172: " MANG-ASAR" (2/3)

134 14 3
                                    

Si Jun Wu Xie, sa kanyang nakaraan at kasalukuyang buhay, ay isang malamig at walang pakialam na tao. Ang bilang ng mga tao na inaalagaan niya sa kanyang puso, ay maaaring bilangin gamit ang isang kamay.

Ang mga taong ito ay mga kasama na nakasama niya sa hirap at ginhawa, at ang kanyang pamilya na tunay na nagmamalasakit sa kanya.

Pero para kay Jun Wu Yao, hindi niya alam kung saan siya ilalagay.

Hindi siya kasamahan sa kanya, at hindi rin sila magkamag-anak.

Ngunit palagi siyang lumilitaw sa kanyang oras ng pangangailangan, at nawawala nang walang bakas pagkatapos. Hindi siya matagpuan, pero tila naroon siya sa lahat ng dako.

Kinamumuhian?

Mukhang hindi naman.

"Kung hindi mo ako kinamumuhian, ibig sabihin gusto mo ako?" May kalikutan sa mga mata ni Jun Wu Yao nang itaas niya ang kamay ni Jun Wu Xie at halikan ang kanyang mga daliri.

"Masaya ako na alam kong gusto pala ako ng aking munting anghel!

"Hindi totoo."

"Hindi totoo. Paano mo gusto ang isang tao?" Hindi niya alam. Pero alam niya, ang pakiramdam na ibinibigay sa kanya ni Jun Wu Yao ay iba sa kanyang mga kasama at pamilya.

Ang tanging mga gusto na alam niya, ay limitado sa dalawang uri na ito. Dahil iba ito sa kanila, ibig sabihin hindi siya gusto nito.

"Huh?" Ibig sabihin ay galit ka pa rin sa akin?" Ang tono niya ay malungkot at nakakalungkot pakinggan.

Si Jun Wu Xie ay walang masabi, hindi ba't sinabi na niya sa kanya na hindi siya galit dito?

"Hindi." Palala nang palala ang kanyang sakit ng ulo.

“Ang 'Hindi' ay nangangahulugang gusto mo ako?"

“…… . ." Wala siyang masabi, mas mabuting huwag na lang pansinin ang kanyang walang katapusang mga tanong.

Naramdaman ang pagka-asar ni Jun Wu Xie, lalo pang natuwa si Jun Wu Yao.

Walang problema kung hindi niya alam, unti-unti rin siyang matututo.

"Ang katahimikan ay nangangahulugang pagsang-ayon, alam mo ba?" Si Jun Wu YAO ay walang awang nang-aasar habang buhat-buhat si Jun Wu Xie.

Hindi sumagot si Jun Wu Xie, at nag-iisip ng paraan upang palayasin si Jun Wu Yao nang bigla siyang nakaramdam ng mainit at basang haplos sa kanyang mukha.

Si Jun Wu Yao ay naghalik sa kanyang pisngi, at nang makita ang kanyang mukha ng pagkabigla, ngumiti siya nang may kasiyahan, na may mapaglarong tingin sa kanyang mga mata at sinabi: "Ayos lang yan! Gusto rin kita!.”

kabog...

Tumalon ang puso ni Jun Wu Xie.

Lumaki ang kanyang mga mata sa lapit ng guwapong mukha, at natukso siya sa kagandahan nito.

Dapat niyang itusok ang kanyang mga pilak na karayom sa kanyang ugat, upang mapaalis siya sa kanya.

Pero siya ay may utang na loob sa kanya, at hindi niya maibabalik ang kabutihan sa pamamagitan ng pananakit sa kanya.

Sa gitna ng kaguluhan, kinagat niya ang kanyang labi at iniling ang kanyang mukha palayo sa kanya.

Nakita ang kagandahan sa kanyang mga bisig na naguguluhan at tinatamasa ang bawat sandali nito, hindi papayag si Jun Wu Yao na palayain siya. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa kanyang baba at pinaikot ang kanyang ulo upang humarap sa kanya. Lalong lumawak ang kanyang ngiti nang makita niyang nakakunot ang kanyang noo sa pagkalito.

"Sige, oras na para kunin ang aking gantimpala bilang pasasalamat sa araw na ito."

"Ano?" SI Jun Wu Xie ay nagtanong nang may gulat. Bago siya makapag-salita, si Jun Wu Yao ay lumapit, may isang kamay sa kanyang bewang at isang kamay sa likod ng kanyang ulo, hinagkan siya nito nang buong-buo sa mga labi.

“MMPHH!" Nagulat si Jun Wu Xie at siya ay kumilos nang likas.

Inilabas niya ang kanyang mga karayom at tinusok si Jun Wu Yao sa kanyang sentido.

Dumadaloy ang dugo sa mga karayom at sa kanyang mukha, at may ilan pang tumulo sa kanyang pisngi. Ang amoy ng dugo ay tila nagpasigla kay Jun Wu Yao at ang kanyang halik ay naging mas mapusok, sabik na malasahan ang tamis na kanyang natikman.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version) PAGE 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon