Kabanata 17

2.3K 65 19
                                    

ABI

Naging ganun nga ang sitwasyon namin ni Bullet. Pag may time siya at hindi hectic sa schedule niya nasusundo niya ako o minsan naman naihahatid. Naiintindihan ko naman siya dahil college student siya kaya kung anong time lang ang maibigay niya sa akin sinusulit ko iyon na kasama siya.

"Abigail, ilan sa mga friends mo ang pupunta bukas para sa birthday celebration mo?" Tanong ni mama habang abala sa pagsasaayos ng mga tinupi naming damit kanina.

"Confirm na po si Kate na pupunta. Si Dwight naman po susubukan ko pa pong kausapin. Di pa rin po kasi ako pinapansin, eh."

"Huwag mo siyang pipilitin kung ayaw niya, Abi. Intindihin mo rin ang nararamdaman ni Dwight."

"Opo, ma."

Kinabukasan paggising ko para mag-asikaso sa pagpasok sa school wala akong text or calls na natanggap mula kay Bullet. Usually naman nauuna siyang nagigising sa akin kaya siya ang unang bumabati sa akin sa umaga.

Message mula kay Kate at sa iba ko pang kaklase ang bumungad sa akin, bumati ng happy Valentine's day at happy birthday.

To: Bullet 🤍
Good morning, mahal ☺️

Pagkatapos kong isend iyon naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Dala ko na ang bag ko at ilan sa mga gamit na kailangan kong dalhin sa school pagbaba ko sa sala.

Naabutan ko doon sila kuya at mama na paalis na rin papunta sa school.

"Happy Birthday, pangit." Tamad na tamad na ani kuya Gil sa akin. Humikab pa pagkatapos.

"Thanks, kuya, ah? Super sweet mong kapatid."

"Walang anuman." He even tapped my head after. "Legal age kana, mas masakit ka na sa ulo namin ni mama."

"Ayan na naman, Gil. Huwag mo na simulan 'to, anak. Mag-aaway na naman kayo. By the way, happy 18th birthday, my princess. Dalagang-dalaga ka na talaga, Abigail ko." Niyakap ako ni mama ng mahigpit kaya yumakap din ako pabalik.

"Thank you po, mama. Uuwi po ako agad pagkatapos ng class namin."

"Wala kayong date ni Khal?" Tanong ni kuya Gil.

Hindi agad ako nakasagot. Wala pa rin akong nakuhang reply sa kanya. Tinawagan ko na rin siya kanina pero hindi naman sumasagot.

"Sinabihan ko na 'yon na pumunta siya dito sa dinner celebration natin. Isabay mo na siya pag-uwi mo."

Sumabay na ako sa kanila papunta sa school ko. Pagpasok ko pa lang sa room binati na agad ako ni kate dala ang regalo niya sa akin at isang bulaklak. Mabuti na lang talaga may nadaanan ako kaninang nagbebenta ng roses kaya bumili ako para sa kanya.

"Happy 18th birthday and happy Valentine's day, Abi!"

"Thank you, Kate. Happy Valentine's day rin…" nakangiting bati ko tsaka inabot ang binili kong roses.

"Thank you, Abi. Ikaw na lang talaga ang magbibigay sa akin nito dahil walang ibang magbibigay sa akin." Niyakap niya pa ang bulaklak na bigay ko. "Kailan kaya isesend ni Lord yung para sa akin?"

"Malay mo mamaya… or never." I joked.

"Tsk. Mayabang ka porket may Bullet ka, eh."

Napawi ang ngiti ko. "Hindi nga ako nirereplyan, eh."

Nangunot ang noo niya. "What do you mean?"

"Kanina pa ako nga text at tumatawag pero di siya nag re-response."

"Baka naman may inaasikasong surprise para sayo, girl. 18th birthday mo ngayon, hinintay niya 'tong mangyari kaya imposibleng i-ignore ka niya." Aniya, sinusubukan alisin ang namumuong pangamba sa loob ko.

Bullet of Rules (Military Series 4) On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon