Chapter 43: The Makeover

37 5 0
                                    

Chapter 43

Nadine's Pov

"Whoa!! Nadine?? Ui girl asan na si Nadine? Hala!" sigaw ni Nikki habang kunyari hinahanap ako.

Grabeee.. Kaya pala nila ko sinama sa mall kasi i-m-make over nila ako! Nandito kami ngayon sa beauty salon. Kung saan nila ko pinagupit, tas pina-make up. What was this for?

"Tumigil nga kayo jan. Kayo nagdala dala sakin dito tas ngayon..."

"Haha joke lang naman Nad."

"Pero seryoso Nad ang ganda mo talaga.."

Tinignan ko ung sarili ko sa salamin once again. Am I really on that mirror? Or artista? Hahaha. Grabe kasing make-over ginawa sakin eh. Yung dating straight kong buhok, pinakulot, tas medyo binawasan lang ng konti. Tapos may make up pa ko ngayon. Heck! Ngayon lang ako nagmake up! Hahaha. Ganito ba ko kaganda all this time? Ang yabang ko na :P Medyo lumalaki na agad ulo jk.

"Ui, wala kong pambayad. Di naman ako nakapagdala ng madaming money eh. Kayo kasi eh, sabi niyo lang samahan ko kayo.."

"Haha, ano ka ba. Kami nagadala sayo dito, kami nagpilit sayo dito kaya libre ka na girl! Wag ka na mag-alala." sabi ni Nikki. Haaay buti naman. Kala ko eh.

"Tara na, di pa tayo tapos hahaha." sabi ni Tiffanny habang inaaya na kami palabas ng salon. Nakuuu! Saan naman kaya kami pupunta ngayon? Ayoko naaa! Ok na tong make over na to. Kung tutuusin ayoko nga eh. I just wanted to be myself lang naman eh. Hay nako talaga tong dalawang to oh!

"Huh? T-teka.. Bakit dito? Ui.. Waaag please... ayoko nyan.." pumunta lang naman kami sa eye optical. Ipapatanggal na nila yung salamin ko, tas ipagcocontact lens daw ako.

Waaaahhhh! Mommy!! Ayoko poooo! Maawa kayo sakin! Masakit yaaan!

"Nadine, sige na please, ngayon lang? Di naman masakit yan eh."

"Oo nga Nadine, kami din naman magpapalagay na din ng contact lenses eh. Please? Para pare-parehas tayo. Tska sige ka, di mo makukuha yung blueberry cheesecake mo.." aww ayan na nga sinasabi ko. Blueberry cheesecake koo! Alam na alam talaga nila ung weakness ko eh noh? Bwisit! Mukhang no choice ako kung hindi magpalagay ng contacts..

"Waaaaaaaaaahhhh!!!"

***

Natapos din lahat ng kalbaryo ko kanina. Nagpagupit, nagpalagay ng make up, nagpalagay ng contacts, bumili ng sangkatutak na damit, at ngayon naman...

"Hi babe. You look gorgeous.. as always.." ayan nga. Si Keeno. Bwisit. Sabwatan pala silang tatlo! Inutusan pala ni Keeno si Nikki and Tiffanny na gawin yun sakin kasi may date DAW kami ni Keeno ngayon. Aba! Di pa nga niya ko tinatanong kung pwede ba ko i-date eh! Hmp!

"I look annoying. Keeno.. bakit dito pa tayo?" nandito kasi kami sa isang palatial restaurant. After daw nito, mamamasyal na lang kami. Bakit niya ba ginagawa to sakin? Oh I forgot. Nangliligaw nga pala siya.

Parang tuloy nagbabalik yung feelings ko for him... Aish!!

"Who told you that? Alam mo bang ikaw ang pinaka-magandang babae dito?" tas tinuro niya yung puso niya.

"Jan lang. Eh sa mata ng ibang tao, ang panget panget ko. Aish! I am not comfortable with people staring at me!"

"Hahaha.. di ka nila tinitignan dahil napapangitan sila sayo Nad. In fact, nagagandahan sila sayo.. Which is nakakainis, kasi pinagtitinginan ka ng ibang lalaki. Nakakaasar. Gusto ko ako lang tumitingin sayo." Ehh? Selfish freak? Ano yun?

Ganon ba yun? Kaya ba sila nakatingin sakin kasi nagagandahan sila sakin? Eh ayoko nga ng may nakatitig sakin eh! Aaaahhh! Whyyy?!

Dumating na yung order namin ni Keeno tas nagsimula na kaming kumain. Magkaharap kami kaya  tuwing susubo siya ng pagkain, kitang kita ko. So that means, ako din >.< Nakaka-ilang naman to!

Nahuli ako ni Keeno nakatingin sakanya, tas yumuko na lang ako.

"Baby." tumingin naman ako sa kanya.

"Say 'Ahh'" Whaaat? susubuan niya ko? In Public? OMG. Nakakahiya talaga! We are acting like a couple though we are not even one! Grabe! Ang bossy talaga nitong lalaking to eh noh.

"Ahhh.." Ako naman tong si uto-uto, sumunod. Haha. Teka, yung kutsara niya yung ginamit niya pang-subo sakin!! Indirect kiss dude!! Omegerd!!

"Babe what is it? Di mo ba nagustuhan yung lasa?" tanong sakin ni Keeno kasi sigurado ako hindi ma-ipinta yung pagmumukha ko after niya kong subuan. Eh pano ba naman kasi! Indirect kiss! Though ilang beses na kami nagkiss, PERO, hindi naman yung parang 'intense' Eh, ayun nga nasubo ko ung kutsara niya, eh sinubuan niya na din yun, may laway na din siya duuun!!

"Ha? Hindi. I mean oo. Argh! I mean oo nagustuhan ko ung lasa.." Naiilang kong sabi.

Kumain na lang ako ng kumain para matapos na..

Nararamdaman kong medyo may Vanilla Milk Shake pa sa gilid ng labi ko, pupunasan ko na sana pero biglang hinawakan ni Keeno ung kamay ko na dapat ipangpapahid ko sa labi ko tas bigla siyang lumapit sakin and.. you can predict the next scene.

Oo!! Tinanggal niya yung natirang Vanilla sa gilid ng labi ko using his lips! Grabeee na to talaga ah!! Waaahhh! Di ko alam kung kikiligin ba ako o magagalit o mahihiya sa ginagawa niya!

---

Part II po ung chapter 44.

Vote and Comment nlng po after. Thanks! Lovelots <3 :*

A Sudden Twist of Fate [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon