Maagang nagising si Sessha at napansin nya si Minoru na nagluluto ng almusal.
Gusto nyang mahiya dahil mas nauna pang magising ito kesa sa kanya. Hindi nya maiwasan tignan ito dahil napaka masculine nito lalo na kapag nakapambahay.
"Good morning." bati nya.
"Good morning din. Gusto mo ba ng kape or tsaa ipagtitimpla kita."
"Naku wag na Minoru ako na lang. Pasensya na kung ngayon lang ako nagising." nahihiyang naupo si Sessha.
"Ayos lang yun alam ko naman na kailangan mo bumawi ng tulog." sabe ni Minoru.
Sabay silang kumain habang nag uusap.
Pagkatapos kumain naligo at nag ayos na sila pareho. Excited na si Sessha na makita ang school ni Minoru.
Pagdating nila sa SANNOH hindi nagustuhan ng mga fans ni Minoru na makita itong may kasamang babae.
"Minoru bakit ang sama ng tingin nila sakin? Galit ba sila dahil kasama kita?" tanong ni Sessha.
"Wag mo na lang silang pansinin at wag mong tignan." sabe ni Minoru.
Dumiretso ang dalawa sa gym at natutuwa ang team ng makita si Sessha.
"Ang ganda mo pala. Parang hindi ikaw yung pulubi na nakita namin kagabe." sabe ni Eiji
"Ganun ba. Salamat sa papuri Eiji."
"Gusto mo bang maging manager namin? Ang totoo wala pang nakukuhang manager si coach." singit ni Fukatsu sa usapan.
"Pero hindi ako marunong sa basketball. Isa pa wala pa akong kakayahan na mag aral dito lalo na private ang school nyo. Kailangan ko pa makapag ipon para makapasok dito."
"Walang problema yan kung papayag kang tulungan ka ni Minoru. Hindi ba Minoru." ngiting sabe ni Eiji.
"Masyado ng maraming natulong si Minoru sakin at ayoko ng gawin pa nya yun."
"Nakakalungkot lang na may isang babaeng tinanggihan ako." sabe ni Minoru at natawa si Eiji at Fukatsu.
"Minoru hindi sa ganun. Hindi pa kasi ako nakakabawi sa lahat ng tulong mo sakin tapos tutulungan mo nanaman ako." paliwanag ni Sessha.
"Hindi mo naman kailangan bumawi sa lahat ng tulong ko sayo sapat na sakin na makita kang masaya." seryosong sabe ni Minoru.
"Minoru parang iba na yan hah hahaha."
Halos magtawanan ang team at hindi naman maiwasan mahiya ni Sessha.
"Sige papayag na ako pero babayaran ko lahat ng nagastos mo sa oras na makahanap ako ng trabaho. Okay lang ba?" tanong ni Sessha.
"Sige." tipid na sagot ni Minoru.
Nagsimula ng mag practice ang team habang nanonood naman si Sessha.
Hindi nya maiwasan tignan ng mabuti si Minoru dahil napaka cool nito kapag naglalaro.
"Ang pogi nya." sambit ni Sessha.
"Pogi talaga si Minoru kaya kung pwede pumila ka dahil hindi kami papayag na makasingit ka." bungad ni Iris.
"Bakit kailangan kong pumila?" tanong ni Sessha.
"Obviously dahil kami ang nauna sa kanya. Hindi mo ba nakikita na maraming babaeng may gusto kay Minoru kaya kung pwede pumila ka kung ayaw mong masaktan. Bobita." pagtataray ni Iris.
"Hindi ako bobita. Isa pa hindi ko kailangan pumila dahil wala naman akong gusto kay Minoru kaya hindi mo na kailangan mag aksaya ng oras sakin." inis na umalis si Sessha dahil nawalan na sya ng gana manood.
Lumabas na lang sya para dun na lang hintayin si Minoru.
"Mas mabuti pa siguro na lumayo na lang ako sa kanya."
YOU ARE READING
𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓
FanfictionSi Minoru Matsumoto ang lalaking walang tulak kabigin dahil hindi lang ito gwapo, mabait at matalino pa. Sessha ang babaeng patapon ang buhay. Isang taon na mula ng mag layas sya at iwan ang Tokyo. Paano nga ba sya napadpad sa AKITA? Sino ang lalak...