Chapter 30

77 10 0
                                    

Chapter 30

Keeno’s Pov

Kanina ko pa hinihintay si Nadine. Inaasahan kong dito siya matutulog sa bahay nila. Gabi na pero naghihintay pa din ako sa labas ng gate. Gusto ko mag-sorry sa kanya sa lahat ng nagawa ko.

Umurong na siya sa kasal, kaya ako na gagawa ng paraan.

Yeah, maybe masyado pa kaming bata. Pero, makakapaghintay naman diba?

Hihintayin kong mahalin niya ako.

*sigh* galit siya sakin eh. Di ko alam kung bakit. Bakit kaya? Haay di ko nga alaaam! Paranoid na ko dito kakahintay!

Saan ba nagpunta yun?

Dito kaya siya matutulog?

Maya maya may narinig na akong footsteps.

Pag-angat ko ng ulo ko, si Nadine.

“Nadine” bulong ko

“Nadine” ulit ko pa

“Sorry”

“B-bakit?”

Di ko na matiis. Tumayo ako at hinalikan siya.

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko parang sasabog na.

Alam kong mahal ko na siya pero di ko alam na ganito pala kalakas tama ko sa kanya.

Ang tagal namin na magkakiss pero walang gustong tumigil sa aming dalawa.

Gusto din niya siguro xD

Kaso wala akong marinig na tibok ng puso galing sa kanya.

Ano ibig sabihin nun?

Bakit ganon? Eh ako halos lumabas na yung puso ko sa dibdib ko >.<

Nung tinigil ko na yung kiss, diretso lang siya sa loob ng bahay.

Naiwan ako dito mag-isa nakatayo habang ang lakas pa din ng tibok ng puso ko.

Nadine’s Pov

Naiiyak ako. Naiiyak talaga ako. Di ko alam kung bakit.

Nagderetso ako sa kwarto ni Kuya. Di ako matutulog sa isang kwarto na kasama si Keeno.

Humiga ako sa kama at umiyak ako.

I can’t accept the fact na gusto lang akong gamitin ni Keeno.

I can’t accept the fact na nakabuntis siya at di niya pinanagutan.

Yung kiss na yun…

Passionate yet I didn’t taste it.

Passionate kiss but I didn’t taste the love.

Wala akong naramdamang malakas na tibok ng puso ko.

Siya, ewan ko kung kinakabahan lang siya, o..... ewan!

Gusto kong maniwala sa sinabi niyang mahal niya na ako, kaso parang may pumipigil sa akin. Kung totoo man yun,

Gusto ko din siyang mahalin.

Pero habang tumatagal na nakikita ko siya, nawawala yung feelings ko sa kanya eh. Meron nga ba?

Habang tumatagal, nawawalan siya ng halaga sa buhay ko.

Dati naman crush ko lang siya eh, ang saya ng buhay ko.

Walang problema, walang kahit anong bumabagabag sakin.

Eh bakit ngayon?

Sa dinadami dami naman kasi ng lalaking pwedeng ipakasal sa akin si Keeno pa eh.

Kala ko dream come true na yung ipapakasal kami.

Tsss. Kala ko lang pala.

---

Hello! ^^

Matagal akong mag-update right?

Ganito na lang, kapag matagal akong di makaka-update, sunod-sunod na mga chapters gagawin ko. Madaming chapters agad. Got it? :D Para naman makabawi ako sa sobrang tagal kong hindi nag-uupdate.

Salamat po sa mga nagbabasa. I love you guys! Lalo na po dun sa mga nagvovote, kung meron man xP

~Angelika

A Sudden Twist of Fate [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon