Chapter 6- She's really here.

114 18 3
                                    

Dylan

Nasa loob ako ng kwarto ko, hindi mapakalit at paikot-ikot sa kama. Hindi makatulog ng maayos.

She's here. She's really here.

Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba ako ganito—isang duwag, hindi kayang magsalita sa harap niya. Parang natameme ako nang makita ko siya, parang nag-freeze lahat sa katawan ko, at naramdaman ko ang mga bagay na hindi ko pa nararamdaman noon.

Matagal kami nag-usap sa telepono at pakiramdam ko ay kilala ko na siya. Pero hindi ko in-expect na ganito pala kapag nakita ko siya ng personal.

Hindi handa ang sarili ko sa kagandahan niya. Walang anuman sa mga naiisip ko ang makakapaghanda sa akin sa lahat ng ito.

Noche Buena na, at para akong batang naghihintay kay Santa Claus na dumating. Pero ang Santa Claus ko, nasa kwarto sa itaas, at takot na takot akong umakyat. Kung sana lang ay may paraan para malaman kung ano ang iniisip niya. Naiisip ko, naaasiwa ba siya sa mga pilat ko? Diyos ko, kung gaano ko sana ipininta sa isip ko ang pagtagpo namin, naglaro ang isang libong iba't ibang eksena sa utak ko—pero walang kahit isa sa mga iyon ang nagsasabing darating siya dito, sa gitna ng smakapal na ulap at ulan, at makikita ang lahat ng mga pilat ko. Walang naghanda sa akin sa pagdating ni Vie.

Napabuga ako ng malalim na hininga at humiga ng maayos sa kama. Nakatingin ako sa kahoy na kisame.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kailangan ko ng sign o kung anuman. Tumingin ako sa fireplace sa aking kwarto, pinagmamasdan ang mga nagbabagang mga kahoy. Nagmamakaawa ang puso ko sa na magkaroon ng isang Christmas miracle.

Bigla, may narinig akong pop, at nawala ang ilaw na binuksan ko kanina sa banyo. Umupo ako, at sa isang iglap, nagkaroon ng katahimikan sa buong bahay. Walang tunog ng ref na umaandar, walang hangin na pumasok mula sa heater sa itaas.

Shit. Ito ang klase ng miracle na hindi ko inaasahan.

Walang kuryente.

Tumayo ako mula sa kama, pumunta sa banyo, at pinindot ang switch. Wala.

May init pa ang buong bahay dahil sa electric heater na nakabukas kanina pero mawawala na rin iyon dahil sa lamig ng panahon na mas lalo pang pinalamig ng malakas na ulan. May backup generator ako, pero hindi ko naman inisip na maglagay ng fuel para dito. Shit. Palagi naman kasi akong mag-isa, at kaya ko nang mag-adjust gamit ang fireplace sa sala at kwarto. Kahit na, may cook stove pa ako sa kusina kung gusto ko magluto ng mainit na pagkain. Hindi ko pa kailanman iniisip na magiging problema ang pagkawala ng kuryente. Until now.

Tumingin akong muli sa kahoy na kisame sa kwarto ko, at ang tanging naiisip ko na lang ay si Vie nab aka ginawin sa itaas.

Nagsimula akong maglakad palabas ng kwarto, nang mapansin ko na kailangan ko palang magsuot ng damit. Karaniwan, natutulog akong hubo't hubad, pero siguro hindi magiging maganda kung pupunta ako sa kwarto niya na wala akong suot at aanyayahan ko siyang sumama sa akin.

My cock twitches at the thought, and I reach down, pinching the tip a little to try to get it to go down. I can't have a fucking hard-on right now.

Huminga ako ng malalim, at tumingin pababa, at agad na napamura. May iba yatang plano ang katawan ko, at imbes na kumalma, para bang tinatraydor ako.

"Putang ina." Hindi ito ang tamang oras para dito. Mabilis kong kinuha ang isang pares ng masikip na boxers, isinuot ito, kasunod ng sweatpants at isang maluwag na T-shirt, umaasang matatakpan nito ang kung anumang nangyayari sa katawan ko. Pinipilit kong manatiling kalmado. Kailangan ko lang siguro iisipin na reaksyon lang ito ng katawan, wala nang iba.

Christmas in SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon