Chapter 5 : Chinito

49 1 0
                                    

As expected makulit nanaman ang impakto.

Dalhin ko kaya uli ito sa likod ng school at ipatuka sa snake? huh! talagang sisiguraduhin kong di na yan makakagalaw! :P

ui..Parang di lang naguilty nung huli ah?..

(_ _) ok Hindi ko alam na activated pala ang ang conscience ko ngayon!

"Babe!!" speaking of the Impakto.

"Napano ka baboy?" Nilingon ko siya kasi nga nasa likod ko sya, malamang, lilingunin mo ba kung nasa harap mo Jenna?, shocks! Im lacking Common sense na! " Uso ngayon ang Tarsier kuya?" nanlaki ba naman ang mata? Duh! the last time I checked impakto ka ah?

Umupo sya sa harapan ko. At ipinatong sa mesa ko yung pagkain nya. Oh well, makainom na nga lang.

I took a sip sa lemonade ko habng nagviview ng kung ano ano sa Cam ko, eh lunch break naman kasi namen at tinamad akong umuwi kaya dito sa cafeteria ko nalang naisipan kumain, hmm, uminom, I mean.

" Bat di ka kumain? " tinitigan ko yung kulay red na kung ano sa plate ng impakto.

"Hindi ako kumakain ng food na di ko alam kung paano iniluto." tumigil siya sa kababoybaboy na pagsubo nya sa pagkain.

"Huh? Bakit naman? " Naks. Kelan pa naging cute ang mga nagpa-puppy eyes? Ngayon lang. Hala. Di ako may sabi nun.

"Wala lang" iniiwas ko ang tingin ko, at parang pumait ang bibig ko. Nu bayan.

"Babe" Tiningnan ko siya na ngayon ay ngiting-ngiti..Huh? Kelan pa sya naging gwapo? Nu bayan!! Napakamot at napabatok ako sa ulo ko. Ano bang pinag-iisip ko ha? Pumikit ako ng mariin. "Are you ok?"

"Yup, sumusumpong lang yung migraine ko." Wow, pasado nako sa palusot.com.

"Yan, di ka kasi kumakain..oh sayo nato," Abot nya saken sa half finished lunch nya. Anu be yen?!

"Ano ako taga-kain ng Left overs? Feel mo sakin Scavenger?" Ok. that was harsh, need to say sorry. but I was dumbfounded when he smiled.

"Diba ayaw mong kumakain ng pagkain na hindi mo kilala yung nagluto?" He paused, glanced at his food and smiled brilliantly wala na nga siyang mata eh.. " Kilala mo naman ako di ba? I cooked this. Im sorry kung nakain ko na ha? Yaan mo bukas ipagdadala nalang ulit kita."  I blinked para bumalik sa katawang tao ko ang lumilipad kong utak..

"S-sorry for being harsh.." He smiled AGAIN. ano ba yan.. feeling ko kamatis na ang itsura ko... bakit kasi ang sama ko?

"Hindi ok lang.. oh kain na.."  Huh! Anu ba yan?! May something ba yung mga hindi venomous na snake para gawing mabait yung mga taong loko-loko? Shucks! Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi to perp Pwede bang bumalik nalang sya sa pagiging BALIW?

"Babe? Nganga." I was shocked nung nakatapat na pala sa bibig ko yung spoon, tiningnan ko ito at pagkatapos ay tinitigan ang nagsusubo nito. He was smiling at iniyuko ng konti ang ulo nya na parang nanghihikayat na kainin ko yun...

I Dont really want to. Pero ewan ko? Napaawang ata ang bibig ko dahil sa mukha nya... it was doing a slowmo in my mind....and its playing back na para bang sirang plaka..

Yung ngiti nya na halos di na makita ng mga mata nya...takte 100 facepalm!!

"This song was requested by Ms. Dyosa, well, hope you enjoy miss.." napatingin ako sa speaker sa tabi.. whoo functional naman pala sila eh.. nung biglang nagplay na yung kanta..

Now Playing: Chinito by Yeng Constantino..

Yung totoo? Nagpapatama lang ang peg ng Dyosang Haliparot na yan?

"Masarap ba?" hala! ayun nanaman yung mga ngiti nya!! Patay ako nito.

"O-oo, anung pangalan nito? " turo ko dun sa kulay pulang ulam. Bat ba ko nagsstammer? Chill Jenna. Isang impakto lang yan.

"Adobo ala Chinito" napaubo at nabulunan ata ako sa sinabi nya.

Inabot ko yung lemonade pero ubos na..

"Oh" inabot nya yung baso nya at agad kong hinablot.

Pagkatapos kong mainom feeling ko namula ako ng wagas... takte, indirect kiss ata yun...

TAKTENG CIARRA!! KASALANAN nya lahat ng nalalaman ko!! Bakit ba ko nakinig sa kanya kagabi??!!

FLASHBACK..

"Siguro narinig mo na yung thump thump no?"

"Nung pinagsasabi mong thump thump?" hinawakan nya yung dibdib nya at kinabog ito ng mahina..

"Dugong- dugong"

"Thump thump tapos dugong dugong?  Kumakanta ba yung mga dugong? Pinagloloko mo nanaman ba ako, Ciarra?"

"Kanta yun. As in yung sa puso yung thump thump! yung mabilis na parang, dugong dugong.Ano? Hindi mo pa naririnig yun? May boyfriend ka tapos di mo pa narinig?" eto nanaman po tayo..

"Di ko yun--"

"K. Fine. Pero di mo ba naririnig yung dugong dugong?" umilimng ako.. kahit na parang.. hay, ewan. "Kahit na pag ngumingiti sya?"

"Hindi."

"Pag hinahalikan ka nya hindi rin?" tinignan ko sya ng bored na tingin.. "so di ka pa nya hinahalikan?"

"Subukan nya para mabatok sya ng 1 million times." nanlaki yung mata nya.

"Kahit indirect?"...........

"Ano yun?"

"Nagkadikit yung labi nyo ng hindi directa, example isinubo nya yung kutsara tapos sinubo mo rin." tinitigan ko siya  "So hindi rin?"

"Yuck. >o<" ( o,o)"w

"sus, youre so boring! Dyan kana nga, Papanoorin ko nalang yung greatest love" At sumayaw sya ng kakaibang sayaw habang lumalabas at kumakanta ng pagkatinis tinis dun sa dugong dugong nya.

end of flashback..

"Una nako." nakayuko at nakakuyom ang kamaong tumakbo ako at di na sya nilingon.

Nagtitinda kaya sila ng toothbrush dito? Baka kasi makaubos ako ng tatlo o baka higit pa..

CIARRA!! KASALANAN MO TO!!

__

This was a lame update. yay. Pero thank you po sa mga naglike sa previous chapter. Loves yah!

Les Jane :)

When Ms. Sungit Met Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon