Panginoong Diyos,
Hindi madali ang pinagdadaanan ng pamilya namin ngayon.
Sumusunod naman kami sa Inyo, di ba? Pero bakit? Bakit kailangang magkaganito kami? Bakit kinailangang kunin Mo ho agad samin si Iris?
Paano na po ang mga anak namin? Nakakabigla po ang pagkawala ng asawa ko... Ni hindi man lang kami nakapaghanda. Bigla-bigla, may sakit na pala siya? At malala na?
Diyos ko... paano kami magpapatuloy sa buhay nito? Ang tanging alam ko lamang ay magtrabaho. Pero ang pag-aalaga sa mga anak ko? Wala akong alam kung paano gagawin ito... Si Iris lang ang sandigan ko. Siya ang nakakaalam kung pano mag-alaga, magluto, at magmahal ng tama.
Diyos ko... andami kong pagkakamaling nagawa sa asawa ko. Ni hindi ko nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal at kung gaanong nagpapasalamat ako Sa'yo sa buhay niya.
Diyos ko... bakit Mo siya kinuha agad?
Bakit???
???
YOU ARE READING
BROKEN PIECES: LETTERS TO GOD
SpiritualThis is a collection of fictional, inspired by true events, letters TO GOD.