Papa Jesus,
Nag-aaway na naman po sina mama at papa. Palagi na lang po silang ganito. Uuwi si papa ng madaling-araw tapos magwawala si mama kasi wala naman daw kita pero late umuuwi si papa.
Bakit po ba hindi kami mayaman?
Bakit kailangang andami-dami na kailangang bayaran?
Hindi ko po maintindihan Papa Jesus. Ano po ba ang dahilan?
Sabi ni Mama, walang silbi si Papa.
Sabi ni Papa, dapat daw subukan ni Mama ang magtrabaho para maintindihan niya. Ginagawa niya raw ang lahat para may makain kaming lahat.
Sabi ni Mama, wala raw mag-aalaga sa mga "palamunin."
Papa Jesus, pakiramdam ko hindi magandang salita ang palamunin. Pero bakit ganoon ang sinasabi ni Mama?
Hindi na niya ba kami love?
Sana yumaman na kami. Para hindi na mag-away sina papa at mama.
Amen.
YOU ARE READING
BROKEN PIECES: LETTERS TO GOD
SpiritualThis is a collection of fictional, inspired by true events, letters TO GOD.