Isang taon na mula ng umalis si Sessha sa Tokyo. Wala syang balak sundin ang nanay nya dahil hindi naman ito ang nagpapatakbo ng buhay nya.
Ayaw nyang magpakasal sa lalaking malapit ng mamatay at hinding hindi nya isusuko ang bataan nya sa matandang walang ngipin.
Lumaking mahirap si Sessha at walang ibang nasa isip ang nanay nya kundi ibenta sya sa mga matatandang mayaman para lang maka ahon sila sa kahirapan. Mula ng mamatay ang tatay nya wala ng nasa isip ang nanay nya kundi pera, sa madaling salita pera nalang ang kaligayahan nito.
Hindi lubos maisip ni Sessha na magagawa nyang maglayas, ayaw sana nyang lisanin ang Tokyo pero hindi naman nya kayang manatili pa sa puder ng nanay nya.
"Saan ako pupulutin nito ngayon?
Halos maiyak si Sessha dahil hindi nya alam kung saan sya pupunta. Hindi rin nya kilala ang mga kamag anak ng tatay nya ganun din ng nanay nya.
"Anong gagawin ko?"
"Malayo na ba ito sa Tokyo? Anong lugar kaya ito?"
Walang ibang makitang sign board si Sessha kaya naisip nyang mag tanong.
"Ah miss pwede bang mag tanong."
"Sure. Ano ba yun?" tanong ng babaeng naka pustura na ubod ng kapal ng make up.
"Saang lugar na ba ito?" tanong nya.
Tumingin pa ang babae sa kanya na para bang pinagtatawanan sya nito sa isip.
"Nasa Akita ka. Sino bang pupuntahan mo rito?" maarteng tanong ng babae.
"AKITA?" sambit na lang nya.
Hindi na naiwasan ng babae na pagtawanan sya.
"Dayo ka ba rito? Kung sabagay halata naman. Kung hindi mo alam kung saan ka pupunta much better bumalik kana lang sa pinanggalingan mo."
Inis na tinignan ni Sessha ang babae saka ito umalis.
"Ganito ba ang mga tao rito sa Akita mga walang breeding. Kung pagtawanan nya ako akala mo kung sino."
Naisip nyang wag na lang mag tanong dahil ang importante sa kanya ngayon hindi na sya masusundan ng nanay nya.
YOU ARE READING
𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓
FanfictionSi Minoru Matsumoto ang lalaking walang tulak kabigin dahil hindi lang ito gwapo, mabait at matalino pa. Sessha ang babaeng patapon ang buhay. Isang taon na mula ng mag layas sya at iwan ang Tokyo. Paano nga ba sya napadpad sa AKITA? Sino ang lalak...