CHAPTER 1

45 19 1
                                    

Dalawang buwan na mula ng mainjured si Minoru at ngayon handa na syang bumalik at maglaro ulet. Gusto nyang makapag laro sa Interhigh at talunin ang SHOHOKU.

Papunta palang ng gym si Minoru ng pagkaguluhan sya ng mga babae. Hindi nya maiwasan mapangiti dahil kahit dalawang buwan syang nawala hindi sya nauubusan ng fans club.

"Dalawang buwan nawala yan pero may fans club parin. Ibang klase talaga." bulong ni Nobe.

"Wala naman ng bago dun kahit san naman ata yan nagpupunta lage syang pinagkakaguluhan." sabe naman ni Masashi

"Mas marami pa syang fans club kay Eiji." sabat naman ni Mikio.

"Minoru sobrang namiss ka namin. Maglalaro kana ba ulet?" tanong ni Iris.

"Kundi mo pa kaya Minoru sabihin mo lang nandito ako para alagaan ka."

"Hindi pwedeng ikaw ang mag alaga sa kanya dapat ako."

"Girls salamat sa concern sobrang na-appreciate ko kayo pero wag sana kayo mag away ng dahil sakin. Wag kayo mag alala okay na ako kaya hindi nyo na ko kailangan alagaan pa." seryosong sabe ni Minoru at ngumiti pa sa mga babae.

"Minoru. Nanaginip ba ako? Bakit nandito ka? Kailan ka pa lumabas?" sunod sunod na tanong ni Eiji.

"Kahapon lang. Pasensya na hindi ko na nasabe sa inyo." hinging paumanhin ni Minoru.

"Pwede ba palayasin mo yang mga fans mo." utos ni Fukatsu saka ito naglakad para pumunta sa gym.

Ngumiti lang si Minoru saka nagpaalam sa mga fans nya.

"Wala ka bang balak sagutin yang mga fans mo? Ilang buwan ka din nilang hindi nakita." sabe ni Eiji habang naglalakad sila.

"Kapag sinagot ko ang isa sa kanila baka mag cause lang yun ng gulo at ayokong mangyare yun. Ayokong pinag aawayan ako ng mga babae." sagot ni Minoru.

"Kung sabagay may point ka. Mahirap talagang maging pogi." pang aasar ni Eiji at ngumiti lang si Minoru.

Pagdating ng dalawa sa gym agad na pinagkaguluhan naman si Eiji kaya inis na inis si Fukatsu dahil hindi nila magawang mag practice.

"Mahirap talagang maging pogi. Gudluck." bulong ni Minoru at iniwan si Eiji.

Hindi naman magawang maka alis ni Eiji dahil na corner na sya ng mga fans nya.

𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓Where stories live. Discover now