Si Jun Wu Xie ay kalmado, sa kabila ng mapanlinlang na pamamaraan na ginamit.
Si Mo Qian Yuan sa kabilang banda, ay nanginginig sa galit, ang kanyang mga kamao ay mahigpit na nakapulupot. "Nabaliw na ba sila!? Isang buong lungsod na mga tao! Anong kalupitan!! Palagi namang pinahahalagahan ng taong iyon ang kanyang magandang reputasyon sa mata ng mga tao, paano siya nakagawa ng ganitong kasuklam-suklam at karumal-dumal na bagay!?"
Tumingin si Jun Wu Xie sa nagagalit at labis na nag-aalab na si Mo Qian Yuan at sa mga mata niyang kalmado tulad ng tahimik na tubig, sinabi niya: "Hindi kaya ng Emperador at Mo Xuan Fei ito, ito ay gawa ni Bai Yun Xian."
Mabuti, maaari na niyang matukoy, ang lason na tumama kay Lin Yue Yang ay gawa ni Bai Yun Xian. Naglakas loob siyang ipatong ang kanyang mga kamay sa aking lolo. Ipapakita niya kay Bai Yun Xian, ang kanyang bagito na mga pakulo, ay wala sa kanyang paningin!
"Bakit magkakaroon ng napakalupit na bagay ang Angkang Qing Yun?" Nagtatakang tanong ni Mo Qian Yuan.
Si Jun Wu Xie, na hindi nagulat, ay sumagot: "Ang gamot at lason ay mula sa iisang pamilya . "
Ang mga taong bihasa sa medisina, likas na bihasa sa lason!
"Munting Binibini, ang mga kapatid natin sa laban?" Walang pakialam si Long Qi sa intriga sa palasyo, ang kanyang mga kapatid lang sa Hukbong Rui Lin ang inaalala niya.
"Nalason na sila, kung hindi maagapan ang lason, hindi sila mabubuhay ng tatlong araw . " Sinabi ni Jun Wu Xie sa kanya nang tuwiran.
Napanganga si Long Qi, at lumuhod sa isang tuhod na nagmamakaawa: "Pakiusap, Munting Binibini na iligtas sila!"
"Sa tingin mo bakit ko sila pinahintay?" Malamig na tiningnan ni Jun Wu Xie si Long Qi, naisip niyang magiging malinaw iyon sa kanyang mga aksyon.
Lumuhod at yumuko si Long Qi na nakasubsob ang ulo sa sahig bilang pasasalamat.
Dahil nasaksihan niya ang kakayahan ni Jun Wu Xie sa medisina, naniwala si Long Qi na sa tulong ni Jun Wu Xie, mabubuhay ang kanyang mga tauhan.
"Wu Xie, gaano ka-kumpiyansa sa lason na yan?" Mo Qian Yuan ay nagtanong nang maingat." Ang lason na nagiging sanhi ng pagsabog ng katawan ay hindi pa naririnig noon, ngunit kung ang lason ay nagmula sa Angkang Qing Yun, tiyak na ito ay malakas.
Tumingin si Jun Wu Xie kay Mo Qian Yuan, bagot na bagot sa tanong niya.
"Larong pambata. Ano sa tingin mo?"
"...... . " Naramdaman ni Mo Qian Yuan na nagtanong din siya ng walang katuturang tanong. Walang pakialam si Jun Wu Xie sa anumang bagay mula sa Angkang Qing Yun. Ang insidente ng batong-lungtian hamog na gamot dati ay ipina- nukha ni Jun Wu Xie kay Bai Yun Xian ang pagiging kahangalan. Hindi niya maiwasang magkamot ng ilong sa kahihiyan.
"Ngunit batay sa sinabi mo, ang lason ay madaling kumalat, natatakot ako na ang bilang ng mga taong mahahawaan ay magiging higit pa sa kaya nating hawakan, ano na lang ang gagawin natin." Hindi naglakas-loob si Mo Qian Yuan na isipin kung gaano karaming tao ang naimpeksyon. Kahit na makagawa si Jun Wu Xie ng lunas, hangga't may isang tao pa ring apektado, magpapatuloy ang mga pagsabog.
"Hindi ito nakakatakot gaya ng iniisip mo . Maaaring madaling kumalat ang lason, ngunit ang tagal ng oras na nananatili sa hangin ay napakaikli, humigit-kumulang isang ikalimang bahagi ng isang insenso at ang lason ay nawawala ang lakas nito. " Kung mananatili ito sa himpapawid, hindi na nila kailangang magpadala ng limampung lalaki sa kanilang kamatayan.
"Gagawin ko ang lahat para mabilis na makagawa ng lunas, basta't hindi maubos ang mga halamang gamot, hindi ito malapit na makatalo sa akin." Alamin mo ang iyong lugar, Bai Yun Xian, humihingi ka ng kahihiyan.
"Titiyakin kong makarating nang ligtas ang lahat ng mga halamang gamot." Gumambala si Long Qi, ang lasong ito ay tinutok sa Hukbong Rui Lin, at hindi niya ito papayagang magtagumpay!
"Iwanan mo na kay Tito Fu ang usapan tungkol sa mga halamang gamot, may iba akong ipagawa para sa'yo." Si Jun Wu Xie ay tumingin kay Long Qi, ang kanyang mga mata ay nagningning sa pagpatay na matagal nang natutulog.
Dahil sawa na sila sa buhay, ibibigay na lang niya ito, nang may kasiyahan!
BINABASA MO ANG
GENIUS DOCTOR BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)
Historical Fiction"TRANSLATE IN TAGALOG" Noong siya ay labing-apat na taong gulang, sa murang edad, Siya ay isang henyong manggagamot na ikinulong ng kanyang lolo, Sinunog niya ang kanyang kulungan kung saan siya nakatira nang higit sa Sampung taon. Ngunit Nang maka...