ABI
Paano ko sasabihin sa kanya? Paano ko uumpisahan? Paano ko ipapaliwanag? Paano niya tatanggapin?
Iyan lang ang tumatakbo sa isipan ko habang abala ako sa pag-aasikaso sa mga tao. Sa tuwing napapasulyap ako sa gawi ni Bullet kumakabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Kinakabahan ako na baka magalit siya sa akin.
"Uy, ayos ka lang ba?"
Bumalik ako sa sarili ko nang may kumausap sa akin. Si Sir Tristan iyon. May dala siyang isang kahon. Kakalapit niya palang sa akin.
"Kanina ka pa nakatulala, Sison. May problema ba?" Tanong niya.
"Wala, Sir. Ayos lang po ako." Dinaan ko sa tawa ang pagsagot.
"Lagay ko na muna 'to do'n. Iwan na kita, ah?"
Tumango ako. "Sige, Sir."
Napabuntong hininga ako pag-alis niya. Ang dami na ngang problema dito dumagdag pa ang mga iniisip ko. Ang dami-dami naming dapat asikasuhin pero hating-hati ang atensyon ko.
Naramdaman ko na lang ang pag vibrate ng cellphone ko sa loob ng bulsa. Kinuha ko agad iyon. Tawag 'yon galing kay Kuya Gil. Pumunta muna ako sa gilid bago iyon sinagot.
"Kuy—"
["Napanood ko 'yong balita, Abigail. Nakita kita at si Khal diyan sa sumabog na mall. Kamusta kayo?"] Iyon agad ang bungad niya.
"Ayos lang po kami dito, Kuya. Yung sumabog yung bomba nakalabas naman kami lahat."
["Umuwi ka mamaya, ha? Nasa byahe na ako pauwi sa bahay."]
"Opo. Pagtapos namin dito di-diretso na ako sa bahay."
["Sama mo si Khal."]
Natigilan ako. Napatingin ako sa gawi ni Bullet. May inaalalayan itong matandang babae papunta sa medical team.
"S-Sige." Nauutal kong sagot.
["Okay na ba kayo?"]
"Uhm, medyo okay na. Nag-uusap na rin naman kami."
["Nagkabalikan na kayo?"]
Natigilan ulit ako. Naalala ko ang pinag-usapan namin ni Bullet nung nakaraang gabi. Pareho sila ni mama may ginawang mali sa akin pero dahil sa pakiusap ni Bullet pipilitin kong hindi magalit sa kanila.
"H-Hindi pa, kuya. Masyadong maaga pa para do'n. Kailan lang kami nag-usap, oh." Natatawang sabi ko.
["May balak ka bang sabihin 'yung tungkol sa pamangkin ko?"]
Napabaling ulit ako kay Bullet nang itanong iyon ni kuya Gil. Tumitingin-tingin ito sa paligid na parang may hinahanap. Nang magsalubong ang tingin naman ngumiti siya at kumaway. Ngumiti rin ako.
Nag thumbs up siya sa akin, nagtatanong kung ayos lang ba ako. Tumango naman ako para iparating na okay lang ako.
"Mamaya sasabihin ko." Binalikan ko si kuya Gil.
["Tulungan kita?"]
"Hindi na. Kaya ko na 'yon. Medyo kinakabahan lang ako pero ako na bahala, kuya. Thank you. Sige na po, ibababa ko na 'to bago pa ako makita ng CO ko na nag ce-cellphone."
["Hmm, sige na. Mamaya na lang. Mag-ingat ka diyan."]
Pagtapos ng tawag bumalik na ako sa pwesto ko kanina. Tumulong na ulit ako sa kanilang lahat. Mas inuna kong tulungan ang mga matatanda at bata. Yung iba naman nakuha lang nila ang sugat nila sa pagmamadali lumabas kanina sa mall. May mga nadapa. May mga naapakan. Meron ding napilayan.

BINABASA MO ANG
Bullet of Rules (Military Series 4) On-going
ActionAbi, a typical teenager who is secretly in-love with her brother's best friend, Bullet. Yet, she believes he only sees her as nothing more than a little sister because of their age-gap. Driven by her feelings, Abi secretly joins the military to fol...