Chapter 17 =^_^=

29 3 1
                                    

--------------------------------------------------------

Yallie Point of View =^_^=

Natapos ang unang week na hindi ako nilulubayan ng The 4 Beat’s , sabi kasi nila kailangan nila ko bantayan ,baka huntingin ako ng mga stalkers nila , to the point na parang gusto na nila ko itali sa mga kamay nila, pero naiintindihan ko naman , at sobra pa ko nagpapasalamat dahil mula noon naging kaibigan nila ko , marami na ko natanggap na note , take note : Death note po ang natatanggap ko , hindi lang simpleng note .

Pero sa kanilang apat si Calvin lang ang pakiramdam ko na parang walang pakialam sakin , madalas hindi siya sumasama kapag kasama ko , at kung sasama naman siya , napapansin ko na hindi siya umiimik  na para bang nililipad ang kanyang isipan ..

Kaya nakokontento na lang ako na pinagmamasdan siya ng patago ^^--

Sobrang saya ng bawat araw na dumadaan sakin , dahil may instant BodyGuard ako na sobrang mga gwapo , na madalas sila pa ang nanglilibre sakin bwahahaha -- Pero kahit palibutan pa ko ng milyong-milyong gwapong nilalang dito sa earth , sa isang lalaki lang ako titingin . hehehe – syempre ki calvin :P Pero haist kailan kaya siya titingin sakin ?

‘’ Oh Good Morning Yallie ‘’—

‘’ good Morning din Kyle ‘’—nakangiti ko na bati sa kanya ,

Ito pa pala ang Masaya , pinayagan na ko ni Miss. Angieline na pumasok din dito sa leasure room na para lang sa mga Beat’s at Anti-Beat’s :) ang saya diba ?-- ^^ Masaya nga ba ?

‘’ Oh teka ? yallie bakit parang ang dami mo ata ngayon natanggap na love letter ? ‘’—may pang-aasar na tanong sakin ni Kyle , pero alam niya naman na hindi love letter ang binabasa ko ngayon .. Death note :na galing sa mga Stalker nila .

‘’ Bwahahaha , oo nga yallie . Tignan mo oh ? Parami sila ng parami , mukhang dumadami na ata ang stalker mo ngayon ah ?’’—sabi naman ni Miggy na kararating lang at hawak-hawak nanaman ang laptop niya , panigurado kachat nanaman nito yun girl na kinukwento niya sakin last time ..

‘’ Hindi naman to love letter eh ? Death note to ! At galing sa mga stalker niyo ‘’--- sabay pout ko sa kanila ..

Lumapit naman sakin si Kyle at inakbayan ako ? ‘’ Hahaha ! hayaan mo na lang sila Yallie , naiinggit lang sila sayo ‘’--- oh see ? In just one week sobrang close ko na tong si kyle and miggy .

‘’ hindi ko alam  kung dapat ba ko matuwa at kinaiinggitan ako ngayon . Eh mukhang sa mga sulat pa lang nila parang gustong-gusto na nila ko patayin ng paulit-ulit ‘’—

‘’ Hindi naman namin pababayaan na masaktan ka Yallie ‘’—sabay lipat ni Miggy ng upuan sa tabe ko .

‘’ oo nga naman ! remember , kami ang Super body guard mo ? ‘’—sabi naman ni kyle

Natawa naman ako sa sinabi nila , haist ? Noon nangungulila ako sa pagmamahal ng isang kuya , pero ngayon pinupunuan ng The 4 Beat’s ang  pagkukulang sakin ni Kuya Landon .. Pero let me clear lang po ? Mahal ko si calvin hindi bilang kuya okay ? Ito lang po sila Miggy and Kyle –

Bigla naman napatingin ki Kyle na tumatawa ‘’ Bwahahaha yallie basahin mo to ? Bwahaha  mukhang hindi naman lahat ng sulat dito galing sa mga gustong pumatay sayo ‘’—

Nacurios ako , kaya kinuha ko ki Kyle ang papel na hawak-hawak niya , at sa unang tingin ko pa lang parang kakaiba nga ang sulat na yun . Kasi karaniwang sa mga natatanggap ko na death note ay halos mga nakalagay sa mamahalin na papel na kung minsan nga iniisip ko na para silang mga sira ulo at pati Death note na ipapadala sakin ay masyado pang pinaghahandaan ..

Once Upon a TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon