Sa mga taong nabuhay ako, hindi natigil ang sakit na dumarating sa buhay ko. Mga pasakit na parang walang katapusan, parang mabibigat na alaalang hindi ko matakasan. Paulit-ulit kong hinahanap kung may lunas ba talaga para dito, pero sa ngayon, tila wala akong makitang sagot.
Pero susuko na nga ba ako? Ngayon pa ba ako susuko kung ang dami ko nang napagdaanan at nalampasan? Nalampasan nga, pero nanatili itong nakatatak sa puso at isipan ko, na parang sugat na may sariling kwento. Nangyari ang lahat ng iyon dahil may dahilan, pero minsan, hirap akong makita kung ano nga ba ang dahilan na iyon.
I constantly remind myself that no matter what challenges I face, I will never give up. But is it wrong to feel that I also get tired sometimes? Nakakapagod din, lalo na kung parang paulit-ulit ang mga problema. Parang kahit anong gawin ko, hindi pa rin sapat.
Lagi kong kinakausap ang aking sarili noon kung ano nga bang mali sa akin. I wonder if there are qualities or traits that I lack, which others are seeking out in different people. Am I trying too hard to conform to their standards and expectations? Gusto kong maniwala na kaya kong ibigay lahat ng hinahanap nila, to prove that I am enough. Yet, deep down, I wonder if I am losing a piece of myself in this pursuit, striving to meet others’ expectations rather than embracing who I truly am.
I paused in my thoughts as I watched the students entering the church. I smiled, seeing my younger self in them-back when I was a student, I would head straight to this church to pray as soon as I finished all my tasks.
Napatingin ako sa aking orasan at napagtantong magsisimula na maya-maya ang misa. Just a moment later, the priest arrived and the mass began. Throughout the mass, I just listened as the priest spoke in front.
Natapos ang misa at pauwi na ako sa bahay ng maisipan kong mag-grocery na muna dahil mukhang mauubos na yung mga binili ko noong nakaraang linggo. Madali talagang maubos ang mga pagkain sa bahay dahil may isang matakaw na lalaking laging pumupunta sa bahay at doon kumakain. Hindi man lang nahiya!
“Good afternoon, ma’am! Welcome to Goldstore!” bati ni manong sa akin. Talagang Goldstore dahil mabubutas talaga ang bulsa ko dito dahil sa mahal ng presyo, pero good quality naman ang mga tinda.
“Hello‚ manong!” nginitian ko ito at tuluyang pumasok sa loob.
Habang pinipili ang mga kakailanganin namin, natigilan ako nang matanaw ko ang lalaking pilit kong binubura sa aking isipan.
Likod pa lamang niya, alam kong siya ito. May hawak siyang isang batang babae na mukhang may gustong ipabili sa kaniya.
Anak niya siguro...
Ilang sandali ay may lumapit sa kanilang isang magandang babae.
“Love, nabili niyo na ba yung inutos ko?” sambit ng babae kay Kieran.
“Yes po, mommy. May bibilhin pa po ba kayo? Let’s eat na po, mommy. I’m hungry na po,” sagot ng bata imbes na si Kieran ang sumagot.
Sinagot ng asawa ni Kieran ang kanilang anak at saka sila lumabas sa store.
I smiled bitterly. I was the one who left him, but I'm the one who got hurt when I saw him happy with someone else. He had dreamed for a long time of having a child. We were the ones who made the plans, but he’s doing it with someone.