Capter 1 : Ex Fiancee

46 2 0
                                    

Kiara's Pov:

                   *5 years later*

Habang naglalakad ako pauwi ayy may napansin akong Isang lalaki na umiiyak at naka upo sa gilid ng tulay. Medyo familiar ito sakin diko lang alam kong saan ko siya nakita. nilapitan ko naman ito upang tanungin kong okay lang ba siya.

"Kuya okay kalang?" tanong ko sa kanya tumingin naman ito sa akin at muling binalik ang tingin sa ilog.

"At sino namang magiging okay kong yung fiancee mo iniwan ka ng walang paalam para lang sa Isang lalaki at ang mas masakit pa ay yung kahit ilang beses na kayong nag-usap at magkita ay dika niya maalala" sagot naman neto habang sumisinghot at mukang nakainom pa ito dahil amoy alak.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat " cheer up madami pa namang ibang babae jan makakahanap ka ng mas better kaysa sa kanya"

Tumingin naman ulit ito saakin at napabuntong hininga "Salamat pero hindi ko siya kayang bitawan mahal na mahal ko siya eh" Sabi naman neto sa akin.

"Alam kong mahal mo siya pero pano ka naman? wag mong sirain ang sarili mo nang dahil lang sa kanya"

Tumahimik naman ito "Ako nga pala si Mae" Sabi ko sabay lahad ng mga kamay ko sa kanya.

"Cad" sagot naman nito at nakipag kamay sa akin pagkatapos ay tumayo na ito at nagtungo sa kanyang sasakyan.

May sasakyan pala ito hindi ko manlang napansin. Hayss ano bayan mapapagalitan nanaman ako ni mama neto late nanaman kasi akong umuwi.

Maglalakad na sana ako pauwi ng magsalita si Cad" wanna ride? Mukang malayo pa lalakarin mo saka baka mapahamak kapa dito"

Kung sineswerte ka nga naman "Hala sure kabang okay lang sayo baka maabala kapa?"

Kunyare tanong ko at sino namang tatanggi sa layo ba naman ng subdivision namin dito saka ampogi niya eh.Teka anong pogi Mae maghunod dili ka. Di siya pogi okay bulong ko sa sarili ko.

"Yeah wala naman akong gagawin ngayon at saka pauwi narin naman ako" sagot naman nito.

Sumakay naman agad ako baka mag bago pa isip niya at wala akong masakyan pauwi mapapagalitan talaga ako kapag nangyari yun " Don lang ako sa may Alvarez Subdivision"

"Okay" Sabi naman neto akala ko ay aalis na kami pero ilang segundo ay di parin kami umaalis.

Tumingin ako dito at nakita kong nakatingin siya sa harapan ng sasakyan niya at pinapanood ang isang babae at lalaki.
bigla namang dumilim ang muka niya Ng halikan ng lalaki ang babae.

"Siya ba yung girlfriend mo?" Tanong ko napatingin naman ito sa akin.

"Ex" pagtatama naman Nito sa akin.
"Ah okay" so siya pala yun well in fairness maganda din naman kaya siguro hindi niya mapakawalan.

"I know what are you thinking woman and yes she's pretty" Hala papaano niya nabasa laman Ng utak ko.

Mind reader ba Siya "kung iniisip mong mind reader ako nagkakamali ka" Sabi naman neto habang tumatawa.

"Buckle your seatbelt now woman" agad ko naman itong ginawa.

Nang maka uwi ako ay bumungad na agad sa akin ang galit na galit na mukha ni mama.
"At saan ka nanaman nang galing Ikaw na bata ka!?" Sigaw nito sa akin sabay hila ng tenga ko.

"Aray ma ang sakit sorry na po may pinagawa lang po kasi yung prof namin ngayon nagrurush po kasi siya dahil mapapalitan na daw po siya simula bukas" paliwanag ko.

Tumaas naman ang isang kilay ni mama at parang sinisigurado kong totoo ba ang mga sinasabi ko. "siguraduhin mo lang natotoo yang mga pinagsasabi mo ha dahil kong hindi mailintikan ka talaga sakin" saka tumingin sa katabi ko ng ma realize na may kasama pala ako.

"At sino naman itong poging binata na kasama mo boyfriend mo ba?" Nakangiting Sabi ni mama kaso nawiwierduhan ako sa kanya dahil parang sabik siyang makita si Cad.

Ngayon lang kasi ngumingiti si mama sa mga taong sinasama ko dito sa bahay lalong lalo na ang mga manliligaw ko. Pero syempre iba si Cad diko naman siya manliligaw eh baka ako pa manligaw sa kanya sobrang pogi kasi eh charowt.

"Ah si Cad nga pal--" naputol Ang sasabihin ko ng biglang magsalita ulit si mama.

"Cad Alvarez Tama ba ako? Ang nag iisang taga pag mana ni Don. Luis"

Opo ako nga po" magalang at naka ngiting tugon naman ni Cad. Hala s**t Ang pogi niya pala kapag nakangiti.

Ano ba tong mga pinagiisip ko pero Teka papanong kilala siya ni mama "Teka ma papano mo siya nakilala?."tanong ko.

Pinitik naman ni mama Ang noo ko "at sino namang hindi makakakilala sakanya sa sobrang yaman at sikat ba naman niya at saka sila ang may ari ng subdivision na tinitirhan natin"

Omg papanong hindi ko siya nakilala "Ang ibig sa bihin ba non mama eh anak siya ng taong tumutulong sakin para makapag-aral ako?" Tanong ko

"Tama ka jan anak kaya dapat magpasalamat ka sa kanya tignan mo hinatid kapa dito"

"S-salamat" nauutal kong sabi dito.
"Pasensya kana dito sa anak ko Cad naabala kapa tuloy" nakangiting sabi ni mama.

" well it's okay naman po since dito din naman ang punta ko andito din kasi ang mga kaibigan ko"

"By the way I have to go, good night to the both of you,take care ma" nakangiting Sabi Nito habang nagpapaalam samin ni mama pero anong sabi niya ma? Hayys baka namali lang ako ng rinig.

"Ah s-sige bye good night,ingat ka din" pagkasabi ko non ay hinatid ko na Siya palabas ng pintuan.

Papunta na sana ako sa kwarto ko nang biglang magsalita si mama "anak"

"Ay put- ma bakit ba kayo nanggugulat" Sabi ko habang hinihilot ang sintido ko.

"Anak sigurado kabang Hindi mo boyfriend si Cad?" Tanong ni mama

"Ma papaano ko naman Po magiging boyfriend Yun eh kakagaling lang niyan sa break up" sagot ko naman

"So totoo palang wala na sila ni Christy" sabi ni mama

nakaramdam naman ako ng kirt sa aking puso Teka bakit ba ganito ang nararamdaman ko at sinong Christy ang sinasabi ni mama.

" Anong ibig mong sabihin at saka sino si Christy?" Tanong ko

"Siya lang naman Ang anak ni Mr. Ariel Regal at Ang dating kasintahan ni Cad" Ibig bang sabihin non ay Siya Yung babaeng Nakita Namin kanina na may kasamang lalaki.

"Oh Siya anak matulog kana may pasok kapa bukas" oo nga pala may pasok pa bukas Dahil Friday Ang galing nga Ng bago naming professor eh talagang sa Friday pa Siya papasok.

Di nalang ginawang Monday tsk. "Cge po ma good night Po" pumunta naman agad ako sa kwarto ko.

Kaagad naman akong nag shower pagkatapos ay pasalampak akong humiga sa kama ko.

Pilit Kong pinipikit Ang nga mata ko pero Hindi talaga ako makatulog Dahil bigla bigla nalang pumapasok si Cad sa isip ko.

MY HUSBAND IS A PROFESSOR Where stories live. Discover now