155: "NAGSISIMULA NA ANG PALABAS" (3/5)

123 11 1
                                    

Mula nang itatag ang Qi, walang ibang hukbo maliban sa Hukbong Yu Lin ang nagkaroon ng tuwirang daan sa Imperyal na Palasyo.

Pero ngayon, magbabago na ang mga bagay.

Si Mo Qian Yuan ay nanguna sa isang hukbo ng limang libong kawal ng Hukbong Rui Lin na dumaan mismo sa mga pintuan ng Imperyal na Palasyo, at ang mga mamamayan sa lungsod ay pumila sa mga gilid ng mga kalye na nagagalak, bilang isang matibay na pagpapakita ng suporta para sa "sumasalakay" na hukbo.

Sa loob ng pangunahing bulwagan ng Imperyal na Palasyo, nakaupo ang Emperador sa kanyang trono, ang kanyang mukha ay puno ng pag-aalala at ang lahat ng mga kawal ng palasyo ay nakatayo nang may kaba sa dibdib, hindi mapalagay na parang may mga langgam sa kanilang pantalon.

"Itong lahat ay kasalanan mo!" Ang Emperador ay nakatitig kay Mo Xuan Fei sa pamamagitan ng mga nagngangalit na ngiping nakasara. Hindi niya alam ang mga hakbang na ginawa nina Mo Xuan Fei at Bai Yun Xian bilang ganti kay Jun Wu Xie. Kung alam niya, pinigilan sana niya sila sa paggawa ng ganitong masamang gawain.

Pagpapalason sa mga tao ng Imperyal na Lungsod! Iyon ay kabangisan!

Ang mga karaniwang tao ay parang tubig. Ang tubig ay maaaring magtulak ng barko, ang tubig ay maaari ring magpa lubog ng barko. Ang mga tao ay sumusuporta na sa Pamilyang Jun at kay Mo Qian Yuan at walang kapantay na papuri ang ibinibigay nila, na nag-iwan sa Emperador at sa Ikalawang Prinsipe sa isang estado ng pagkaaresto sa loob ng Palasyo Imperyal at nawalan ng kontrol sa Imperyal na Lungsod. Sa panahon ng krisis na ito, pinili ni Mo Xuan Fei na sumama kay Bai Yun Xian sa isang ideya na hindi pa ganap na naisip.

Kung nagtagumpay sila, wala siyang masasabi. Ngunit, lumabas ang Hukbong Rui Lin na walang nawalang tao, at naipasa nila ang sisi sa lason sa Hukbong Yu Lin, na nagbigay kay Jun Wu Xie ng perpektong dahilan upang lehitimong dalhin ang Hukbong Rui Lin sa Imperyal Palasyo!

Si Mo Xuan Fei ay maputla sa takot at kawalang pag-asa.

Si Bai Yun Xian ay maaaring naging medyo masyadong malupit sa kanyang plano, ngunit kung ito ay nagtagumpay, nailigtas sana sila mula sa krisis.

Hindi niya kailanman naisip na ang lason na nagsisimula pa lang kumalat ay mapapawi at napaalis nang napakabilis. Ang plano ay hindi nakatulong sa kanilang sitwasyon, sa halip ay nagbalikwas ito at pinagsama-sama ang galit ng mga tao laban sa Imperyal na Palasyo.

"Nalaman ko na ang aking pagkakamali! Ama, paki-salba niyo ako!" Si Mo Xuan Fei ay lumuhod sa harap ng Emperador, nanginginig sa takot.

"Isalba? Paano? Si Mo Qian Yuan, ang mababang uri na anak, ay sumunggab sa pagkakataon at pinangunahan ang Hukbong Rui Lin patungo sa Imperyal na Palasyo at malapit nang dumating sa mismong bulwagang ito. Ano ang maaari kong gawin? Akala ko'y ikaw ay may pambihirang talino, ngunit ipinakita mo na ikaw ay walang kwentang basura! Nagtiwala ka sa isang babae tulad ni Bai Yun Xian!? Isa siyang disipulo ng Angkang Qing Yun, kahit na ang Kaharian ng Qi ay masakmal, mayroon pa rin siyang Angkang Qing Yun sa likuran niya. Magkakaroon ng pag-aalinlangan ang Pamilyang Jun sa pagharap sa Angkang Qing Yun at iiwan si Bai Yun Xian. Pero paano naman tayo?" Ang Emperador ay humilig sa kanyang trono, hindi kailanman ganito baba.

Tapos na, tapos na lahat.

Maari sana nilang hintayin ang tamang pagkakataon at hintayin ang pagdating ng Angkang Qing Yun, at mabawi ang kanilang kalamangan. Ngunit masyadong inosente si Bai Yun Xian para isipin na kaya niyang talunin si Jun Wu Xie mag-isa. Anong biro!

"Saan si Bai Yun Xian?" Tanong ng Emperador nang may galit.

"Sa Palasyo ng Imperyal." Sabi ni Mo Xuan Fei, patuloy na nanginginig. Nalaman lang niya kung ano ang nangyayari sa labas ng mga pader nang dumating siya sa pangunahing bulwagan. Si Bai Yun Xian ay hindi pa rin alam na ang kanyang plano ay talagang nabigo.

"Dalhin mo siya dito. Siya ang nagpasimula ng kaguluhang ito, at dahil siya ay disipulo ng Angkang Qing Yun maaari niyang pigilan ang Hukbong Rui Lin na gumawa ng anumang padalos-dalos. Anuman ang mangyari, kailangan nating pahabain ito hanggang dumating ang Angkang Qing Yun."   Inutusan ng Emperador, habang pinapahid ang kanyang sentido. Ang mga bagay ay lumalabas na sa kontrol, maaaring may malakas na suporta si Bai Yun Xian, ngunit nagdulot din ito ng kanyang kayabangan. Kung inilabas niya ang balita sa kalapit na garrison at hindi sa Angkang Qing Yun , hindi sila nasa ganitong sitwasyon ngayon. Kung hindi siya nagplano ng napakasamang bagay, wala sanang dahilan ang Hukbong Rui Lin para pumasok sa Imperyal Palasyo!

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon