Chapter 11

73 11 0
                                    

Chapter 11

Eto na po yung promise ko :) Maguupdate ako ngayong araw din..

Vote. Comment na lang po after ah? Thanks! :)

---

Nadine’s Pov

Pagkagising ko, bigla ko nabuhayan ng loob.

Kasi alam kong magpapakasal na si Keeno sakin :)

Kahit alam kong pilit lang yun. Di bale na magiging mag-asawa naman kami eh. Matagal pa nga lang. Pagkatapos pa daw naming grumaduate ng college. Ang tagal pa noh?

Pero i-eengaged na daw kami ngayong year. Para wala na daw kaming kawala sa isa’t-isa.

Haha kung alam lang nila.....

Tumayo na ko sa kama ko at naligo na.

Nagbihis na.

Bumaba na.

Kumain na din ako. Siyempre kasabay si Keeno.

First day niya dito sa bahay na may pasok x) At kasabay ko na silang magkapatid kumain ng breakfast.

Walang umiimik samin.

Pagtapos naming kumain, hinatid na kami ni mang Jun sa school. Oo sabay sabay nga kami. Iisa lang naman school naming eh. Si kuya naman college na yun kaya kaya niya na sarili niya.

Bumaba na kami ng kotse. At malamang madaming nakatingin samin. Nagtataka siguro kung bakit kasama ko si Keeno at Keeann..

Sa classroom..

“Naddaaa~” si Nikki yan

“Hm?” sabi ko habang nakangiti ng ganito oh - ^________^

“Nakita ko si Keeno tska si Keeann bumaba ng kotse niyo. Kasabay mo sila pumasok??” curious na curious na tanong ni Nikki

“Oo.. ganito kasi yun…” At sinimulan ko ng magkwento ng lahat lahat ng pangyayari nung weekend

“Di nga girl? First kiss mo si Keeno??” si Nikki

“Shhh lang kayo! Wag kayo maingay! Haha oo nga!”

Sabay pasok naman ni Ma’am Estrada.

Lessons. Lessons..

Recess. Yayy!

Bumaba na kaming tatlo sa canteen. Nakita ko naman si Keeno pababa na din. Tinawag ko siya.

“Keeno Cybill!”

Tumingin siya sa kinaroroonan namin.

“Sabay na tayo!” sabi ko habang tumatakbo palapit sa kanya

“Tsk. Ayoko”

“Eeeehhh Keeno naman eh! Bakit ba gustong gusto mo nagiisa?”

“Wala ka na dun! Tska wag mo nga kong tinatawag na Cybill di tayo close! Tska di porket nakatira ko sainyo sabay na tayo magrecess..” hininaan niya yung boses niya tska lumapit ng konti sakin habang sinabi niya yung last sentence niya

“Ay. Sige isusumbong na lang kita kay mommy..” Haha ano angal pa siya??

“Tsk. Nu ba yan! Ngayon lang to ah!” sabi niya habang pababa na ng hagdan

Sumunod na lang ako. I mean kami palang tatlo.

Kinikilig naman tong dalawang kasama ko. Tinutulak tulak pa ko palapit kay Keeno.

Yung ibang tao nakatingin samin nung pumasok kami sa canteen. Nagtataka siguro bakit may kasama si Keeno. At kami pa ah.

“Pare! Dami chicks ah! Puro nerd nga lang! Hahahaha” sabi nung isang boy nung nakasalubong kami. Inirapan lang naming siya. Si Keeno naman di siya pinansin.

“What?! Keeno Carlos?! With that nerd girls?! Eeeewww.” Sabi nung isang girl. Di na namin pinansin.

“Maybe he finally realize that he needs someone.. someone whose just like him. Girly! Hahaha!” sabi pa nung isang girl.

“Gwapo naman si Keeno ah! Bakla nga lang! hahahaha” ano ba hindi ba talaga sila titigil? Di na nga makapagpigil to si Nikki eh. Gusto ng sundutin isa isa mga mata

“Pare asaan ba jan sa tatlo yung girlfriend mo? Wag mo sabihin 3 timer ka? Hahahahaha” Ako kasi yun! Ako! Hahaha correction, FIANCE pala ako hahaha

Hinawakan ni Keeno yung kamay ko at bigla na lang siyang lumakad ng mabilis. Ako naman hinayaan ko na lang.

Ang bilis ng tibok ng puso ko grabe. Kinikilig ako inside.

Siguro kaya niya ko hinila kasi gusto na niyang makaalis dito. Kahit ako din naman eh. Ang dami nilang sinasabi.

Inaasar kasi siyang bakla diba? Sheez kung alam lang nila kung gaano kabuilt yung katawan ni Keeno noh! Tska kung alam lang nila kung paano siya magbasketball noh! Kung tutuusin mas magaling pa nga siya sa mga heartthrob na varsity players dito eh! Like duh!? Mas gwapo din si Keeno sa kanila!

Binitawan niya na ko nung nakarating na kami sa tambayan niya. Yung dun sa likod ng school. Yung sa mayroong Bermuda grass..

Well I guess he considered us as his friends :)

“Hindi na ulit ako sasama sa inyo naintindihan mo?!” Ayan kakasabi ko lang eh. Hindi pa pala..

“Keeno…” sabi ko

“Umalis na kayo dito bumili na kayo ng pagkain niyo! Wag na kayo babalik dito!”

“Grabe ka naman! Porket nasabihan ka lang ng bakla, whatsoever, tinataboy mo na kami! Nakakainis ka ah! Super sungit mo pala! Suplado! Tara na Nad..” sabi ni Nikki

Ayan nasigawan na siya ni Nikki. Ganyan yan si Nikki. Pag nainis siya, sasabihin niya talaga nararamdaman niya.

Inaakay na ko ni Tiffanny. Alam kong patulo na tong luha ko. Kaya umalis naa din kami. Deretso na lang kami sa girl’s restroom.

“Ikaw naman kasi girl! Bakit mo pa kasi gusto kasabay si Keeno? Oo nga’t nasa isang bahay nga kayo, and first kiss mo siya, pero di ibig sabihin nun eh magkaibigan na kayo. Oo nga’t magpapakasal kayo, pumayag siya, oo. Pero di pa din ibig sabihin nun eh mahal ka na niya or tinuturing ka na niyang friend. Malay mo kaya siya pumayag kasi dahil lang sa mama niya? Diba?” derederetsong salita ni Nikki

Sa mga sinabi niya, nasaktan ako. Pero may point naman siya eh. Wag kasi akong umasa agad. Ang hilig ko mag-assume kasi eh!

Umiiyak na ko ngayon. Di ko na napigilan eh. Ikaw ba naman kasi sigawan. Wag na daw kami bumalik doon, etc.

“Napaka-iyakin mo pa din talaga.” Sabi naman ni Tiff.

Oo iyakin nga ako. Isang sigaw lang, iyak na ko agad. Ilang beses kaya ako umiyak nung 1st year kami. Ang hilig kasi ako asarin at sigaw sigawan ng mga bullies dati eh.

Buti nga at kinausap ni mommy yung principal at pinagsabihan yung mga bullies. Then after nun di na nila ko inasar.

“Tara na. Don’t mind me. I’ll be fine.” Sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha.

“Sure ka?” si Nikki

“Yeah. Tara!” sabi ko na lang tska lumabas.

Bumalik na kami sa klase naming kasi time na din naman. Di na kami nakakain…

Lessons. Lessons.. Lessons… nanaman.

Then finally! Uwian na! Yayy!

Sabay kami ulit nila Keeno umuwi.

Pagka-uwi ko, pasok agad ako sa kwarto ko. Nagbibihis ako ng biglang may kumakatok.

“Sandali! Nagbibihis lang. Sino ba yan?” Ayaw tumigil sa pagkatok ng wagas eh! Di pa sumasagot! Sino ba kasi to!?

Tinanggal ko na yung blouse(uniform) ko kaya naka-bra na lang ako.

Ng bigla naman may pumasok.

“Sh*t!”

---

Pa-suspense ba ko masyado? Hahaha. Yaan niyo sa next update eto na talaga. Di na ko mambibitin. Hahaha.

Vote. Comment na lang.. Thanks :)

A Sudden Twist of Fate [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon