nga kasi ang aura nung babae.

"August. August lucy Avdeitch."

Agad na tumayo si Oliveros at inakbayan ako tapos tumalikod sa babae- ah august ba?

"Parts.Kinikilabutan ako. 'kaw na lang kumausap.  Kabado ako parts.."

O nasan charms mo ngayon?..amp.Lumapit ako dun sa babae.

"Diba sinabi ko sayo umuwi ka na. di mo ba alam na delikado dito. tara ihahatid na kita."

"hindi ko alam"

"Anung di mo alam?"

"Di ko alam kung pano uuwi. Di ko din alam kung asan ako. Alam mo ba?"

O_o

"Ay, tae. Sigurado ka?"

Agad akong hinila ni oliveros patalikod ulit.

"Hala parts, anung gagawin mo dyan aampunin mo ba?"

"Anong tingin mo sakin taga-ampon ng mga bobitang hindi alam kung saan nagmula."

"Di nga seryoso.Edi palalayasin mo na?"

"Sandali kasi di pa nalilinaw eh. Wag epal oliveros"

Humarap ulit kami kay august. Di pa nga nasasabi ang detalye react agad.

"Teka lang ha august. Di malinaw eh. pano ka ba napunta dito sa lugar na to?" tanung ko

"ahh..Kadadating lang namin dito sa Pilipinas kanina galing kaming london ng mga body guards ko tapos, tapos ano pupunta sana kami sa father ko kaya lang hinarang kami ng mga tao pagbaba namin ng airport tapos tumakbo ako napahiwalay ako sa kanila lahat tapos,tapos nagising nalang ako sa likod ng kotse na naka park dun sa may pinagkitaan mo saken. Yun."

Pagtingin ko kay Oliveros, nakanganga na. Di ko alam kung totoo ang mga sinabi nya pero mukha naman. Grabe, ngayon lang ako nakakita ng taong masyadong lapitin ng mga kriminal.

"Number ng bahay nyo?"

"Hindi ko alam."

"parts-"

"Shut up. I'll call the police."

"ah uhm. no. I mean no need. Isa pa you can't do that. My Dad is a public figure. Di pwede malaman ng mga kaibigan nya."

Ok. naiintindihan ko sya sa parteng yun. Parehas naman kami lahat eh. Na di pwedeng magkamali sa harap ng ibang tao dahil sa mga pinapangalagaan reputasyon ng mga magulang. Kaya nga kami napunta sa village na to eh. Hay…mayaman.

"So..pano ka uuwi nyan"

"Ano. May tracking device itong hikaw ko. They'll get where I am. Maybe soon."

 Tracking-Tracking device. Uso pa ba yun?

"And that means…?"

"Can I just stay here for a while please?.."

BRAVE (d boy's lady)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon