Kiara Pov:
Nang makarating kami sa isang malaking pintuan ay binuksan niya agad ito "you are going to sleep here".
"Ah cge thank you" pasasalamat ko dito at pumasok na sa loob ng kwarto.
Kaso nagulat ako nang bigla nalang itong humiga sa kama."Teka akala ko ba ako ang matutulog dito?"
"Oo nga dito ka nga matutulog" Nakangising sagot nito.
"Kung ganon naman pala bakit ka nakahiga jan sa kama"taas kilay kung sabi, diba parang ako yung may ari nitong kwarto.
"Kasi dito rin ako matutulog sa kama nato and first of all this is my room"
"What no way di ako papayag na makatabi ka sa iisang kama, saka madami naman kayong kwarto ah"
"Yes we have a lot of rooms, but all of our maids already occupied it " napaawang naman ang bunganga ko. Ibig sabihin di lang iisa ang maid nila dito?
Well sabagay sa laki ba naman ng bahay nato pero di talaga ako naniniwala dito sa mokong nato eh
"Kung ganon doon nalang ako sa sofa"
Kaagad naman itong napabangon."No! You are not going to sleep there saka malamig wala kapang kumot"
"Pwe-"
"If I said no! No!" Bigla naman akong kinilabutan dahil sa pagtaas ng boses nito. Naiiyak ako softhearted kasi ako kahit masigawan lang ako naiiyak na agad ako.
"S-sorry hindi ko sinasadya" pag aalo nito sakin at niyakap ako.
"Gusto ko lang naman matulog sa sofa pero nagagalit ka agad" hikbi ko habang kayakap siya.
"Shh I'm sorry, gusto ko lang naman makatabi ka matulog" pag amin nito.
"Di tayo mag-asawa kaya di dapat tayo matutulog namagkatabi paano nalang kung may makakita sa atin ano nalang ang iisipin nila." Mahabang lintyahan ko.
"So what saka magiging mag asawa naman tayo soon kapag pumayag ka na pakasalan ako" bigla naman akong pinamulaan dahil sa sinabi nito.
Tinulak ko naman ito kaya medyo magkalayo na ang mga katawan namin "sige papayag na ako"
"Papayag kanang pakasalan ako?" Masayang tugon nito
"Papayag na akong makatabi ka sa iisang kama pero.." nakita ko naman na medyo nadismaya siya sa sinabi ko pero makikita mo naman masaya siya dahil siguro makakatabi niya ako.
Di sa nag-aasume ako ah pero feeling ko talaga may gusto siya sakin. Choss dipanga siya nakaka move on sa ex niya eh.
"Pero?" Panggagaya nito sa sinabi ko
"Dapat may unan sa gitna dipa naman tayo kasal eh" nakita ko namang ngumisi ito kaya napa kunot ang noo ko at binato siya ng unan
"What?" Natatawang tanong nito
"Anong what ka dyan saka bakit kaba naka ngisi para ka tuloy tanga"
"Well ngumisi lang naman ako kasi may balak ka palang pakasalan ako". Wala naman akong sinasabi ah
"Lol wala akong sinasabi na gusto kitang pakasalan"
"You just said earlier 'hindi PA naman tayo kasal' " talagang diniinan pa talaga niya yung word na 'pa', ngayon ko lang na realize kung ano ang sinabi ko ang t@ng@ talaga ng bibig ko minsan.
Inirapan ko nalang ito at pumunta sa cr para mag shower ng makapasok ako sa cr niya ay namangha ulit ako dahil halos kasing laki nito ang kwarto ko.
Ilang minuto muna akong nagbabad sa bathtub bago ko naisipang magbalnaw.
Pagkatapos kong magbalnaw ay naalala kong wala pala akong dalang mga damit ko kasi nga ang akala ko sa bahay parin ang uwi ko pero yung bwèsít na si Cad kasi tss.
Naalarma naman ako buti nalang may bathrobe dito sa cr kaya yun na muna ang sinuot ko. Kaso papaano naman ako lalabas dito anong isusuot ko kapag matutulog nako sh!t naman.
Dahan dahan akong lumabas ng bathroom suot suot ang bathrobe ni Cad. Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay dahil baka magising ito kaso napatili nalang ako ng may marinig akong nagsalita
"Fvck woman bakit naka suot kalang ng bathrobe fvck are you trying to tease me?" Nahihirapang saad nito at para bang naiinitan eh ang lakas lakas naman ng aircon saka kita ang mga ugat sa leeg at kamay niya ack!!
"Ha? Ano bang pinagsasabi mo saka kaya lang naman ako nakasuot ng ganito dahil wala akong damit na dinala nung pumunta tayo dito, kasalanan mo din naman dimo agad sinabi sakin na matutulog pala ako dito sa bahay niyo" pairap kong sabi.
Kaagad naman itong tumayo at naglakad papunta sa may closet niya
"Here just wear my t-shirt" pagkaabot niya nito ay kinuha ko agad at tumakbo papunta sa banyo.Wah nakakahiya nakita niya akong naka bathrobe lang kaso ang weird ng reaction niya dibale nanga magbibihis na ako.
Nang maisuot ko ang damit niya ay tinignan ko ito sa salamin bakit nagmumuka itong dress sadya bang maliit ako or sadyang malaking tao lang talaga siya.
Naalarma nanaman ako nang maalala ko na wala rin pala akong pānty at brā paano nato. Kaagad naman akong tumingin dito sa llob ng banyo kung may gamit ba akong maaring maging pābty kahit pānty lang wag na brā.
Napatingin naman ako sa sabitan ng mga damit at nakakita ako ng shorts kaagad ko namang kinuha ito pero bakit may malaking ano sa gitna para saan ba to hindi naman ganito ang shorts diba, bahala na okay nato kaysa walang maisuot.
Nang maisuot ko na ito ay nahuhulog kaya kinuha ko nalang ang tali ng buhok ko at ginawang lantali sa shorts na suot ko kung shorts man ito.
Lumabas naman agad ako dito sa banyo dahil baka magtaka ito kung bakit ang tagal ko sa banyo.
Hinanap ko ito ngunit wala siya sa kama kaya naman ay pumunta ako sa may library, diba ang angas ng kwarto niya may library pa.
Pagpasok ko sa library ay hindi nga ako nagkamali nandito nga siya at parang busy sa ginagawa niya abala kasi ito sa kanyang laptop "my t-shirt suits you" saad nito hang nakatingin parin sa kanyang laptop.
"Anong suits me eh mukha nangang dress kasi ang laki" nakabusangot kong sabi
He just chuckled, dāmn pati ba naman pagtawa niya ang pogi parin.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Nothing its just about work" saad nito.
"Oh okay matutulog na pala ako" saad ko dito habang humihikab.
"Okay mauna kana susunod nalang ako after nito"
"Cge good night" saad ko at bumalik na sa kama inaantok na kasi talaga ako eh.
Ng makabalik na ako sa kama ay humiga agad ako at mabilis na nakatulog.
YOU ARE READING
MY HUSBAND IS A PROFESSOR
RomanceSi kaira ay isang ulila na ngunit inampon siya ng isang mayamang ceo at naging step sister ng isang poging lalaki ngunit sa kasamaang palad ay nawalan siya ng ala ala pagka tapos nabunggo may pagkakataon pa kaya siyang maka alala?