Chapter 1: I love this day

146 11 0
                                    

"Naaaaadiiiiine~!!!" si Nikki

"Baaakiiiiit Niiiikiiiiii~?" ako.

"Ah kc.. nakita ko si Keeno!! May kasama siya!! Babae!!" Nikki

"Ha? pano nangyari yun eh masungit nga yun! di papalag mga babae dun!" ako

"Eh kung tignan mo kaya!" Nikki

"Ay oo nga girl may kasama! Girl pa ah! Sino kaya yun? Girlfriend niya?" si Tiffanny.

"Haaaay sige na nga. Eto na po titignan na." ako

Ano ba tong mga sinasabi ng mga to? si Keeno? may kasama?? Asa! Matignan na nga lang. Ng di ako nagkakaganito. Naghahallucinate ako eh x)

Sumilip ako sa kinaroroonan ni Keeno. Nagtago ako sa puno. Oo nga may kasama siyang babae. .Eh takte!? Nanay niya yan eh! Kiniss pa nga siya eh! Di kasi mukhang nanay yung nanay nito kaya siguro napagkamalan ng dalawa na girlfriend o kung ano man. May nakakalapit pa pla kahit papaano dito. Haha malamang yung nanay niya! mama's boy.. 

Paano ko nalaman na nanay niya? Eh kasi ganito yun.. Yung nanay ko, at yung nanay niya, magclassmate dati dito din sa school na pinagaaralan namin. Kaya ayun magkakilala sila. Siguro nga magbestfriend pa. 

Bumalik na ko sa tambayan namin. Sa Shady Oaks.. 

"Nanay niya yun eh!" sabi ko kay Nikki at Tiff

O_o - sila

"Hahaha di niyo alam?!" ako na natatawa sa reaksyon nila. Nagkatinginan pa kasi sila eh x)

"Malamang girl hindi namin alam. Malay ba naming nanay niya yung magandang yun!" si Nikki

"Di naman mukhang nanay eh. Mukhang kasing edad lang natin." si Tiff na gulat pa din hanggang ngyon.

"Hahaha! Nevermind! Tara balik na tayo sa classroom.. Baka dumating na si Ma'am Quesada mapagalitan pa tayo. Tapos na din vacant natin oh." sabi ko sabay tingin sa watch.

At ayun bumalik na nga kami sa classroom. Wala pa si Ma'am Quesada.. di kami late.

Sa Classroom..

Hinihintay ko na lang magtime.. Gsto ko na makita si Keeno. Di ako maglalunch x)) 

At biglang..

*rrriiiinnnggg*

Ayun bell na! makakalabas na ko! Di na ko nagpaalam kay Nikki at Tiffanny. Alam naman siguro nila kung saan ako pupunta. Gusto ko na makita ulit si Keeno. Ang gwapo niya kasi eh. 

At ayun lumabas na ko ng classroom, deretso sa likod ng school kung saan malilim, may magandang grass, tahimik, at masarap mag-aral. Pero, di ako pupunta dun para mag-aral. Pupunta ko dun para makita si Keeno hahahaha.

Pagka-upo na pagka-upo ko dun sa grass, nakita ko siya malapit sa arawan, nagbabasa. Bakit kaya nandun siya sa arawan? Ayaw niya sa lilim? Ah basta. Kakausapin ko siya. Sasabihin ko kinakamusta ni mommy si mama niya kahit hindi naman hahaha. Basta gusto ko lang siya makausap. 

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Tumingin siya sa akin. Tapos tingin ulit sa librong binabasa niya. Snob! kainis! pero ang gwapon pa din :)

"Keeno" sabi ko na may konting lambing

"Oh" sabi niya ng hindi man lang tumitingin sa akin

"Kamusta na daw kayo ng mama mo?" 

"..."

"Uy Keeno!"

"..."

"Ehh?"

"Bakit ba kasi?! Sino ba nangangamusta?! Yun lang ba sasabihin mo?!!" at ayan tuluyan na siyang sumigaw

Medyo naiyak ako. Bakit kailangan niya ako sigawan? Masyado ko ba siya naabala sa pagbabasa niya? Hindi naman diba?

"Si mommy" mahinang sabi ko

"Ah" tipid niyang sagot pero hindi na galit

"Sige. Aalis na ko. Ituloy mo na pagbabasa mo. Bye" sabi ko sabay tumayo na ko

Tumakbo ako papuntang canteen. Nakita ko si Tiffanny bumibili sa counter. Takbo ako sa kanya.

"Tiffanyyy~!" ayan paiyak na nga talaga ako. Teary-eyed na ko..

"Oh ano nangyari sayo? Pumunta ka kay Keeno? Bakit ka umiiyak?" sabay sabay na tanong niya habang nagbabayad sa counter

*Hikbi* "Huhu eh kasi eh..... Oo nagpunta ko kay Keeno... huhu..." di ko matuloy yung sasabihin ko ang daming nakatingin sa akin nakakhiya

"Nadapa ka? May umaway sayo? Ano? Sabihin mo" sabi ni Tiffanny na parang nanay ko kung mag-alala

*hikbi* "H-hindi... hindi... huhuhu...."

Nagtitinginan na yung mga tao sa akin. Haaaay~

"Tara dun tayo..." sabi niya

Pumunta kami sa table kung nasaan si Nikki. Nakita ako ni Nikki umiiyak kaya tumayo siya agad at inalalayan ako pa-upo.

"P-pumunta ko kay... kay.. K-Keeno...." sabi ko sabay inom ng tubig na binigay sa akin ni Nikki

"Tapos?" sabi nilang dalawa na nakatingin lang sa akin

"Kinausap ko siya..." sabi ko habang nilalaro yung tubig

"Oh yun naman pala eh.. tears of joy! hahaha. Ano ba sabi mo sa kanya?" pabirong sabi ni Nikki

-_____-" - si Tiffanny at ako

"Ah hindi ba? Hehe sorry.. ano ba yun? bakit mo siya kinausap?"

"Kasi ganito yun.. Pumunta ko sakanya, kinausap ko siya, sabi ko kinakamusta siya ni mommy.. tapos hindi niya ko sinasagot. Kinukulit ko siya para sumagot. Eh nagbabasa siya nun. At ayun nasigawan niya ako...." explain ko

"Eh at least girl nakausap mo siya diba?" Nikki

"Eh kaya naman pala nagalit eh, ikaw ba naman busy-ing busy sa pagbabasa tapos biglang may magtatanong kung kamusta na siya. Hahaha. Ikaw talaga! dahil dun umiyak ka?" Tiffanny 

Nagnod nod ako tapos biglang pagkita ko sa entrance ng canteen, si Keeno. Tinakpan ko mukha ko. Nakakahiya. Baka sabihin niya ang babaw ng iyak ko! Aish paano to?! papunta siya dito!? parang... parang.. parang may ibibigay. Oo nga may ibibigay nga. Yung panyo ko! 

"Oh. Nakalimutan mo. Nahulog nung tumakbo ka." sabi niya 

"Ah, salamat." sabi ko at tska ngumiti kahit na alam ko na may luha pa ko sa mata

Bigla na lang siyang umalis. Ang daming nakatingin sa kanya. Nagulat ba sila na may kinausap siya at nilapitan na babae? at ako yung nilapitan niya na yun? hahaha. Si Nikki at Tiffanny naman nakatingin lang sakin ng parang explain-all-of-that look. Haaay~

"Di ko sinadya na kalimutan yung panyo ko.. talagang nahulog lang talaga.." sabi ko

"Hahahaha di naman kami nagd-doubt eh.." sabi ni Tiffanny na nakangiti

"Girl tignan mo panyo mo." sabi ni Nikki, nakatitig sa panyo ko

May nakasulat. Sabi "Mom and I were okay please tell your mom to come over to our house tonight you can come over, too if you want. And also, Sorry., I didn't meant to shout at you a while ago."

"Pinapapunta kami ng mama niya sa bahay nila! ^^ pupunta ko talaga!" sabi ko habang nakangiti ng abot tenga

"Patingin nga girl." Nikki

Ng matapos na kami kumain, actually sila lang.. Bumalik na kami sa classroom. 

Di naman ako nakinig sa teachers habang naglelesson hanggang uwian eh. Nag-isip lang ako ng susuotin ko mamaya papunta kila Keeno. Haha excited na ko.

Uwian.

Lumabas na ko. Hinanap ko si Mang Jun (driver namin). Nandun na siya. Naglakad na ko papuntang kotse ng biglang tawagin ako ni Keeno..

"Narene~!"

-----

Thanks for reading! Please vote po :)

A Sudden Twist of Fate [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon