Diyos ko, kaaalis lang ni Nico. Paulit-ulit na naman niya akong binugbog. Nakikiusap po ako na baguhin N'yo na po siya. Natatakot po ako para sa mga anak ko. Kasalanan ko po ba na walang maipapakain sa kanya? Panginoon, maawa Ka po sa kalagayan ng pamilya ko. Huwag N'yo na pong pauwiin si Nico. Matagal ko na po siyang isinuko sa Inyo, hindi ba? Bakit? Bakit pa po niya kami natunton? Bakit nahanap niya pa po kami?
Iyak ng iyak ang panganay ko habang nakikita niya akong hindi makalaban sa tatay niya. Kitang-kita ko ang galit sa mata ni Alex. Diyos ko, sampung taon pa lang ang anak ko. Bakit kailangan niyang makita ang ganito? Iligtas Mo po kami, Diyos ko. Protektahan Mo po kami. Huwag Mo pong hayaan na itanim sa puso ni Alex ang galit sa papa niya.
YOU ARE READING
BROKEN PIECES: LETTERS TO GOD
EspiritualThis is a collection of fictional, inspired by true events, letters TO GOD.