Pagkatapos ng practice naisipan nilang kumain bago umuwe ng makita nilang may babaeng nakahiga sa daan.
"Ang dungis nya. Hindi kaya pulubi yan." sabe ni Eiji.
"Sa tingin ko nga." sabat ni Fukatsu.
Agad na nagising ang babae dahil sa ingay na narinig nito.
"Ummmm nagugutom na ako." sambit nito habang naka hawak sa tyan nya.
"Mukhang hindi pa sya kumakain. Ano kaya kung isabay natin syang kumain." sabe ni Minoru at tinignan sya ng masama ni Masashi.
"Wala naman masama kaya lang kasi."
Hindi magawang sumang ayon ni Nobe at Masashi dahil hindi nila kilala ang babae.
"Hindi ako masamang tao. Wala na akong pupuntahan mula ng mag layas ako samin." naiiyak na kwento ng babae.
"Kawawa naman sya. Ano kaya kung kupkupin mo na lang Fukatsu." sabe ni Eiji.
"Siraulo ka ba ni hindi ko nga sya kilala." bulyaw ni Fukatsu.
"Bakit ka ba nag layas miss?" tanong ni Mikio.
"Gusto kasi akong ibenta ng nanay ko." sagot ng babae.
Naawa naman ang team lalo na si Minoru.
"Ayos lang ba kung sumama ka samin para maka-kain ka?" tanong ni Minoru.
"Sigurado kang isasama mo sya?" bulong na tanong ni Masashi.
"Wala naman sigurong masama." sagot ni Minoru at tinulungan ang babae.
Sumama nga si Sessha sa team dahil gutom na gutom na talaga sya.
Umorder ng maraming pagkain si Minoru para kay Sessha ganun din sa team.
"Sige kumain ka wag ka mahiya." anya ni Minoru.
Hindi na nga nahiya si Sessha at sunod sunod nya isinubo ang mga pagkaing inorder ni Minoru.
"Pasensya na kahapon pa kasi ako hindi kumakain." sabe nito.
Nakatingin lang ang team at hindi na nagawang kumain pa.
Pagkatapos kumain ni Sessha naisip ng team na kausapin ang babae.
"Saan ka nga pala tutuloy nyan?" tanong ni Eiji.
"Sa kalye ako matutulog pero bukas maghahanap na ako ng trabaho para buhayin ang sarili ko. Ayoko ng bumalik sa Tokyo dahil magiging miserable lang ang buhay ko dun." naiiyak na sagot ni Sessha.
"Masyadong delikado kung sa kalye ka matutulog." sabe ni Fukatsu.
"Wala naman kasi akong pupuntahan. Hindi ko rin kilala ang mga kamag anak ni tatay at nanay." paliwanag ni Sessha.
"Gusto mo bang tumira ka muna sakin? Hanggang sa makahanap ka ng tutuluyan mo." seryosong sabe ni Minoru at tinignan sya ni Fukatsu at Eiji.
"Naku wag na. Pinakain nyo na ako malaking bagay na yun para sakin."
"Kapag may nangyareng masama sayo makokonsensya kami dahil wala kaming ginawa para tulungan ka. Wag ka mag alala hindi ako masamang tao gusto ko lang na nasa mabuting kalagayan ka." seryosong sabe ni Minoru at napangiti si Eiji.
"Pumayag kana." singit ni Mikio.
"Sige, pero pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong nito kay Minoru
"Matsumoto Minoru. Ikaw?"
"Sessha Omimi."
Ngumiti lang si Minoru saka ito kumain.
"Wag ka mag alala Sessha mabait na tao yan si Minoru hindi mo pagsisisihan na dun ka tumira sa kanila." ngiting sabe ni Eiji.
Hindi tuloy maiwasan ni Sessha na mahiya habang nakatingin kay Minoru.
![](https://img.wattpad.com/cover/385139483-288-k902085.jpg)
YOU ARE READING
𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐌𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐍𝐄 𝐒𝐇𝐎𝐓
FanfictionSi Minoru Matsumoto ang lalaking walang tulak kabigin dahil hindi lang ito gwapo, mabait at matalino pa. Sessha ang babaeng patapon ang buhay. Isang taon na mula ng mag layas sya at iwan ang Tokyo. Paano nga ba sya napadpad sa AKITA? Sino ang lalak...