Filthy Rich ♛ 3

678 18 1
                                    

Chapter 3

Napagdesisyunan ko nang Pumunta. Wag niyo ng tanungin kung baket!! =,= Sapatusin ko kayo eh. 

Pero bago ako umalis, magpapaayos muna ako noh! Alam kong maganda ako at hindi na kukupas ang beauty ko. Forever na 'to! Pero dapat walang makakilala sakin sa School. Aba! Ako kaya si Paige Villafuerte.. Tapos aattend ako sa mga cheap na gig nila? Eeew. Over my dead sexy body! Pero hindi ko naman sinasabi na cheap ang school ng DADDY KO.. Yung banda nila ang cheap! Pwe!

Andito akey sa Mansion namin. Actuallyyyy, 'Mansion KO',ako lang naman ang nakatira dito at ang mga FOREIGNER kong Julalay. At dahil baliw ang mga ate ko, nagbakasyon daw muna sila dito. May mga sariling condo naman tapos dito titira sa mansion ko?! 

EHEM. Pinapakilala ko lang ang mga abnormal 'kong ate. Si Ate Eunice at Ate Nadine. Si Ate Nadine ang panganay samin.. Tapos pangalawa si Ate Eunice at syempre ako yung bunso. Well, obvious naman sa mga pangalan nila na maldita rin sila katulad ko?! Pero iba parin talaga ang pagkamaldita ko.. sabi nga nila ako daw ang pinakamaldita sa magkakapatid.. Well, Wala akong magagawa.. Maganda kasi ako. Okay, tutuloy ko na pagpapakilala ko sa mga abnormal 'kong ate.. Uhmm.. Ibubunyag ko na nga full name nila.. BWAHAHAHAHA! Pinakainaayawan kasi nila first name nila eh X) Si ate Nadine ang full name niya ay Angel Nadine Villafuerte tapos yung kay Ate Eunice naman Anne Eunice Villafuerte. O dibuhhh?! Pagdating sa First name Good girl na Good girl.. Pag-dating naman sa Nickname Bitch na Bitch dibaaa? Hahaha. Sila Mommy at Mamu kasi ang nagpangalan samin.. Yung Unang pangalan si Mommy ang nagpangalan kaya pang-mabait (haha.) tapos yung sa pangalawa naman si Mamu, Eh alam niyo naman diba si Mamu? Buti nalang si Mamu lang ang nagpangalan saken. HAHA! Pero di ko sasabihin sainyo full name ko :p Alamin niyo! :p 

Nandito nako sa Salon sa Kwarto ko. May sarili kasi akong salon dito eh.. Dadaan ka muna sa Mamahaling pinto sa Kwarto ko bago ka makapasok sa Salon ko.. Aba malamang! Hindi ako cheap noh para pagsamahin ang Tinutulugan ko pati ang Salon ko sa iisang kwarto noh! eew. 

Magpapatulong lang naman ako sa mga Ate ko.. Syempre ang cheap-cheap kaya nila kaya malamang may mga cheap silang damit na pede kong suotin ngayon para di ako makilala. You know me.. I'm a Fashionista kaya hindi talaga nila ako makikilala. Hindi kasi ako nagsusuot ng CHEAP na damit. EHEM. 

Naguusap kami ng ate ko tungkol dun sa susuotin ko.. Nang Biglang--

*Blagg!* (Sorry sa sound effects. Lang maisip) 

"What the--! Mag-ingat ka naman sa susunod! Stupid. Gusto mo bang mawalan ng trabaho? Huh?! Di mo ba alam na mas mahal pa 'yang Vase na 'yan kesa sa Buhay mo?!"

"S-sorry po Young Lady." Sabi ng FOREIGNER kong Maid habang nakayuko.

"Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Linisin mo na! Baka gusto mo pang ako ang maglinis?!" Nilinis naman agad niya.

"Relax lang sis.. Marami ka namang pera eh.. Bili ka nalang ng Bago." Sabi ni ate Nadine.. Sabi sainyo eh! Ako lang talaga ang pinaka-bitch dito. May natitira pa kasi silang kabaitan eh kahit konti lang.

"Grabe napaka-supportive mo namang kapatid! Nakita mo namang Binasag na yung Vase kinakampihan mo pa 'yang walanghiyang 'yan!"

Napa-sigh nalang siya. Nakita kong tapos na 'yung hampaslupang katulong 'ko. Tapos Nakatayo lang siya dun at nakayuko.

"Ano?! Habang buhay ka nalang diyang tatayo?! Alis na." Umalis naman siya agad. Grabe talaga.. Iba talaga ako! Da best eh! 

"Kaasar naman. Ba't ba kasi foreigner ang kinuha ni Daddy? Tapos yung nagtatagalog pa?! Alam niyo yun?! Kadiri kaya! Ang pangit tingnan." Pagrereklamo kong sabi sakanilang dalawa.

I CAN'T HELP IT. I'M RICH.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon