Umuwi ako sa bahay na guilting guilty.
Kung di sana ako dadramdramang mag wawalk-out edi di sana ako nakapunta sa abandoned chuchu nayon! Sino ba kasing matinong eskwelahan ang maglalagay ng abandoned buildings sa loob pa talaga ng school?! Hay..
"At Kung hindi sana ako pabaya hindi sya makakagat ng ahas." Napapadyak nalang ako sa punching bag na nakasetup sa kwarto ko.
"Maam, sino naman pong inahas dahil pabaya kayo? May boyfriend na po ba kayo? Wow maam Bilees!" Medyo napatalon ako ng magsalita yung isa sa mga kaibigan kong maid namen.
"Pwede ba? Wag ka ngang nanggugulat! Mapapatay mo ko eh!"
"Wow naman Maam! Kailan pa po ba naging importante sainyo na buhay kayo?." Tinaasan ko lang sya ng kilay. "Dahil po ba may boyfriend na kayo? Ayiee!" At talagang kailangan tusukin ako sa tagiliran?!
"Anong boyfriend?! Ikaw! Kasalanan mo kung bakit ako napasok sa regular school!! Akala ko ba matatalino yung teachers doon ha? Mas magaling pa yung nasa Dong Seng High eh!" Nanggagalaiti ako sa inis. Eh kung hindi ako lumipat, wala akong problema at nasa all girls school pa ko ngayon! Edi sana wala akong 5 months deal, at walang putek na lalake sa buhay ko!.
"Ano nanamang kasalanan ko?! Ikaw naman pumili nun ah! Atsaka ano bang kinapuputok ng buchi mo dyan ha?" Tatawa-tawa pa talaga?!
"Argh! Ikaw me kasalanan kaya ako na expose sa mga lalaki! Buseet!." Sabay hampas kolang ulit sa bag.
"Aba parang lalaki lang sumusuko kana? Hindi ata ganyan ang nakilala kong Jenna Torres."
"Jenna Joaquin!" I corrected her.
"K fine. Jenna Joaquin. Bakit ba? Marami kabang naka encounter ? Wow parang multo lang ah! Teka? Akala ko ba iisnabin mo lang lahat? Lakas nang loob mo nung una ah! Eh bat ngayon affected ka? Inlove ka na siguro noh?." Nung pinagsasabi nito? Inirapan ko sya.
"Inlove your face! Che! I promise I won't fall inlove EVER! Makaligo na nga at napagod pa ko." Bago ako nakapasok sa banyo sumigaw pa ang bruha.
"WOOH! KAKAININ MO DIN ANG MGA SINABI MO JENNA TORRES!"
I slammed the door at naligo.
Naisip ko yung sinabi ni Ciarra. Hmm.. Kakainin ko daw ang sinabi ko?. Masarap kaya yun? Ehehe pero seriously! Ni minsan di ako naatract sa lalake eh. Hindi naman ako Tomboy.. Pero duuh! Hindi ako kasama sa mga babaeng nangarap magkaroon ng Prince charming... Teka? Prince Charming? Parang menatatandaan ako dun ah? Hay. Baka isa lang sa pinanood ni mommy saken nung bata pa ko.
Makapagbanlaw na nga.
Nagbihis ako at dahil nga nitatamad akong matulog.. Binuksan ko yung TV wow! Ilang years ko na nga ba hindi nabubuksan ang TV? Haha.
Nanood lang ako nang News since walang magandang palabas.
"Prince Jin Ho, bitten by a snake in the attempt to save a comrade."
Napa WoW ako. Uso pa pala yung mga prinsipe sa 21st century? Naks at kinakalkal ang buhay ah? Teka? Prince tapos isesave ang isang kaibigan? Duh. At talagang snake? Saan naman kaya nagliliwaliw ang prinsipeng yan at sa MAAAHAS na lugar nagpupunta? Tsk.
Pinatay ko yung TV. Kainis, naalala ko na naman tuloy yung kanina.. Haist! Makatulog na nga.
Patulog nako nung biglang pumasok nanaman si Ciarra sa kwarto ko.
" Di manlang marunong kumatok eh noh?" Sabi ko sakanya habang sya nangiting aso.
"Oh babae, may call ka." Sabi nya sabay abot sa wireless phone. Eh sa wala akong cellphone kaya yan at naantala ang beauty rest ng mga maids ko pag may nagkokol saken ehehe bagay nga!.
"Oh? Nganga ka na lang? Dalian mo kaya!" Inabot ko nalang ang phone.
"Salamat! Cheh!" Sabi ko habang niroroll eyes ang gagita.
"Sabi ko na nga ba may boyfriend na eh.". Tiningnan ko sya ng masama at iniraise ang middle pinger ko.
"Paano ba yan, boyfriend mo na daw ako." Yung mukha ko parang naging sarcastic pagkarinig ko palang nung husky na boses nung nasa kabilang linya.
"Boyprenin mo mukha mo tol! Kung yan lang ang itinawag mo, pasensya ka di pa ko sumusuko sa 5 months deal naten!"
"Aww.. Kala ko panaman magpapasalamat ka ulet, namiss ko na kasi yung hug mo." Kahit di ko sya nakikita parang maglalabas na nang laser beams yung mata ko. Kailangan talaga ulitin nya yung kanina?
"Pinagana ko lang yung acting skills ko kaya wag mong seryosohin yun! Ulol!"
"Ow yung huhuhu ang tang--" he said imitating me.
"Heh!.. Sarap mong upakan! Matutulog nako! Baka kasi malate ako at di ako makapaglinis ng maayos bukas."Sabi ko na nagpaparinig.
Si Paulatio ang may kasalanan nito kaya di ko mapapasukan ang mga classes ko eh! Tss.. Pati ba naman yung sa lalaking to saken pinashoulder?! Like whatda! Ako ba yung ahas na kumagat sa kanya.. Teka? Parang Di ako naguiguilty kanina ah wihihi
"Oi babe nakikinig kapa?" Kumunot yung kilay ko.
"Anong babe? Ilang beses ko bang sasabihin na di ako baboy ha?." Tumawa lang sya sa kabilang linya. Teka? Nakalabas na kaya to ng hospital?
"Babee nalang sige..hun" Tss.. Sabi ko nga wag na akong mag-alala sakanya, mukhang balik gago na siya eh.
"Tss.. Matutulog nako! Maglilinis pa ko bukas!." Tumawa sya ulet.
"Di ka nga nakikinig saken kanina no?"
"Nakikinig ako at di moko baby o hun o ano pa. k?" Humalakhak ulit sya.
"Hindi naman kasi yun! Sarap kurutin ng ilong mo. "
"Eh kung itago mo nalang kaya yung ulo mo? At baka di ako makapagpigil at pugutan kita!"
"Wow scaryy! That's my baby.." Tumawa ulet. Tatawanan lang ba ako nito?
"Baby mong mukha mo! Bye."
"Wait! Alam ko Baby Face ako pero gusto ko lang malaman ng baby ko na Di ka na maglilinis bukas kasi napakiusapan ko si Sir." Nanlaki naman yung mata ko. Wow edi masaya! Pero magkakaroon nanaman ako ng utang na loob sakanya. -.-
E sya naman may gusto nun! Di ko yun hiniling kaya di yon utang.
"K tnx."
"Wow short text? Haha. Goodnight babe. I--" pinatay ko yung phone. At baka mag-init lang yung ulo ko pag may narinig nanaman akong word.
"Oh? Tapos kanang magpa I--oops oo nga pala! Asan na yang phone. Matulog kana ah.. Ring mo lang yung kwarto ko kung may kailangan ka. Ok?" Tumango ako at lumabas na sya. Nahiga nako and next thing I know I'm drifting off to sleep...
--
Ayan! Nakatapos narin ng isang chapter dahil narinig ko ang singing voice ni Lee Min Ho wihihi. Salamat po sa support lalo na dun sa mga naglagay ng story na to sa reading list nila at nagvote pa! thank you!
Les Jane :*
BINABASA MO ANG
When Ms. Sungit Met Mr. Perfect
Teen FictionSi Jenna ay isang masungit at snob na babae.Hindi nya inisip na magkaboyfriend o makipagkaibigan manlang sa mga lalaki, inshort isa syang dakilang "manhater" pero paano kung makilala nya ang isang lalaking napakakulit at ubod ng gwapo,yaman ,at tali...