Mabilis na lumipas ang mga araw at di KO na namalayan na malapit na mag-isang buwang tulog ang asawa ko...
Habang pinupunasan ko ang kanyang katawan tumutulo ang luha KO kasi nangayayat na sya at Alan ko na kahit nahihirapan man ay patuloy pa rin syang lumalaban...
Hindi naman ako pinabayaan ng mga kaibigan at higit sa lahat ng pamilya namin..Madalas nila ako sinasamahan na magbantay dito sa hospital at maging sa paggabay sa mga anak namin...
Habang dahan-dahan kong pinupunasan ang kanyang mukha nakita kong tumutulo rin ang kanyang mga luha sa mata...Naalala KO mga pangako nya sa akin na kahit anuman mangyari lagi KO raw tatandaan na mahal na mahal nya ako at di kailanman iiwan....
Nang dahil sa mga isiping yon,napaupo ako sa silya na nasa tabi niya at hinawakan KO ang kanyang kamay sabay usal ng pangako na kahit gaano pa man katagal handa akong maghintay...
Patuloy pa din sa pagdaloy ang aking mga luha...Makalipas ang ilang sandali naramdaman kong medyo gumalaw ang kanyang kamay habang hinahawakan ko at dahil sa pag-aalangan di ako gumagalaw dahil sa pag-aakalang guni-guni KO lamang iyon...
Ilang sandali pa'y humigpit pa ang pagkahawak niya sa kamay ko at lalo na tumutulo ang mga luha namin..Nang dahil sa katuwaang nararamdaman na sa wakas nagising na rin ang asawa ko,hinayaan ko nalang muna na nasa ganoong ayos kami nang naalala ko na tumawag n ng doktor para macheck ulit ang asawa ko..
"Congratulations,Mrs.de Jesus dahil hindi sumuko ang pasyente" wika ng doktor..."Kailangan nya lang ng mga ilang araw pa para manumbalik ang kanyang lakas"dagdag wika pa ng doktor...
"Maraming salamat po doc dahil di nyu rin po sinukuan ang asawa ko"nawika ko rin...
Agad kong tinawagan sina mama at tatay na nagising na si Ella...
Laking tuwa naman nila nang malaman ang balita at luluwas daw agad sila ng maynila kinabukasan...
Si mommy naman agad ding tinawagan si ate Joyce para ibahagi ang magandang balita..At sinabi ring magbobook daw sya ng flight pauwi ng pinas...
Tumawag na rin ako sa bahay para ipaalam na nagising na ang mahal kong asawa...Laking pasasalamat ko talaga na sa kabila ng mga nangyayari heto pa rin sila nkasuporta sa amin...
" Hubby love,kamusta na pakiramdam mo may masakit ba sa'yo,may kailangan ka ba o may gusto ka bang kainin?"tanong ko Kay Ella na nagising na nga at tinanggal na rin ang oxygen na nasa ilong nya...
Mahigpit ang pagdaop ng aming mga palad at pinisil niya iyon..."So...sorry... wifey.. love....k...kung.....pi...pinag-alala ko... kayo"pautal-utal nyang wika..
Mahigpit ko syang niyakap "Lahat handa kong gawin para sa'yo hubby love dahil sobrang mahal kita" wika ko at hinalikan amg kanyang mga labi...
"Sa...la..mat wi...fey" tugon niya...
![](https://img.wattpad.com/cover/383807359-288-k123287.jpg)
YOU ARE READING
'Til I met you(Nagkataon ,nagkatagpo)2
LosoweStill a love story of jella,struggles,patience,and true love that helps them to conquer all of the difficulties they've being experienced...