Chapter 5: Caught in the Act (Part2)

4 0 0
                                    

"Wow! Ako pa talaga ngayon? Eh gago ka rin pala noh?", pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Nakakahiya na Nica. Tumigil ka nga. Lakas ng boses mo. Pinagtitinginan na tayo", sabay hablot ng braso ko sana para dalhin ako sa labas ng store. Pero sadyang lumabas na talaga lahat ng galit ko sa katawan.

"Get off of me. Nahihiya ka ngayon? Inisip mo nman sana yan Boyet na ganito ang mangyayari. Tapos ngayon mahihiya ka? Saan ka nahihiya? Sa mga taong yan? Aba, bilib na ako sa kakapalan ng mukha mo kung hindi ka nahihiya sa kanila. Biruin mo? Anak ng kilalang politiko, two timer?", kulang na lng talaga may lumabas na usok sa ilong at tenga ko. Di na tlaga ako nkapag pigil pa.

"Shut up!"

Natigilan ako sa ginawa niya. Sa isip ko baka nga sobra na nagawa kong pagpapahiya sa kanya. Pero hindi eh, nilamon na ang utak ko ng galit. Ginawa niya akong tanga. Kulang pa ang ginawa ko sa ginawa niya.

"Ang loser mo girl. Ayaw na nga nang tao sayo, pinagpipilitan mo pa sarili. Bakit di mo na lng kasi tanggapin na matagal na kayong tapos ng boyfriend ko" that was Liz.

"Oh, at ikaw? Shut up. Sana din man lng, bago ka pumatol sa lalaking to, inalam mo rin sana kung may girlfriend sya. Well, what would i expect.? Ganyan nman talaga malalanding babae, pinapatulan kahit sino"

Sasagot pa sana si Liz ng bigla ko syang dilatan ng mga mata ko. "You better keep your mouth shut"

Si Mae nman na pumunta agad sa amin.. "Sis, hali ka na. Wag mo na patulan ang mga taong ganyan. Just a waste of time. Tara na."

"Di pa ako tapos Mae." at nilingon ko si Boyet. "Tandaan mo to, dont you dare come back to me pag nagsawa ka na sa mga babae mo dahil di ka pa nakakatuntong ng bahay ko, ipapalapa na kita sa mga aso sa kalye"

Tumalikod na ako sa kanila and hinila ang kaibigan ko palabas ng Bookstore. That was shameful pero d mo na maiisip yun kng ikaw nasa sitwasyon ko. Hinatid na lng muna ako ni Mae sa bahay ko para mkapagpahinga ako saka sya umuwi sa kanila.

Naiwan ako sa kwarto ko. Nakatingin sa salamin habang pinagmamasdan ko ang babaeng sobrang nagpakatanga sa lalaki. Magdamag na nman akong umiyak at hanggang mapagod at nkatulog.

Sino Ang Para Sa'kin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon