Chapter 1- Christmas Eve

394 23 2
                                    

Vie

Ang katahimikan sa kabilang linya ang nagpahinto sa akin sa pagbabasa. Nasa climax na ng story ang binabasa ko. Sa kasukdulan ng pagtatalik ng mga bida.

"Mr. Fernadez, okay ka lang ba?" tanong ko sa kabilang linya.

Isa akong voice actor and yes, I am talking to my premium client over the phone and doing a voice demo. He wanted it this way. Para raw walang nasasayang na oras.

Time for him is crucial. Parati ay laging urgent ang submission ko ng audio na ginagamit ng company niya sa mga audio books.

Huminga ng malalim si Dylan. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na trabaho lang ito—na hindi ako naapektuahn ng ginagawa ko.

"Dylan," pagtatama niya, halatang inis na sa akin. "Sabihin mong muli ang pangalan ko," utos nito

"Dylan," bulong ko. Paulit-ulit niya akong tinatama na tawagin ko siya sa pangalan niya nitong mga nakaraang buwan, pero hindi ko maiwasang tawagin siyang 'Mr. Fernandez.' Iyon kasi ang nagpapaalala sa akin kung sino siya—hindi isang kaibigan sa telepono, kundi isang kliyente. Ang pangalan niya sa aking mga labi ay parang isang pagtataksil sa lahat ng pinagtibay ko. Ang propesyonalismo. Ang distansya.

Narinig ko ang isang mahinang ungol, tapos naging tahimik ang linya. Naisip ko kung galit siya sa akin dahil sa kakulitan kong tawagin siyang Mr. Fernandez, at pilit kong sinisi ang sarili ko. Baka tanggalin niya ako bigla.

Mayroon ako dating mga ibang client bago ko sinimulan ang paggawa ng audio books para sa kumpanya niyang Loving You, pero nang mag-alok siya ng mas marami pang proyekto, siya na lang ang naging kliyente ko nang mahigit dalawang buwan. Parang katawa-tawa, at sigurado akong makakahanap pa ako ng mga project mula sa iba, pero gusto ko ang pagtatrabaho para sa kanya. Medyo may ibang paraan nga lang siya sa mga bagay, kumpara sa karamihan ng mga kliyente na natatrabaho ko dati, pero gusto ko ang style niya. Very direct. Very personal.

Mukhang marami akong gusto kay Dylan, kahit na wala akong gaanong alam tungkol sa kanya.

Nakakabingi ang katahimikan sa kabilang line ngunit hinintay ko siyang magsalitang muli. His words have an effect on me. An effect they shouldn't but here I am, longing to hear his voice to feel those effect.

Parang hindi ko na namamalayan, pero iniisip ko siya nitong mga nakaraang araw. Ang paghihintay para sa aming araw-araw na tawag ay parang naging isang uri ng obsessions sa akin. I'm sure my mother would tell me it is just as unhealthy as my lack of a social life.

"Ugh," mahinang wika ko, sinusubukan kong basagin ang nakakairitang katahimikan. The tension is unbearable, but all I hear is his heavy breathing—so deep and rhythmic, it's almost familiar, like something straight out of the erotica novels I've read before this silence started. The hero would gasp, his breath hot and shallow, as he panted into the heroine's ear.

Isang musika na hindi ko pa talaga naririnig, pero hindi ko maiwasang ma-imagine kung anong pakiramdam kung si Dylan ang maglabas ng ganitong tunog sa aking tainga, habang ang katawan niya ay— oh God, I am going to burn in hell with these thoughts.

"Okay na 'yan for today," sabi niya sa wakas, I heard his deep voice once again na para bang hinahaplos ako, mainit at magaspang.

Kung may dapat na magbasa ng libro, si Dylan na siguro. Ang boses niya ay kakaiba, wala pa akong narinig na katulad nito, at marami na akong narinig sa trabaho ko. Ang mga boses na itinuturing na pinakamahusay ay hindi man lang matutumbasan ang kanya.

"Okay, Mister— Dylan," mabilis kong pagtatama sa sarili ko. Pakiramdam ko na naman na isa akong bobo na hindi kayang tandaan ang simpleng detalye. "Ipapadala ko ang libro na tinatapos ko mamayang hapon. Ilang tweaks na lang, at matatapos na. Pagkatapos nun, magsisimula na ako sa bago, kung nagustuhan mo ang sample na ginawa ko."

Christmas in SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon