Kabanata 14

2.4K 72 38
                                    

ABI

"Saan ka galing? Nasaan si Khal?"

Iyon agad ang bungad sa akin ni kuya nang makasalubong ko siya dito sa likod ng bahay.

"E-Ewan ko sayo! Kayong dalawa yung magkasama simula pa kanina 'di ba? Ayaw mo nga siyang palapitin sa akin tapos ako pa tatanungin mo?" I answered, I tried not to sound defensive and guilty as much as I could. 

"Kanina ko pa hinahanap di ko makita, eh. Mamaya tumatakas-takas na kayong dalawa sa akin, ah? Umayos ka, Abigail."

"Hindi ko nga alam, kuya! Hanapin mo kasi ng maayos para makita mo si Bullet. Diyan ka na nga." Nilagpasan ko na siya at dumire-diretso na papunta sa loob ng bahay.

Dito na ako dumaan papunta sa harap para makisaya sa mga kamag-anak ko. Umupo ako sa isang bakanteng upuan. Pinapanood ko ang mga pinsan kong nagsasayawan habang tumutugtog ang malakas na Christmas song sa videoke.

Natulala na lang ako bigla. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Bullet sa garden. Hindi kaya ayaw niya? Baka naman naturn-off na siya sa akin kasi nagmamadali ako?

Pero kasi… bakit kasi papatagalin pa kung pwede naman ngayon na? Ilang months na lang din naman 18 na ako.

Mayamaya nahagip ng mata ko si kuya Gil at Bullet na naglalakad papunta dito sa gawi namin. Dito na sila dumaan sa pinaka main entrance at exit ng garden. Ako kasi kanina sa likod dumaan para walang makakita sa akin pero muntik pa akong mahuli ni kuya.

Tumayo ako para kumuha ng tubig. Para akong natuyuan dahil sa nangyari. Narito pa rin ang pagkabog ng mabilis ng puso ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko.

Ang lakas-lakas ng loob ko kanina tapos ngayon nanghihina ako.

"Abi!"

"Ay mama mo!" Halos mabitawan ko ang hawak kong plastic cup sa gulat ko kay ate Mira.

"Ay sorry… nagulat ka pa rin kahit halos dumagundong na tayo sa lakas ng music?"

"Sorry, ate, may iniisip lang po ako."

Nangislap bigla ang mga mata niya. Mas lumapit siya sa akin. "Iniisip? Si Khal 'no? Ano nahuli ba kayo ni Gil?" Bulong niya.

Umiling ako. "Hindi po, ate. Nakaalis din po ako agad bago pa makapunta si kuya sa garden. Thank you po pala sa ginawa mo."

"Welcome! Ginagawa ko 'yan kasi naranasan ko maging katulad mo. Ang hirap kayang magtiis. Yung gustong-gusto mo siyang makita, malapitan, at makausap pero hindi pwede. Ayaw ko naman na maranasan mo 'yon."

"Ate…" yumakap ako sa kanya. Niyakap niya rin ako at marahan na hinimas ang buhok ko. "Thank you po ulit."

"Basta, Abi, alam mo dapat ang limitasyon mo, ah? Bata ka pa. Mag enjoy ka lang."

"Opo," nakangiti akong tumango sa kanya.

"Doon ka na umupo sa amin." Tinuro niya ang pabilog na lamesa kung saan naroon nakaupo sila kuya Gil, Bullet at iba pang mga nalalapit sa edad nila.

Pilit akong napangiting nagbalik ng tingin sa kanya.

"Hindi na po, Ate. Baka ikulong na ako ni kuya sa kwarto pag umupo ako kasama niyo." Aniko.

May mga nakalagay na kasing mga alak at pulutan sa lamesa. Bilang lang din ang babae doon, mas marami ang mga lalaki.

"Sabagay, pagtiisan mo muna itong mga pinsan nating elementary students." Natatawang aniya. Natawa rin ako. "Hayaan mo, Abi, pag legal age kana dadalhin kita sa club. Syempre doon sa maayos na club! Sana payagan ka ni Khal…" mapanukso niyang sambit sa huling sinabi.

Bullet of Rules (Military Series 4) On-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon