Chapter 5: Painful Past

133 8 0
                                    

Chapter 5: Painful Past 

Pagkatapos ng kaguluhan kanina, agad na akong tumakbo papunta sa soccerfield para doon na lang kumain nang mag-isa.

May nakita akong bench sa bandang kaliwa na wala namang tao kaya doon na ako umupo at nagsimulang kumain, habit ko na kasing magdala ng baon araw-araw at ayokong gumastos. 

  

Tsk. Bakit ko pa kasi nakasama ang mokong iyon?? Naalala ko tuloy ang mga nangyari noon sa pamilya namin. :'(

****

My name is Chiel Cornelio Sy, ang apelyedo ko ay nagmula sa pangalan ng nanay ko at iyang Chiel na pangalan ko, ewan, si tita lang siguro ang nagpangalan niyan sa akin.

Lumaki ako nang walang magulang kaya si Tita Lucy na lang ang nagtatayo kong magulang since nawala iyong nanay ko.

Nung bata pa ako, masaya sana ang buhay ko, may ate akong mabait, may tita akong mapagmahal at may kaibigan akong nakakaintindi sa akin kaso sa gitna ng kasiyahan na iyon, may isang bagay na nagpapalungkot sa akin at iyon ay ang nanay ko.

Kinaiinisan niya raw ang pagmumukha ko kaya hindi niya ako gustong makita.

Dahil sa may sakit ang nanay ko sa utak, pinagkamalan tuloy siyang baliw ng mga tao sa amin kaya ito na rin ang dahilan kung bakit walang kumakaibigan sa akin noong bata pa ako.

Tinanong ko si tita kung bakit galit si nanay sa akin. Ang sabi niya, intindihin ko na lang daw siya kasi naaalala lang daw niya ang tatay ko sa tuwing nakikita niya ako.

Dahil dun, kinaiinisan ko na rin ang tatay ko kasi ang laging sinasabi sa akin ni nanay ay siya daw ang dahilan kung bakit naging miserable ang buhay niya at ako daw ang naging bunga ng lahat ng iyon, iniwan daw siya ng tatay ko at malas daw ako sa paningin niya kaya ilang beses na niya akong sinaktan at tinakwil.

Araw-araw, iyak ako nang iyak sa tuwing pinapaalis niya ako sa kwarto niya pero kahit ganyan ang trato niya sa akin, mahal ko pa rin siya kaya kahit ilang beses pa niya akong saktan at i-takwil, lumalapit pa rin ako sa kanya.

  

Mabuti na lang andyan lagi si Ate Lian para pasayahin ako at iyong kaibigan ko noon na tanging nakakaintindi sa akin pero simula nung nilipat ako ni tita sa bahay nila, wala na kaming balita sa isa't-isa.

Sa pagdating ng ika-walong kaarawan ko, ito iyong araw na hindi ko makakalimutan kasi hindi ko inaasahan na may regalo pala akong manika mula sa nanay ko.

Sinabi kasi ni tita sa akin na inutusan lang daw siya ng nanay ko na bumili ng isang manika, huwag lang daw ipagsabi sa akin na sa kanya pala galing iyong regalo. 

Grabe, kung alam niyo lang kung gaano ako kasaya sa araw na iyon.. Gusto ko sana siyang puntahan sa kwarto niya para magpasalamat at halikan siya kaso hindi ako pinayagang pumasok ni tita kasi magagalit lang daw si nanay kapag nalaman niyang sinabi sa akin ni tita tungkol sa regalo kaya kahit nakakalungkot, sinunod ko na lang si tita. 

Hatred  (O n g o i n g)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon