Chapter 3 : Mga Larawan sa panaginip

18 2 0
                                    

Kiara's : Pov

"Teka nga anong marry marry sinasabi mo jan saka di kita mahal at alam kong hindi mo din ako mahal" sigaw ko sa kanya.

"Kaya nga gusto kong ikaw ang magpanggap na asawa ko dahil alam kong hindi mo ako mahal eh after nito we an file a divorce paper naman" mahabang lintiyahan niya.

"Walang divorce dito sa pilipinas annulment lang" pairap kong sabi habang pinapakalma ang aking sarili.

"Yeah right, so payag kana ba?"tanong ulit nito.

"Pag-isipan ko muna saka hindi basta basta ang pagpapakasal na yan" well Tama naman ako kasi papaano kong magka anak kami argh bakit yun pa talaga naisip ko.

"Okay then I will wait your answer , pwede kanang umalis" wow ganon ganon lang yun di man lang siya magsosorry sa ginawa niya tsk.

Inirapan ko lang siya at padabog na sinara ang pintuan ng opisina niya.

Pagkalabas na pagka labas ko ay dining na dinig ko ang bulungan ng mga studyante dito sa hall.

"Anong ginagawa niya sa office ni sir cad?" Tanong ng isang studyante sa katabi niyang studyante.

"Baka pinagalitan lang ni sir nahuli ba naman na natutulog sa klase" sagot naman ng katabi nito.

"Baka nga pero bakit hindi sa main office niya ito dinala" - another student

"Kaya nga saka ang alam ko yung mama palang ni sir ang unang nakapasok sa office niya."-student.

"Trueness ka jan bess kahit nga si Ms. Christy di nakakapasok jan eh tap-" natigil lang sila sa pagbubulungan ng sumigaw ako.

"Dpa ba kayo titigil kakachismis niyo jan ha" inis na sigaw ko sa kanila kaagad naman silang tumahimik.

Magbubulungan na nga lang yung dining pa tss. Hala late nako sa klase ko ano bayan.
Dali dali naman akong tumakbo papunta sa classroom namin at tama nga ako late na ako dahil nililigpit na ni ma'am ang mga gamit niya.

Lumapit naman ako dito at hihingi sana ako ng sorry pero naunahan niya akong magsalita
"Oh ikaw pala Ms. Delos Santos tapos naba kayong mag-usap ni sir Cad?" Naka ngiting tanong Nito.

Himala hindi siya galit ngayon samantalang dati kapag late ako galit na galit siya.
"Ah ma'am dipo kayo galit na late ako?"

Ngumiti naman ito at sumagot "at bakit naman ako magagalit eh nagpaalam sakin si sir Cad nakakausapin ka niya" sagot nito.

"So I guess tapos na kayo mag-usap ni sir Cad".

"Ah opo ma'am"sagot ko naman.

"Oh siya mauna na ako ingat sa pag-uwi Ms. Delos Santos" dipa ako nakakasagot ay umalis na agad ito.

Since si Mrs. Cruz ang last subject ko ayy naisipan kong umuwi nalang kaysa gumala dahil medyo pagabi narin baka wala nanaman akong masakyan na jeep.

Palabas na sana ako ng gate ng may humintong sasakyan sa harapan ko. Teka sasakyan ni sir Cad to ah

"Sabay kana sakin since iisa lang naman location ng pupuntahan natin" malamig na sabi nito.

"Wag na may jeep pa naman siguro jan" pagtanggi ko at bakit naman sana ako sasakay jan sa sasakyan mo eh inis parin ako sayo.

"Naiinis ka parin ba dahil sa nangyari?" Mind reader talaga to ah alam lahat Ng naiisip ko.

"Pano kong sabihin kong oo may magagawa kaba?" Pahirap na tanong ko.

"Sino ba kasing may sabi na amtulog ka sa klase? Kung yung ibang teacher hinayaan ka pwes ibahin mo ako" maldito talaga tong hayop nato.

"Aba lumayas ka na nga lang nakakairita ka!" Bwessit talagang dinagdagan mo pa inis ko sayo.

"Fine bahala ka jan pero sure ako galit na galit ngayon ang mama mo gabi na oh" Teka oo nga noh ang bilis naman ng oras diko manlang napansin na gabi na.

Aalis na sana ang sasakyan ng magsalita ako "fine Sige na sasabay na ako sayo" tss kung hindi lang talaga madilim ang daan papunta sa sakayan ng jeep edi sana diko na kailangang sumakay sayo tse.

Sa totoo lang hindi ko alam kong bakit takot na takot ako sa dilim eh pano ba naman sa tuwing madilim ayy may mga larawan na biglang lumilitaw sa aking isipan tapos hindi ko naman makita ang mga mukha ng mga tao na nasa larawan ang mas malala pa ay palipat lipat ng lugar yung mga taong yun.

Nong nakaraang buwan nga ay dinala ulit ako sa hospital dahil nawalan ako ng malay, wala naman daw nakikitang problema ang mga doktor normal naman daw baka pagod lang daw ako tas marami pa siyang sinabi nakalimutan ko na yung iba.

Kaya naman ay hindi ko nalang sinasabi kay mama ang tungkol sa mga napapanaginipan at nakikita ko kasi nga normal naman daw ako sabi ni doc, ayuko din namang mag-alala siya.

"Hey are you okay?" Bigla akong napabalik sa aking ulirat Ng magsalita si Cad.

"Ah oo" hayss bat ba kasi kung ano ano nanaman iniisip ko. Hindi nagtagal ay makarating na kami sa subdivision.

"Salamat sa paghatid" aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Pag-isipan mong mabuti ang tungkol sa kasal" hayys. "Hmm cge mauna na ako babye" Hindi pa siya nakakasagot ay pumasok na ako sa loob ng subdivision namin.

"Ma andito na Po ako" sigaw ko. "Oh anak hinatid kaba ng fiance mo?" Fiance pinagsasabi ni mama.

"Anong fiance pinagsasabi mo ma" natatawang sagot ko.

"Sus sino paba edi si Cad" Teka papano niya nalaman saka bat ang bilis naman kumalat ng chismis ngayon.

"Teka papaano niyo po nalaman?" nagtatakang tanong ko.

"So totoo nga?" Nang-aasar na tanong neto.
"Ah eh ma pano Kong sabihin kong oo magagalit Po ba kayo?" Tanong ko.

Ngumiti naman ito sa akin "syempre Hindi at bakit naman sana ako magagalit sayo saka matagal ko nang hinihintay na maikasal kayo" nakangiting sagot ni mama.

Matagal? Teka anong matagal na niyang hinihintay an maikasal kami ni Cad" Teka ma ano po bang ibig niyong sabihin?" Takang tanong ko.

Bigla namang napahinto si mama sa pagluluto nasa kusina kasi siya at nagluluto ng ulam habang ako naman nakahiga dito sa sofa namin.

"Ah eh diba syempre sikat at mayaman si Cad tapos mababait na bata kaya naman ay pangarap kong magkaroon ng manugang na kagaya niya"

"Ah ganon po ba" pero di talaga mawala sa isip ko yung sinabi ni mama. Ano kayang ibig sabihin ni mama don. Hayss Ayan nanaman pagiging curious at overthinker ko.

Mayamaya pa ay natapos ng magluto si mama kaya naman ay kumain na kami. Ako narin ang nagbuluntaryo na mag hugas ng pinggan saka alam kong pagod si mama ngayon.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ayy umakyat na ako sa aking kwarto para matulog.

MY HUSBAND IS A PROFESSOR Where stories live. Discover now