Kiara Pov:
So after ng mahabang byahe we're here na sa bahay nila Cad diko maiwasang mamangha ang laki kasi tapos may fountain sa gitna.
Tapos yung kulay ng bahay ang ganda di nato mansion eh parang palasyo na to eh.
"Let's go mamaya kana mamangha jan pasok muna tayo" wah nakakahiya baka isipin niya ngayon lang ako nakakita ng mansion.
Well may mansion din naman sila ryle kaso di ganto kalaki doble doble pa ang laki nito don eh.
Sumunod naman ako kay Cad mahirap na baka maligaw ako. Grabe talaga napakalaki kung malaki tignan sa labas mas malaki naman sa loob jusq baka kapag ako tumira dito maliligaw ako.
"Sir Cad nandito na po pala kayo" bati ng isang matanda I think it's their maid kasi nakasuot siya ng mga sinusuot ng maid eh. Ng bumaling naman ito ng tingin sakin ay parang nagulat ito at agad akong binati.
"Hello po ma'am kiara" teka kilala niya ako?
"Oum.. kilala niyo po ako? ngayon lang naman po ako nagpunta dito eh" nakita ko namang mas nagulat ito
"Ah kasi ma'am, syempre napabalita po kaya na fiancé niyo si sir Cad sa katunayan nga lahat ng mga tao dito sa mansion alam at kilala kayo eh" ano!? Ibig sabihin pati yung tatay ni Cad alam din tungkol dito. Wah nakakahiya.
Tumingin naman ako kay Cad at nakita ko ang pag ngisi ng loko so for real nga talaga hala shocks naman paano nato. Paano ko sasabihing ayaw ko siyang pakasalan baka ako pa mapasama. Pero syempre pakasalan ko naman talaga siya napag-isipan ko nayun noong isang gabi pa.
Pero syempre aucco muna sabihin na pumapayag nako kialangan niya din mag effort noh di nanga niya ako nililigawan para maging fiancé niya eh.
Kaya aantayin ko munang manligaw siya sakin bago ako magpakasal sa kanya para at least diba or kahit di niya ako ligawan basta malaman ko lang na mahal niya talaga ako at sincere siya na pakasalan ako. Tumingin nqman ako sa kanya ng magsalita ito.
"Where's dad" tanong ni Cad sa maid kaya napabalik ako sa reyalidad. Saka ko nalang siguro iisipin ang tungkol don hays.
"Ah sir inaantay napo kayo sa may dining area" tumango naman si Cad.
At heto nanaman yung kaba ko abot langit hays "nanlalamig mga kamay mo ah, dont be nervous" bulong naman ni Cad habang naka ngisi.
Pumunta na kami sa dining area at kagaya nga ng sabi ng maid andon si Don. Luis well hindi naman ito ang unang beses na nagkita kami kasi may isang beses na na angga ko siya sa mall.
Well it accident naman kaso nakakahiya. "Oh Cad, iha nandito na pala kayo" ngumiti naman ako dito.
Lumapit ito sa amin akala ko ang yayakapin niya si Cad pero nagulat ako ng ako ang niyakap niya at parang naiiyak pa.
"Long time no see iha,masaya akong nayakap ulit kita" eh? alam ko namang hindi ito unang beses naming pagkikita pero bakit parang antagal niyang hinintay to saka 'nayakap ulit'
"Ako rin po" nakangiti kong sabi nalang dito.
"Dad, tama na yan kumain muna tayo, di naman halatang na miss mo siya kaysa sakin tsk." Hala nagtatampo ba siya.
Binatukan naman ito ng tatay niya "sige kumain na tayo baka nagugutom kana iha" kaagad naman akong sumunod.
Pinaghila naman ako ni Cad ng upuan saka umupo sa tabi ko. Si Don luis naman ay naka upo sa tapat namin.
Wala pang nakahaing pagkain kaya tinawag niya ang mga maid. At isa-isa namang nilabas ng mga maid ang mga pagkain hala andami tapos halos lahat mga paborito ko pang pagkain.
"Ang dami naman nito Cad" bulong ko dito.
"It's all for you" ano raw sakin? Ano tingin sakin ng damuhong to baboy
"Diko kayang ubusin yan" bulong ko ulit dito.
"Kainin mo lang kung ano gusto mo".
Ay akal ko talaga sakin lahat to paano ko to uubusin kapag, pangsampang tao na yata to eh."Mamaya na kayo magbulungan jan kain na tayo" si Don. Luis habang tumatawa
Bigala naman akong nahiya ewan ko baka kulay kamatis nako dahil sa pula.
"You're blushing iha and you to iho your ears are red" nang-aasar na sabi ni Cad. Kaya naman ay napatingin ako kay Cad at totoo nga nag namumula tenga niya.
Tumikhim naman si Cad at nagsalita "let's eat na I'm hungry already"
Kumain naman kami at si Cad ang naglagay ng kanin at ulam ko. Pasimple naman kaming inaasar ni Don. Luis
Akala ko talaga masungit siya, diba sa tv kasi masusungit yung mga tatay at nanay ng lalaki lalo na kung mayaman. Pero si Don. Luis iba siya sa kanila.
And I feel something na hindi ko maintindihan ganon din kay Cad. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa nabubuo yung parte saakin na parang may kulang. And it's like everything is so familiar lahat ng nangyayare sakin parang nauulit lang.
Ng natapos kaming kumain ay nagpaalam na si Don. Luis na matutulog "matutulog nako alam niyo naman kapag matanda na di dapat magpuyat bukas nalang tayo mag kwentuhan tutal dito ka naman matutulog iha" ngiti nito.
"Ah sige po Don. Luis"
"Wag mo na akong tawaging Don. Luis, Papa or Dad nalang since magiging asawa mo naman si Cad" napaawang naman ang bibig ko sa sinabi nito."Okay oo do- Dad" sabay naman kaming tumawa kaso itong isa parang di natutuwa.
"Tsk matulog kana lang tanda" tanda aba walang galang sa mas nakakatanda sa kanya ah
Binatukan ko naman ito "aba tatay mo yan bakit mo tinatawag na 'tanda'? Wala kang galang" Taas kilay kong sabi dito.
"Iha okay lang yun, saka bata palang yan tanda na talaga ang tawag sakin" ay eh? Nakakahiya.
"Hehe sorry" sabi ko dito sabay peace sign. "Tsk kanina si dad bumatok sakin ngayon naman ikaw" sabi naman nito habang hinihimas yung batok niya.
"Oh siya sige na aakyat na ako sa kwarto ko"
"Sige po good night" bumaling naman ako kay Cad na hinihimas parin ang batok niya.
"Saan pala ako matutulog?" Since sabi niya kasi bukas pako uuwi so for sure dito ako patulugin di sa nag aassume ako na dito matulog ah.
"Follow me" sabi nito at tumayo.
Sinundan ko naman ito umakyat kami papunta sa pangalawang palapag ng bahay.Andaming kwarto grabe iniisip ko kung lahat ba ng kwarto dito may nag mamay-ari. Habang naglalakad kami ay may napansin ako. Kaya naman ay napahinto ako may isang batang babae at dalawang lalaki na nasa isang picture frame.
Lalapitan ko sana ito ng magsalita si Cad "hey ano bang tinitignan mo jan sumunod kana sakin" sinunod ko nalang ito at ipinagsawalang bahala yung litrato.
YOU ARE READING
MY HUSBAND IS A PROFESSOR
RomanceSi kaira ay isang ulila na ngunit inampon siya ng isang mayamang ceo at naging step sister ng isang poging lalaki ngunit sa kasamaang palad ay nawalan siya ng ala ala pagka tapos nabunggo may pagkakataon pa kaya siyang maka alala?