151: "ALAMIN ANG IYONG POSISYON" (3/4)

96 6 0
                                    

Nakapaghanda na ako ng Lunas, wala tayong eksaktong bilang ng mga taong na lason, kaya't naghanda ako ng sapat para sa lahat. Pagkatapos makainom ng lunas ang lahat ng kawal ng Hukbong Rui Lin, ipakuha ito sa kanila at ipasa sa lahat.”

Ang lason ay kumalat sa napakalawak na lugar, at hindi nakapagbigay ng pagsusuri si Jun Wu Xie para sa lahat, kaya't napagpasyahan na lahat ay uminom ng lunas, na mas magiging epektibo.

"Ito ay ganap na natapos.."

"Ipagpalagay  ko na hindi ko na kailangang sabihin sa iyo kung paano ito gawin?"Ang malamig na mga mata ay tumingin kay Long Qi nang may pag-asa.

"Hindi kita bibiguin!" Sumagot si Long Qi nang matatag.

Sa araw pagkatapos ng mga sumasabog na katawan, mas maraming tao ang nagkasakit. Dahil walang ideya ang mga manggagamot kung saan magsisimula, nagsimula nang ma-taranta ang mga tao.

Sa parehong hapon na iyon, isang anunsyo ang ipinaskil sa buong lungsod. Ang mga taong nagbasa nito ay galit na galit at ang balita ay kumalat na parang apoy sa lahat ng sulok ng lungsod.

Ang mga salarin na nagtatago sa lungsod ay hindi pa sumusuko sa laban at gumamit ng lason upang maghasik ng takot sa Imperyal na Lungsod. Ang limampung sumabog na katawan noong nakaraang araw ay dulot ng lason na ginamit nila.

Sa loob ng ilang sandali, ang mga tao ay nagmumura at nag-iingay sa buong lungsod at ang mga tao na may mga kamag-anak na nagkasakit dahil sa lason ay umiiyak sa pag-aalala.

Habang mataas ang takot sa mga tao, dinala ng Prinsipeng tagapagmana na si Mo Qian Yuan ang Hukbong Rui Lin, at ipinamahagi ang lunas sa masa, isang halo sa maliit na bote, na nag- paalis ng lason sa kanilang mga katawan.

Walong pung libong kawal ng Rui Lin ang ipinakalat, walang tigil na ibinibigay ang lunas sa mga tao. Ang mga tinamaan ng lason ay agad na nakaramdam ng pagbuti pagkatapos nilang inumin ang lunas at sa loob ng kalahating araw, kumalat ang balita tungkol sa ginawa ni Mo Qian Yuan.

Ang kilos ng kabaitan ay nasa mga labi ng lahat, umaawit ng kanyang mga papuri sa malalim na pasasalamat. Sa araw na ito, ang katayuan at kasikatan ng Prinsipe tagapagmana ay umabot sa kaitaasan, ang suporta para sa kanya ay lumampas pa sa kasalukuyang Emperador.

Isang estado ng kagipitan ang muling idineklara, at ang mga tumutol sa unang pagsasara ng lungsod ay ngayo'y labis nang kinamumuhian ang mga salarin at ganap nang sumusuporta sa Hukbong Rui Lin.

Ang mga tao ay nasa kasiglahan, hindi lamang ang reputasyon ng Pangalawang Prinsipe ang lubos na tumaas, kundi pati na rin ang Hukbong Rui Lin na tinanggap na ngayon bilang mga tagapagtanggol ng bayan.

Ang balak na maaaring magwasak sa buong Imperyal na Lungsod ay nabigo sa bawat palayok, gamit ang lunas ni Jun Wu Xie na ipinamigay ng Hukbong Rui Lin ng bote-bote sa mga tao na nag-paalis ng lason sa kanilang mga katawan, ganap na pinalaya ang banta sa Imperyal na Lungsod.

Ang bilis kung saan ito isinagawa ay hindi nagbigay ng oras para makarating ang balita sa Imperyal na Palasyo. Bilang karagdagan sa unang limampung pagkamatay sa unang araw, wala nang ibang nasawi mula sa lason.

Sa Palasyo ng Lin, pinanood ni Jun Qing si Jun Wu Xie habang abala siya sa kanyang mga gamot, ang kanyang ekspresyon ay mapanlikha.

"Pinahayag mo kay Long Qi na ang mga taong responsable sa lason ay ang parehong mga salarin na nakatago pa rin sa loob ng Imperyal na Lungsod, ano ang layunin mo roon?" Hindi maunawaan ni Jun Qing ang mga intensyon ng kanyang sariling pamangkin. Sa kaguluhan tungkol sa lason, nagbigay ito sa Hukbong Rui Lin ng mas matibay na dahilan upang mapanatili ang kontrol sa Imperyal sa Imperial  na lungsod, ngunit hindi nagtatapos dito si Jun Wu Xie, gaano kalayo ang balak niyang dalhin ito?

Si Jun Wu Xie ay abala pa rin sa mga gamot habang sumasagot siya: "Ang mga bagay na nakatago, likas na dapat itong matuklasan."

Si Jun Qing ay nag-isip, si Jun Wu Xie ay pinakuha ang Hukbong Rui Lin upang imbestigahan ang pagkakakilanlan ng limampung patay kasama ang mga tao. Pero sa paraan ng kanilang pagkamatay, ito ay isang imposibleng gawain. Sa dami ng mga mamamayan sa lungsod, hindi magiging madali na malaman iyon, kahit na bilang mga nawawalang tao.

"Sa likas na mga pagkakataon, magiging mahirap malaman ang kanilang mga pagkakakilanlan. Iba na ngayon. Dahil nag-aalala ang mga tao tungkol sa lason, titingnan ng mga tao ang kaligtasan ng lahat ng miyembro ng kanilang pamilya, kabilang ang mga miyembrong na kaanib sa pampublikong serbisyo.” ipinaliwanag ni Jun Wu Xie, hawak ang isang bungkos ng mga halamang gamot.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon