Chapter 14 =^_^=

28 3 1
                                    

Author’s Note : Akala ko wala na talaga para sakin ang lahat . but when I heard our fake love song hindi ko alam pero may puwang sa puso ko na nagsasabing , nasasaktan pa rin ako :( Not b’coz he’s not real but b’coz  no matter I do . The real him will never been mine ^^--

-----------------------------------------

Miju Point of View =^_^=

Grr ^^ napakahayop talaga ng patay Gutom na Rance na yan , !! Hindi lang pagkain ang inaagaw niya sakin pati si Danda Alien ^^- hayop talaga siya !!

Pero peste ! I get jelous ! hindi ki Rance kundi ki Danda Alien , nagseselos ako dahil pagdating ki danda alien , lahat kayang gawin ng hayop na Rance na yun , pero pagdating sakin wala lang as in wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman ko :( Nakakabadtrip talaga , hindi dapat ako naiinis ki danda alien ko , dahil mabait siya sakin at para ko na siyang ate .

But I wish I could be like her :(

Lalabas sana ako ng academy , pero nakita ko silang dalawa na naghaharutan kaya napatakbo na lang ako Leasure room , at mabuti na lang si  Ate Charity lang ang tao .

‘’ Oh Miju , wala ka bang pasok ?’’—tanong sakin ni ate charity nang hindi ako tinitignan .

Naupo ako sa harap niya at naghalumbaba ‘’ wala po ate ! At saka medyo masama lang po pakiramdam ko ‘’---

‘’ pahinga ka na muna kaya sa Clinic ,’’—

‘’ Hindi naman po magagamot ng nurse ang sugat ko e ‘’—

Tumingin sakin si Ate Charity at hiwakan ang kamay ko , ‘’  nasaktan ka niya ng hindi niya nalalaman ?‘’—

Tumango na lang ako

‘’ Alam ko na hindi ko maalis ang sakit na nararamdaman mo ngayon , pero handa naman ako makinig sayo . ‘’---

Tinignan ko si ate charity , nakikita ko ang pag aalala niya para sakin . Nakakaguilty  tuloy , paano kaya kung alam niya na si Rance ang lalaki na lagi ko kinukwento sa kanya ? Magawa pa kaya niya na pakinggan ako ngayon ? Magawa pa kaya niya na kausapin ako ?

Siguro hindi , dahil kahit hindi niya man sabihin sakin ang dahilan kung bakit galit na galit siya sa 4 Beat’s , alam ko na malaking kasalanan ang nagawa nito ki ate Charity . At dahil sa galit na yun , natakot ako hindi para sa gulo na pwedeng maidulot nito sa buong academy , kundi natakot ako sa pwedeng magawa ni ate Charity ki Rance .

Kaya pumanig ako sa kanya . Hindi dahil galit din ako sa 4 Beat’s kundi dahil ki Rance . Kahit pikon na pikon na ko dahil sa kamahidan  niya. Ewan ko ba hindi ko rin matiis na malagay siya sa kapahamakan , siguro ganun ko talaga siya kamahal . To the point na kaya ko isugal ang sarili kong kaligtasaan para sa kanya .

I’m sorry ate Charity L

‘’ Akala ko wala ng sasakit pa sa hindi ka mahal ng taong mahal mo . Pero nagkamali ako , dahil mas masakit pala ang umasa kahit alam mo wala na talaga , yun bang ginawa mo na lahat maramdaman niya lang yun pesteng pagmamahal mo para sa kanya , pero wala e ! hindi niya maramdaman kasi busy siya magparamdam ng pagmamahal sa taong mahal niya. ‘’---- hindi ko namalayan na kusa na pa lang pumatak ang luha sa mga mata ko ..

Niyakap ako ni ate charity , at napahagolgol na lang ako ng iyak ‘’ Tahan na miju , bata ka pa naman. Marami pang darating na tao sa buhay mo at marami pang pwedeng mangyari ‘’---

‘’ alam ko yun ate charity huhuhuhu , pero siya lang ang gusto ko . Siya lang ang mahal ko at alam ko na siya lang ang mamahalin ko ‘’--- mas niyakap ako ni ate charity ng mahigpit .

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon