Kiara Pov:
Since naka palit naman na ako ng damit ay yung sling bag ko nalang ang kinuha ko.
"Tara na" sabi ko sabay hila ko dito baka mamaya magbago pa isip hehe.
"Mukang excited ka ah kanina lang ayaw mo" natatawa g sabi nito.
"Hehe libre nato eh, saka nagugutom narin ako kaya bilisan mo na maglakad jan" hindi namn ito umimik at sumunod na lamang.
Nang makarating kami sa sasakyan nito ay pinagbuksan ako nito ng pintuan naks gentelman yarn.
Pumunta naman ito sa driver seat at nagsimula nang mag drive.
Ilang sandili pa ay walang umiimik samin kaya naman ay dina ako nakatiis at nagsalita nako syempre di ako sanay na tahimik lang noh
"San ba tayo kakain?" Basag ko sa katahimikan.
"We will go to my restaurant" sagot naman nito.
"May restaurant ka? Grabe akala ko professor kalang owner ka rin pala ng restaurant"
"Well yes and I also own some companies, hotels, malls and bars all over the world" wow diko talaga inakalang ganon siya kayaman.
Well halata naman sa kanya na mayaman siya pero diko inaasahan na ganon kadami ang business niya.
"Ibag sabihin niyan Ceo ka?"
"Yeah" ang cool naman professor na nga siya Ceo pa. Di talaga ako makapaniwalang Ceo tong kasama ko.
"Andito na tayo" ay oo nga noh hays sa sobrang daldal ko diko na napansing nandito na kami.
Pinagbuksan naman ako ulit nito ng pintuan.
Nang makapasok kami sa loob ng restaurant ay mas lalo akong namangha grabe sobrang ganda.
"Good afternoon po Mrs. Alvarez " bati ng mga waiter. Kaso kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nila anong mrs. Alvarez pinagsasabi nila.
Magsasalita pa sana ako pero hinila ako ng damuhong to kahit kailan talaga ang hilig niya akong sapawan ay diko tuloy masabi ang gusto ko.
Nakasimangot naman akong sumunod dito. Nang makarating kami sa table namin ay pinaghila niya ako ng upuan.
"Hey woman can you stop pouting"
"At ano namang masama sa pagsimangot?" Taas kilay kong sabi dito.
"Can you just stop andaming lalaki ang nakatingin sayo fvck," lumingon naman ako marami nga pero mas marami ang nakatingin na babae sa kanya kaya naman ay nairita ako
"Excuse me ikaw kaya tinitignan nila tignan mo nga mga babaeng yun oh halos malaglag na panty dahil sa kilig tsk"
Di nalamang ito umimik pero nakita ko ang pag ngisi nito kaya naman ay mas lalo akong nainis dito.
Maya maya pa ay dumating narin sa wakas yung mga inorder naming pagkain.
Grabe titig palang mukang masarap na
Kaya naman ay nagsimula na agad akong kumain.Habang kumakain ako ay napansin ko si Cad na pinapanood lang ako.
"Dika mabubusog kakatitig sakin, kaya kumain kana dyan" asar ko naman dito kaya napatikhim ito at nag umpisa naring kumain.Nang matapos kaming kumain ay umalis na agad kami sa restaurant dahil may pupuntahan pa daw kasi kami eh.
"Grabe ang sarap ng mga pagkain sa restaurant mo" puri ko dito
"We can always eat there if you want"sabi nito habang nag dadrive. Oo nga pala nasa sasakyan nanaman kami diko lang alam kung saan kami pupunta.
"Talaga?" Kung palagi kaming kakain don baka tumaba ako ang sasarap ba naman ng mga pagkain.
"Yes,but.." ay hala bakit may 'but'?
"But" pag uulit ko naman sa sinabi nito
"You should marry me first" pagkasabi non ay tumingin muna ito sa akin saglit at ngumisi."Ay wag na pala kahit sa bahay nalang ako kumain masarap din naman magluto si mama"
"We're here" teka ito yung sikat na mall ah
"Anong ginagawa natin dito?"
"We will buy some clothes here"
"Para kanino?"
"For you"
"Ayoko"
Kaagad namang kumunot ang noo nito.
"And why?" Taas kila nitong sagot.
"wala akong pera hehe""Who said that you are going to pay, I own this mall kaya tara na" weh!?
Nang makapasok kami sa mall ay may nag assist naman kaagad sa aming mga staff kaso naiirita ako sa mga staff nilang babae kulang nalang ay lumabas yung mga bóóbs nila sa bra nila.
"Hey stop glaring at them, kung nakakamatay lang ang tingin patay na sila eh" bulong naman ni Cad habang natatawa.
Kaya naman ay tinignan ko ito ng masama "sinong di maiinis eh halos lumabas na yung bóóbs nila sa bra nila"
Don ay mas lalo siyang natawa magsasalita pa sana ito nang dumating yung isa sa mga staff nila dala dala yung damit na isusukat ko.
Kinuha ko naman ito at padabog na pumunta sa may fitting room.
"Don't worry wife di nila ako maagaw sayo" sigaw naman nito.
"Wife mo muka mo wala akong asawa ulol" balik kong sigaw dito.
Aaminin ko kinikilig ako sa sinabi nito per nakakainis talaga eh, pero teka bakit ba ako naiinis diko naman bf or asawa si Cad ah. Imbes na mag-isip nanaman ako nang kung ano ano ay sinubukan ko nalang sukatin yung damit na binigay ng staff sa akin.
Naka ilang sukat pako bago, umoo tong damuhong Cad nato. Yung iba daw kasi masyadong maiksi tapos kita padaw legs at cleavage ko. Yung iba naman maganda daw kaso muka daw akong binalot sa lumpia at muka daw akong madre.
Apaka arte kung siya kaya magsukat nitong mga damit. Buti nalang yung isang dress na sinukat ko nagustuhan niya
"Hay sa wakas natapos rin" binayaran naman kaagad ni Cad yung dress."May pupuntahan paba tayo after nito?". Tanong ko naman dito habang papunta kami sa parking lot siya na ang nagbitbit sa mga damit na binili namin.
"Yes, we will eat dinner" teka dinner? Gabi naba? Hala diko manlang napansin na gabi na pala dipa ako nakakatawag kay mama.
"Teka muna Cad tatawagan ko lang si mama baka hinahanap nako non, saka baka akala niya sabay kaming kakain ngayon."
"I already told her that I will barrow you for today and also tomorrow" aba barrow ano ako gamit na pwedeng hiramin lang. Saka anong tomorrow pinagsasabi nito.
Di nalang ako umimik hanggang sa makarating na kami sa parking lot nilagay naman niya yung mga pinamili namin sa backseat tutal wala naman daw nakaupo roon. Ang sabi niya ay magdidinner daw kami sa bahay nila kaya heto kabadong kabado ang ante niyo.
Pero ang sabi naman nitong katabi ko wag daw akong kabahan saka mabait naman daw yung tatay niya. Kaya naman ay medyo nawala yung kaba ko medyo na eexcite din naman ako kasi finally makikita ko na yung pinaka sikat na dating Ceo sa buong mundo.
Which is yung tatay ni Cad sana lang talaga magustuhan ako ng tatay ni Cad. Ewan ko ba bakit feeling ko kailangan kong magpa impress sa tatay ni Cad kahit di naman dapat.

YOU ARE READING
MY HUSBAND IS A PROFESSOR
RomanceSi kaira ay isang ulila na ngunit inampon siya ng isang mayamang ceo at naging step sister ng isang poging lalaki ngunit sa kasamaang palad ay nawalan siya ng ala ala pagka tapos nabunggo may pagkakataon pa kaya siyang maka alala?