Chapter 5- The Meeting

99 16 2
                                    

Vie

Kinuha ko ang bag ko sa kotse ay nagmamadaling sumunod kay Dylan. Pilit kong hinihila ang jacket na suot ko. Nararamdaman ko ang lamig na dumadaloy sa manipis na tela, kumakagat sa aking balat. Nagkakaroon ng mumunting ulap ang bawat hiningang naibubuga ko sa hangin.

Tumigil si Dylan sa paglakad, humarap ng kaunti sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong niya, mababa ang boses, pero naroroon ang pag-aalala.

I nod, but my teeth still chatter a little, betraying me. "Yeah, I'm fine."

Sumunod ako sa kanya papasok ng bahay. Tinanggal ang aking sapatos kong suot at inilagay ito sa tabi ng pinto. I thought he'd be a big guy as he has such a deep voice, but he's even bigger than I imagined. Higit pa siya sa anim na talampakan, mahigit isang talagpakan pa ang taas niya sa taas kong 5 feet two inches. Karamihan ng mga tao ay mas mataas kaysa sa akin, pero siya, parang kailangan ko talagang tumingala.

Bumaling siya ng bahagya sa akin, sumulyap ng kaunti sa direction ko mula sa kanyang balikat. Kulay tsokolateng mata ang tumama sa mata ko. Ang kanyang itim at may kahabaang buhok ay tumabing sa kanyang mukha, parang kailangan niyang magpagupit ng kaunti. Gusto kong makita ang mukhang niyang itinatago sa buhok. Nang unang makita ko siya, parang may pilat na dumadaan mula sa kanyang noo hanggang sa kanyang cheekbone. Pero sa dim na ilaw ng bahay at sa buhok niyang nagtatakip, mahirap malaman kung tama nga ang nakita ko.

Para siyang isa sa mga classic na hero sa mga lumang romance novels na binabasa ko mula sa mga librong iniwan ni mama. Lahat ng mga tauhan sa mga libro na iyon ay mayroong isang malungkot at misteryosong aura. Laging may maitim na buhok at matalim na mga mata. Hindi kailanman nawawala ang paglalarawan sa mga bida na ganito. Tuwing kukuha ako ng isa sa mga libro ni mama, halos kaya ko nang hulaan kung kailan nila ilalarawan ang mga karakter ng ganoon. At ngayon, parang narito ako, nakatayo sa harap ng isa—diretsong kinuha mula sa mga pahina.

Isinantabi ko muna ang kalokohang naiisip ko, dahil muli akong nabubuhay sa aking sariling pantasya, ginagawang totoo ang isang bagay na hindi naman. Humakbang ako patungo kay Dylan, hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na abutin at ayusin ang buhok sa harap ng kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para maging matapang, pero agad ko itong pinagsisihan nang tumingin siya ng matalim pabalik, iniwas ang mukha at ipinakita sa akin ang kanyang malapad na likod, sabay bulong ng mga salitang hindi ko naintindihan.

Parang ayaw niyang tumingin sa akin at ayaw niyang tingnan ko siya. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kabahayan. May apoy sa chimney sa may sala at naroon ang Christmas tree may may makukulay na ilaw na parang naglalaro.

Matagal ko nang gustong malaman kung anong itsura ni Dylan. Gusto kong ilagay ang isang mukha sa lalaking matagal nang sa mga pantasya ko nitong mga nakaraang buwan. Noong lumabas ako ng sasakyan, para akong nawalan ng hininga. I couldn't even see him fully and I was entranced, just from being near him.

Ganitong kay lapit niya sa akin, pagkatapos ko siyang gustuhin mula sa malayo, napansin ko na ang mga salita niya ay marahas, at hindi gaya ng inaasahan ko. Minsan, he is firm with me, tulad nang tawagin ko siya sa apelyido niya, o nung nahirapan akong sagutin ang tawag niya sa telepono, ngunit ang nangyari ngayon ay nakakalito at nakakabahala. Parang gusto niyang paalisin ako na ayaw. Parang nagulo ko ang gabi niya.

"Ah... uh..." sabi ko, sinusubukang basagin ang katahimikan sa pagitan namin sa ikalawang pagkakataon ngayon araw. I'm totally getting fired.

Sa totoo lang, alam ko nang mangyayari 'yan nang marinig ko ang audio book na nirecord ko only to find out that I am not reading the book. Kahit na gusto ko sanang magtanong, I don't feel like poking the bear he seems to have turned into.

Christmas in SagadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon