Chapter 1 =^_^=

118 16 5
                                    

Author’s note : Waaa !! hindi ko akalain na mapopost ko ang chapter 1 ngayon araw na to :)) Huhuhu I’m so happy at nasimulan ko na rin siya :)) Sana magustuhan niyo po . Thank you in advance .. Don’t forget to vote and leave Comment :)))

Sa lahat po ng magbabasa ng Inside My heart Is you ^^ Gusto ko lang po sabihin na hindi ko pa po iyong naayos , kaya mejo magulo po siya talaga.. thank you ^^

-----------------------------------------------------------

Chapter 1 :

Yallie Point Of View ^-^

Umaga nanaman , syempre dating gawi ang gagawin ko ! Kaya ito naglalakad ako , papunta ng Beats Academy hihi !! Yeap ! Ganda ng name ng school no ? pero hindi po ako dyan nag aaral . Sabi ko nga kila mommy , payagan na nila ko , pero ayaw nila !! T_T di naman nila masabi ang dahilan,  , pero gayun pa man ,  pinapayagan nila ko sa ginagawa ko .  ‘’ ang magmahal ng taong imposibleng  mahalin ang isang tulad ko  ‘’—

My Daddy and My mommy supports me  , kahit may pag aalinlangan  sa puso nila . Alam ko naman na natatakot sila na masaktan ako sa bandang huli , pero gayun pa man , anjan sila sa tabi ko , Alam ko naman na may posibilidad na masaktan lang ako, pero inihanda ko naman ang sarili ko kung sakali man na dumating ako sa puntong kailangan ko ng masaktan,. Alam ko naman na kapag dumating ang araw na masaktan ako , may mga tao naman na magpapasaya sakin kahit papano , may pamilya ako na gagabay sakin , alam ko din na hindi magiging madali , pero kakayanin ko .  . At saka naniniwala naman ako sa kasabihan na ‘’ Kung para kayo sa isat-isa  , kahit ano pang mangyari kayo pa rin ang magsasama , pero kung hindi , maging Masaya ka na lang , dahil hindi man siya para sayo , panigurado naman na nilaan ka ng Diyos para sa iba  :) Pero sa ngayon , gagawin ko muna ang nagpapasaya sakin . Yun ay ang pasayahin siya ^^ -- kahit hindi ko alam kung Masaya siya sa ginagawa ko para sa kanya :))

Ako nga pala si Yallie Chen Crew , Yallie For short , I am 15 years old  turn’s 16 on _____ , and a graduating student :)) 4th year high school na ko at kung tinatanong niyo kung saan ako nag aaral >_< Dito lang po sa tapat ng Beats Academy , hihihi - , sabihin niyo na po na baliw ako , pero gustong-gusto ko po kasi na mapalapit sa kanya , kaya naman pinili ko na dito mag aral dahil ayaw naman ng mga magulang ko na mag aral ako sa Beats academy :((  Oo nga pala mahilig din ako , umawit at umarte , kaya nga kasali din ako sa Theater club sa school namin---

Sa tapat ng Beats Academy :))

Medyo maaga pa , kaya naman wala pa halos mga studyante , kaya naman sasamatalahin ko na lumapit ki manong guard ..

‘’ Manong guard , good Morning po , kamusta gising niyo ??’’—bati ko ki manong guard  , sabay abot ng isang box na may laman na tinapay at pineapple juice

Kinuha naman ni manong iyon at ngumiti lang sakin , sa mga tingin niya alam ko na  kung ano ang iniisip niya . Ito kasing si manong kasabwat ko siya  sa pagbibigay nitong kwek-kwek ki Calvin , oo tama kayo ng narinig si Calvin ang tinutukoy ko na mahal ko !! Weird right ? High School pa lang ako , ganito na ko magmahal !! Ee wala na po kayo magagawa at tinamaan ako  sa kanya , sakalin niyo na lang po si Kupido at masyadong PBB teens :))

Pero yun nga lang hindi niya  alam , kung sino ang nagbibigay ng kwek-kwek sa kanya :(( Duwag po kasi ako na magpakilala sa kanya , dahil baka mamaya ipagtulakan lang ako nun o kaya naman hindi magustuhan !! Ang sakittt kaya nun diba ?? Pero kuntento naman ako sa ganito lang , kahit hindi niya ko Makita at hindi ko masabi sa kanya na mahal ko siya , atleast sana man lang maramdaman niya may isang Yallie na nag eexits dito sa mundo na nagmamahal sa kanya ng todo-todo :)

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon