Ang bright idea ni Oliver

62 0 0
                                    

Daniel's POV

Ah.. syete nakakasilaw. Nakatulog pala ako sa tapat ng bintana. Sa tayo ko parin kagabi. Ow? dito ako nakatulog? O asan na si Lucy? tumingin ako side ko kung nasan si Lucy kagabi pero yung unan na walang sheet ang nakita ko. Binasa ko parin kahit alam ko na.

" May 25, 20XX, Lucy met her first ever friend Daniel.Tss"

inikot ko yung unan at may nakasulat din pala sa other side.

"and may 26 her second? Oliver?"

Ow? ano bang oras na? nagpunta dito si oliveros?

"anong ginagawa mo?" boses galing sa kitchen

"nagluluto. Di ka ba nagugutom?" ay si oliveros nga kausap si Lucy

"Di pa naman. Ano yan? Wine ba to? bakit ganto."

"hindi olive oil yan mantika. oY OY OY. ANONG GINAGAWA MO!

"titikman. masarap ba to"

"ano tingin mo dyan juice? Bat mo lalaklakin? oil nga oil"

"ahh"

"dyan ka lang panuorin mo ko"

"okay. alam mo ba first time ko makakakita ng gumagawa ng pagkain tsaka makapunta sa kitchen"

okay ah. Close na close na agad sila. Sabagay si oliver ang pinaka sociable at approachable sa lahat ng tao sa Village. Sa totoo lang sya lang.

"Di ako gumagawa ng pagkain. Nagluluto ako. Kumakain ka ba ng beef stew"

"Stew oo, beef hindi pa"

"sige chicken nalang"

"okay"

naupo ako sa table iniintay maluto yung pagkain. konti lang nakain ko kagabi eh. gutom na ko. Sila, tuloy parin sa usapan nila. Di ko naman na pinansin.

"oy, oliver. Bakit ikaw ang nagluluto"

"wala kasing ibang gagawa neto"

"oo nga. Wala bang household workers dito?"

"pffftt…yun ba?"

grabe antok pa ko..matulog pa kaya ako. Hindi, gutom na ko eh.

"alam mo kasi lahat ng nagiging maids nya. Naakit"

*chop**chop**chop*

"ooooh talaga saan?"

"anong saan. kanino kamo?

"Dapat ba ulitin ko yung sinabi ko"

ansakit ng ulo ko..idlip kaya ako. Hindi nga, gutom ka na sabe..

"oo"

"ooooh talaga kanino? kay Daniel?"

"oo. Yung iba sinisilipan sya pag naliligo, yung iba hinahawakan sya pag tulog. pffftt alam mo yung huling naging maid ni parts naghubad sa harap nya. Muntik nang ma-rape si Daniel. Hahahaha"

"rape?"

Hmm.. ano daw rape? anu bang pinag-uusapan nila?

"rape di mo alam. yung ano. gagawan ka ng sexual harassment ganun"

"ahh"

Sino daw narape? Dyahe naaalala ko lang nung muntik na ko that 4 years ago *shivers*. Wag lang namang maipagsabi yun ni oliveros sa iba. Naku patay talaga yun saken.

Maya-maya naluto din yung pagkain. Nilapag ni Lucy yung isang bowl ng stew sa table.

"Ano ba yan oliveros breakfast stew? Wala bang hotdog?"

"Di naman kasi para sayo yan eh. Sa bisita. Di mo man lang pinakain kagabi. Meron, asa oven pa. kanina ko pa naluto. lumamig na"

nagsimula na kaming kumain. Si Oliveros nakatatingin kay Lucy. Tinitingnan nya kasi yung magiging reaksyon ni Lucy sa luto nya. Pero si Lucy N.R. lang (no reaction). tuloy lang ang kain.

"August, di ba masarap?"

"Ha? Masarap."

"ows. bakit wala kang reaction. With love yan."

tange talaga to. Iba naman yung mga babae nya. Syempre eto sanay na sa mga masasarap. Malamang may sariling chef yan.

"Love?"

"oo love. Pati yun di mo alam."

"syempre alam ko pero pano mo nilagay dito yung 'passionate attraction and desire'?"

tapos hinalo halo nya yung pagkain nya. Parang hinahanap nya yung 'passionate attraction and desire' nya.

"anong sinasabimo. masyado ka namang literal eh. Teka nagkaboyfriend ka na ba?"

kinunot ni Lucy yung noo nya which means na di nya din alam yun.

"Boyfriend wala, fiancé meron" sabat ko sabay kagat sa hotdog

" Hay halata kang walang alam sa love. teka payag ka bang magpakasal sa taong di mo mahal"

"Sa totoo lang wala pa kong fiancé, Pero sa tingin ko naghahanap na si dad.Ano nga uli yung tanong mo"

"talaga, wala pa? hmm.."

Walang anu-ano'y nakaisip ng Bright idea si Oliveros...

*ting*

napanuod ka yun sa showtime eh. alam kong magagamit ko.

"may naisip ako. Tutulungan kitang maghanap ng boyfriend para hindi ka ipakasal sa di mo kilala. May kilala akong ganyan eh. Nagsisi lang sya kasi di naman nila mahal ang isa't isa. Syempre dapat mayaman din para matanggap ng parents mo. Pero kahit ganun at least mahal mo. Diba ang ganda ng naisip ko?"

"Daniel naiintindahan mo ba yun sinasabi nya?"

as expected...

=_=

"grabe to. Nakaka-hurt ng feelings."

"Sabi nya tutulungan ka nyang maghanap ng lalaking magugustuhan mo. Para sa ganun gusto mo yung taong ipapakasal sayo at mas magiging masaya ka. Alam mo kasi masarap ang feeling ng magmamahal. *munch gulp*Pakiramdam mo ikaw yung pinakamasayang tao at pinakamaswerte dahil sa sobrang pagkagusto mo sa taong yun. yung tipong ayaw mo syang mawala sa tabi mo. Ganun." *munch* *munch*

"talaga? Masaya?"

"oo. mas masaya kesa nung nahanap mo yung una mong kaibigan"

"wow..talaga may sasaya pa dun? Yun nga yung pinakamasaya na nangyari sakin eh."

"oo nga"

"gusto ko yan!ahhaah"

nagkatinginan kami ni Oliveros dahil sa tawa nya. Kakaiba. ansarap sa tenga. Kakaiba nga sya.

BRAVE (d boy's lady)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon