Hindi maiwasan ni Sessha na mahiya dahil napaka laki ng bahay ni Minoru kahit nag iisa lang ito. Wala rin itong katulong sa bahay.
"Minoru bakit mag isa ka lang dito? Nasaan ang parents mo."
"Wala na akong parents pareho silang namatay sa isang car accident." sagot ni Minoru.
Kitang kita ni Sessha ang lungkot sa mga mata nito.
"I'm sorry hindi na dapat ako nagtanong pa."
"Ayos lang matagal naman ng panahon silang wala. Kung gusto mo mag shower nasa kaliwa, meron nadin tuwalya dun. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka." sabe ni Minoru at nag tungo sa veranda para mag tsaa.
Isang oras din nag shower si Sessha bago sya natapos. Nagtungo sya sa verandah para puntahan si Minoru ng makita nya itong nagbabasa ng libro.
"Hobbies mo mag basa?" bungad na tanong ni Sessha.
"Hindi naman kapag bored lang." sagot ni Minoru.
"Alam mo kapag bored ang nanay ko wala syang ginawa kundi ipakilala ako sa mga mayayamang lalaki kahit matanda basta mayaman." kwento ni Sessha.
"Hindi na mangyayare yun ngayon." seryosong sabe ni Minoru habang nakatitig kay Sessha.
"Ano nga palang pinagkaka abalahan mo?" tanong nito.
"Basketball. Bukod sa pag aaral kasali rin ako sa basketball." sagot ni Minoru.
"Ang dami mo sigurong fans. Magaling ka ba mag laro?"
"Medyo lang." ngiting sagot ni Minoru.
"Alam mo pangarap ko makapag tapos ng pag aaral pero hindi na mangyayare yun kasi hindi ako kayang suportahan ng nanay ko, kaya nga pag nakahanap ako ng trabaho babalik ako sa pag aaral." sabe ni Sessha.
"Gusto mo bang tulungan kita. Pag aaralin kita walang bayad."
"Ano ka ba hindi mo na kailangan gawin yun. Gusto kong magsikap para sa sarili ko at tumayo sa sarili kong paa." seryosong sabe ni Sessha.
"Bukas gusto mo pumunta ng school para makita mo ang team at kung saan ako nag aaral."
"Talaga? Pwede ba akong pumunta dun kahit hindi ako nag aaral dun?" tanong nya.
"Oo naman marami ngang outsider dun." sagot ni Minoru at natawa si Sessha.
"Minoru salamat hah. Hindi ko alam kung kailan kita mababayaran sa lahat ng ginawa mo para sakin."
"Wala yun. Masaya akong makatulong."
YOU ARE READING
𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓
FanfictionSi Minoru Matsumoto ang lalaking walang tulak kabigin dahil hindi lang ito gwapo, mabait at matalino pa. Sessha ang babaeng patapon ang buhay. Isang taon na mula ng mag layas sya at iwan ang Tokyo. Paano nga ba sya napadpad sa AKITA? Sino ang lalak...